Chapter 14

512 30 0
                                    

Nakabusangot lang ako habang pinapanood ang mga kaklase kong busy sa paglaro sa arcade area ng mall.

"Eion, let's play!" nakangiting sabi ni Drake habang hawak ang bola ng basketball.

Inirapan ko siya saka umiling. Well, I know how to play and shoot but I am not in the mood.

Iniisip ko kung ilang oras ang magagamit ko sa pag-iimpake ng mga gamit ko.

Napabuntong hininga ako saka napatingin sa tabi ko nang may umupo. Nakita kong si Airoon iyon.

"Busy ka ba? Bili tayong pagkain." Sabi nito kaya tumango ako.

"Okay. Tara." Sabi ko saka kami lumabas. Kaagad naman kaming naglakad patungo sa mcdo. Nang makarating kami roon ay tiningnan ko ang nasa taas na menu bago hinintay na makarating sa harap ang linya since madaming tao.

Nang nasa harap na siya ay kaagad na ngumiti ang babaeng nasa counter. "Hi, maam. Good morning, what is your order?"

Ngumiti ako. "Good morning. Ahm, I want two bucket of nuggets and 2 bucket of fries as well. Then 20 pieces of choco pie, 20 pieces of mcfloat and also 20 pieces of sundae, take out, thank you." Nakangiting sabi ko saka hinintay kung magkano ang babayaran. Nang sabihin na nito ay kaagad akong naglabas ng pambayad saka ibinigay sa babae. Nang maibigay ang sukli niya ay tumingin siya kay Airoon na nasa likuran niya. "Hindi ka ba bibili?"

"What? You mean, what you order is yours only? Damn! What a patay gutom you are, Jace." Tila disappointed na sabi nito kaya inirapan ko siya.

"Gago, joke lang kasi 'yun!" Sabi ko. Kaagad kaming gumilid habang hinihintay ang aming order.

Nang maibigay na sa amin ang paper bag na ang mga pagkain ang laman ay kaagad iyong binuhat ni Airoon saka kami sabay na naglakad pabalik ng arcade area.

Habang naglalakad pabalik ay napatigil si Airoon sa paglalakad kaya napatigil ako at tiningnan kung sino ang tinitingnan niya.

Napakunot ang noo ko nang makita ang isang babae, mas matangkad sa akin ng mga isang pulgada at may hawak na bata.

"Who is she?" pabulong na tanong ko kay Airoon pero nagkibit balikat lang siya at nakita kong pang sinamaan niya ng tingin yung babae bago naunang maglakad patungo sa arcade area.

Napailing na lang ako. Tingnan mo yun, mang-iiwan, tsk.

Napatingin ako sa babae at nakatingin pa rin siya sa tinahak na daan ni Airoon. Hmm, I smell something fishy here.

Bumaba ang tingin ko sa batang hawak nito at napakunot ang noo ko nang medyo pamilyar ang mukha nito, kamukha ni—no, siguro namamalik mata lang ako.

Napangiti ako nang makitang ngumiti ang bata sa akin. Ang cute! Ang sarap kurutin!

Gusto ko sanang lumapit at gawin yun pero baka idemanda ako ng child abuse, huwag na lang.

Nang magtama ang mga mata namin ng babae, kaagad ko siyang nginitian saka kinawayan bago naglakad patungo sa arcade area.

Nang makarating ako roon ay nakita kong kumakain na ang mga tukmol sa binili kong pagkain. Wow ha, hindi naman halatang mukha silang kuripot.

Nang makapasok ako roon ay napatingin sila sa akin. Kaagad akong dumiretso sa dating kinauupuan ko kanina dahil nandoon si Drake. Kaagad naman nitong ibinigay sa akin ang akin kaya kaagad ko itong nilantakan.

"Bakit andami mong binili? Sumusobra." Sabi nito.

"Kesa naman mabitin, mas mabuti ng sobra." Sagot ko saka hinanap ng mata ko si Airoon.

The Only Rose Among The Thorns [Completed]Where stories live. Discover now