Chapter 12

560 32 0
                                    

Pagkarating namin sa bahay nina Xyle ay agad kaming pinaderetso sa likod ng bahay nila kung nasaan ang swimming pool na meron ding mga caterer na nag-aayos ng mga tables.

"Mukhang napaaga tayo ng punta. Nag-aayos pa sila." Bulong ko sa katabi kong si Drake na abala sa pagtingin sa paligid.

"Lagi naman kaming maaga dito pag-birthday ni Xyle. Tsaka sa rooftop nila tayo mag-cecelebrate. Yung mga kasosyo nila sa business ang magse-celebrate dito sa baba." Sagot niya sa akin habang hindi pa rin tumitingin sa akin.

"Eh bakit tayo dito pinaderetso?" Nagtatakang tanong ko.

"Wala. Babati lang kami sa parent ni Xyle." Sagot niya saka tumingin sa akin.

"What's with rooftop? Kanina sa rooftop ng hospital. Tapos ngayon rooftop naman ng bahay. Ano 'to? Rooftop party?" Medyo nagtatakang tanong ko. Sasagot na sana siya sa akin nang biglang siyang tumayo at pumunta sa isang ginang na kalalabas lang mula sa loob ng bahay. The woman walk with elegance that while she is walking, everyone's attention is on her.

Nakita ko rin yung mga kaklase ko na naglakad sa gawi rin ng ginang at nagmano. Ah, ito ata yung nanay nung presidente.

Sa isiping yun ay agad akong pumunta sa gawi nila at nakipila sa pakikipagmano. Nang nasa harapan na niya ako ay agad na bumakas ang pagtataka sa kaniyang mata.

"Hello po. Kung nagtataka po kayo kung sino ako, transferee po ako ng section nila." Magalang na sabi ko saka nagmano.

"Oh. The only rose among the thorns, huh? " Nakangising sabi ng ginang. "What's your name, iha? "

"Eion Jace Fuentez po, Maam." Sagot ko.

"A Fuentez? Are you related to Eleazar Fuentez of Fuentez Shipping line?" Tanong niya sa akin.

"Ah. He's my dad, Maam."

"Oh! By the way, my name is Charisleth Quintos. Just call me tita Leth."

"Okay po. Tita leth." Sabi ko saka ngumiti.

"Pupunta na ba kayong rooftop? Padadalhan ko na kayo ng makakain dun. Eat all you can. Pasabi lang kayo mula sa intercom kung anong gusto nyo. Nakakonekta yun sa kitchen, okay?" Masayang sabi niya sa amin habang nakangiti.

"Thank you po, tita!"

"The best talaga!"

"Eat all you can here I come!"

"Let's get ready to rumble!"

Kanya-kanyang sigaw ng mga kaklase ko saka nag-uunahang tumakbo mula sa hagdan paakyat. Nahuli naman kami ni Drake na nagpapaalam na kay tita.

"Tita. Punta na kami sa taas." Paalam niya kay tita.

"Okay. Wag kayong mahihiya." Sabi ni tita saka pumunta na sa loob. Kami naman ay dumiretso na sa hagdan. Pagkarating namin sa rooftop ay dumako kaagad ang mata ko sa isang malawak na papag na merong mga nakakalat na mga pagkain dun at sa gilid nun ay may duyan.

"Sa duyan lang ako." Paalam ko saka dumiretso na sa duyan at nahiga. Yeah nahiga talaga. Para walang uupo.

Napatingin ako sa isang kamay na may iniuumang na kutsarang may pagkain sa bunganga ko.

"Ano? Subo na." Sabi ni Drake sa akin kaya sinubo ko na lang yun. Medyo gutom na rin ako at hapon na rin naman kaya siguro nakakaramdam na ako ng gutom.

"Ganito ka ba talaga kabait sa mga nagiging kaibigan mo na babae?" Kapagkuwan ay tanong ko.

"Ikaw lang naman ang naging kaibigan kong babae. Except kina mama at sa kapatid ko." Sagot niya habang sinusubuan ako.

The Only Rose Among The Thorns [Completed]Where stories live. Discover now