Chapter 20

481 26 0
                                    

"Wala na ba kayong nakatagong gadgets diyan?" tanong ni Rex na aming secretary. Abala ito sa pag-confiscate ng aming mga gadgets dahil magsisimula na ang aming event na jungle survival.

"Wala na." Sagot ng mga kaklase namin kasama na ako. Paanong mayroon pa eh kinapkapan nila kami isa isa pati at may ibinigay sila sa aming maliit na bag na ang laman lang ay ang isang araw na damit lang! Walang toothbrush, toothpaste o kahit sabon man lang!

Hindi ko naman alam na intense jungle survival pala ito.

"Good. Let's wait for the teacher's announcement if we can already start walking until we reach the main venue of this event." Sabi ni Rex saka lumapit sa mga teachers. Mukhang magtatanong.

Tahimik lang ako sa gilid habang naghihintay, nasa malayo kasing parte si Drake dahil alphabetical order ang sinabi ng teacher na linya namin habang naglalakad patungo sa venue.

"Pwede na raw tayong magsimulang maglakad." Narinig kong sabi ni Rex kaya umayos ako ng tayo saka naghanda na sa paglalakad namin. Wala na rin kasi akong inumin at pagkain na dala kaya sana hindi masyadong malayo ang lalakarin namin dahil medyo mabilis akong mapagod kapag naglalakad.

Ang mga kaklase kong iba ay may mga bitbit na tig-iisang galon ng tubig. Hindi ba sila mapapagod doon?

Habang naglalakad ay tumitingin tingin lang ako sa mga nadadaanan naming mga gubat hanggang sa naramdaman kong may tumabi sa akin. Tiningnan ko kung sino iyon at nakita ko si Xyle.

"Anong ginagawa mo dito? Sa likuran ka, diba?" tanong ko pero nagkibit balikat lang ito saka inalis ang bag mula sa pagkakasukbit at may kinuha sa loob niyon.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang inilabas nito. "Ano 'yan? Hindi ba bawal ang chips ngayon?" Gulat na tanong ko.

Ngumisi ito. "Perks of being a president." Sabi nito saka iniabot sa akin ang isang supot ng chips. "Ilagay mo sa bag mo at huwag mong ipapakita sa iba." Sabi nito saka bumalik sa dati nitong linya.

Huminga na lang ako ng malalim saka sinunod ang sinabi ni Xyle. Binuksan ko na rin saka doon ako paminsan-minsan kumukuha habang naglalakad kami.

Nang tumigil sila ay tumigil na rin ako saka sinara ang bag ko at isinuot bago tumingin sa paligid.

Kaagad kong nakita ang puro puno at gubat, mayroon ding isang kahoy na itinusok sa lupa at may nakalagay na isang flag na kulay green at may nakasulat which is ang section namin.

"Dito rin ba tayo matutulog?" Iyon ang unang tanong ko. Hindi ba nakakatakot kung dito? Masyadong magubat at baka may mga mababangis na hayop na pakalat-kalat dito o di kaya ay ahas!

"Yep." Sagot ni Klyde na siyang nasa likuran ko.

"Hindi ba nakakatakot?"

"Nope. This mountain is secured against wild animals. This is a mountain for a camping events like this."

Tumango na lang ako. Medyo nabawasan na ang takot ko sa narinig saka tumingin sa teacher na nag-i-instruct sa harapan na hindi ko napansin na naroon pala.

Magsasalita sana ako para sabihin na hindi ko marinig ang sinasabi nito pero huwag na lang pala. Wala rin naman akong maiintindihan kaya hinayaan ko na lang ang mga nasa harapan na makinig.

Nang magpaalam na ang aming teacher ay kaagad namang nagsigalawan ang mga kaklase ko. Ako naman ay nakatingin lang sa kanila na ibinaba ang mga gamit nila at unti-unting pumasok sa kagubatan gamit ang ilang bolo na ibinigay ng teacher.

Umupo ako sa isang natumbang puno habang tinitingnan ang mga kaklase kong abala sa pagkuha siguro ng mga gulay na kakainin namin.

Napatingin ako sa mga dumating mula sa kagubatan. Si Gian, Steven at Klyde na may bitbit na tig-dalawa silang mahahabang mga kawayan.

Ibinaba nila iyon sa lupa at nagsimulang linisan ang medyo nakakasugat na parte nito.

Lalapit na sana ako sa kanila nang makita ko ang teacher na papalapit sa amin na may mga bitbit na kung anu-ano.

Hinanap ng aking mata si Rex since siya ang medyo close sa mga teachers pero wala ito kaya ako na lang ang lumapit sa papalapit na guro.

"Good morning, miss." Bati ko kahit hindi ko na kilala.

"Good morning. This will be the rice and ingredients for this day's event. If you need anything, go to our tent." Sabi nito kaya tumango ako saka kinuha ang kalahating sako ng bigas at ang isang supot na ingredients.

Aalis na sana ang teacher nang makita kong bumaling ulit ito sa akin. "And, ahm, where is Rex? Hindi ba, siya dapat ang kukuha ng mga kakailanganin? He is the officer after all."

"Miss, All of my classmates, including me, is officers." Sagot ko.

"Ah, okay." Sabi nito saka nagmamadaling umalis. Napailing na lang ako saka maglalakad na sana habang bitbit ang sako nang may biglang kumuha dito.

Nakita ko si Rex na nakatingin sa linakarang parte ng teacher habang hawak ang bigas na kinuha nito mula aa akin.

"What did you tell her?" Tanong ni Rex sa akin.

"Wala. Tinanong lang niya kung bakit hindi ikaw ang kumuha ng mga kakailanganin eh ikaw lang naman daw ang officer dito kaya sinabi kong lahat tayo dito ay officer. Iyon lang tapos umalis na siya." Sabi ko saka tumingin dito. "Bakit?"

"Wala. Let's go." Sabi nito saka naunang pumunta na sa mga kaklase namin.

Inilagay ko lang ang supot sa gilid ko at tumabi kay Rex na minu-minuto ay bumubuntong hininga. Napatingin ako sa paligid at nakita kong lahat sila ay may mga ginagawa at ang iba ay hindi pa dumadating nagmula ng pumunta sila sa kagubatan.

"Hindi ka ba tutulong doon?" Tanong ko kay Rex.

"Later. How about you? Aren't you gonna help? Kahit pagluluto lang."

Napakamot ako ng ulo. "Wala namang rice cooker dito. Iyon lang ang alam ko eh." Sagot ko.

Natawa ito saka napapailing at nanatiling tahimik.

"Alam mo ba?"

Kumunot ang noo nito saka tumingin sa akin. "Na?"

"Na kahit ilang araw pa lang tayong magkakakilala ay kaibigan ko na kayo?" Nakangising tanong ko pero ginulo lang nito ang buhok ko habang napapailing.

"Kahit naman kami, ilang beses mo pa lang kaming nilibre, manlilibre na ang tingin namin sa'yo." Tumatawang sabi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Gago!" Inis na sabi ko.

"There, there. Akala ko hindi ko na maririnig ang mura mo."

Inirapan ko siya. "Tch." Tinawanan lang niya ako kaya napailing na lang ako saka sumeryoso. "May tanong ako. Diba, truth or consequence ang pinili mo?"

"Yep?" nagtatakang sagot nito.

"Magtatanong na ako sayo. Okay lang ba?"

"Sure." Tumatango-tangong sabi nito.

Ngumisi ako. "Truth or consequence?"

"Truth."

Mas lumapad ang ngisi ko sa narinig. "Okay. So, this is a personal question but I want to know it."

Napairap ito. "Andaming pa-keme." Sabi nito kaya natawa ako.

"What is your relationship with the teacher earlier? Iyong nagbigay ng bigas at ingredients kanina?"

Tiningnan niya ako, gone the smiling face of Rex Ramos. Seryoso na ito ngayon at mukhang walang balak sagutin ang tanong ko kaya nagulat ako nang magsalita ito.

"Ahm, we are in a relationship."

Oh shit!

The Only Rose Among The Thorns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon