Chapter 17

472 25 0
                                    

"Yan kase, inuna pa ang pagkanta, tss." Sabi ko habang pinapanood silang ayusing ang tent na tutulugan namin.

Nang matapos kasi ang pagkanta nila ay bigla nila akong hinila at nagpakuha sa isang babae ng litrato naming magkaklase. At hindi pa sila tumigil sa pagpapakuha ng iba't ibang pose hangga't hindi ko sila sinusuway.

Magsasalita pa sana ulit ako nang maramdaman kong naiihi ako.

Tumingin ako sa mga kaklase ko. "Saan pwedeng mag-c.r dito?" tanong ko.

Si Blue ang tumingin sa akin saka ngumisi. "Kahit diyan na lang sa magubat na parte, wala namang makakaalam."

Sinamaan ko siya ng kilay tingin. "Gago!"

Natawa ang ilang mga nakarinig pati na ang presidente at si Drake. Napairap na lang ako hanggang sa lumapit sa akin si Drake. "Alam nina Gian kung saan ang daan patungo doon kaya ipapasama ko na lang sila sayo."

Tumango ako dahil naiihi na talaga ako. "Oo na."

Tumango ito saka tumingin sa mga kaklase namin. "Gian, Rusty, Matthew, Kian, and Joshua. Kindly accompany her."

Ngumisi naman ang lima saka dali-daling lumapit sa akin. Napairap na lang ako. Napaghahalataan ang tamad tumulong gumawa sa tent.

Napailing na lang ako at kaagad na sinundan si Gian na nangungunang maglakad. Tapos may tig-isa sa gilid ko at dalawa sa likuran. Shet, para naman akong may ginawang kasalanan!

Ang bait ko naman para pagkamalang makasalanan. Iyong bibig ko lang naman ang medyo bastos eh.

Napapatingin na rin sa amin ang mga nadadaanan naming mga section pero wala akong pakealam sa kanila dahil naiihi na talaga ako.

Tumigil ang mga kaklase ko kaya napatigil na rin ako saka tumingin sa kanila. Hinarap ako ni Gian saka itinuro ang isang maliit na may nakasulat na cr. "Dito na lang kami, babantayan namin ang paligid." Sabi nito kaya tumango na lang ako saka mabilis na pumasok sa cr.

May nakabukas na cubicle doon kaya doon ako dumiretso at ini-lock muna ang pinto bago umihi.

Tahimik lang ang buong cr kaya nagulat ako nang pagkabukas ko ng pinto ng cubicle matapos umihi ay nakita iyong babaeng may gusto kay Drake na nakatingin sa akin.

Ngumiti ito sa akin. "Hi, you're Jace, right?"

Tumango ako saka pinindot ang flush bago lumabas ng cubicle. "Bakit?"

"Ahm, I'm Jessica."

Ngumiti ako. "Hello, Jessica. Ang tinatanong ko, kung bakit kinakausap mo ako, hindi ko tinatanong kung anong pangalan mo." Nakangiting sabi ko at nakita ko itong natigilan konti bago tumikhim.

"Well, it's a common thing to do when I wanna talk, right? Telling my name so it won't turn out a disrespect?"

"What?"

"Well, don't mind me. I just want to say thank you for mending my wound earlier even if you can just walk pass by."

"Hindi naman ako masamang tao na walang gagawin kung kaya ko namang gawin. Tsaka mayroon akong dalang first aid at may konti akong kaalaman tungkol sa paggagamot ng sugat kaya tinulungan kita."

"Well, I know that now. You're a good woman. I am happy that Red found a woman like you. You're a keeper." Nakangiting sabi nito.

Kumunot ang noo ko sa narinig. "Well, I know that I'm a good woman. But what do you mean, keeper? If you're telling me that Drake is lucky to found a good woman like me as a partner, then you are wrong, Ms. Jessica. We're just a good friend."

"But—nevermind." Sabi nito saka ngumiti. "Maybe he'll just taking his time to confess. I hope we'll be friends, I would love to talk with you, you're a savage and a honest."

Ngumiti ako saka tumango. "Okay. Don't worry, you know where to find me." Sabi ko saka tumango bago lumabas ng cr.

Kaagad kong nakita ang limang bantay ko na nakaupo sa ugat ng mga puno at kaagad ang mga itong tumayo nang makita ako.

Habang naglalakad pabalik sa area namin ay tahimik lang kami hanggang sa may naisip akong itanong. "Ano pala ang gagawin natin dito? Hindi naman siguro tayo pumunta lang dito para mag-camping, diba?"

Tumingin sa akin si Joshua na nasa kaliwang tabi ko. "We don't have something to do tonight, pero bukas, we'll be having a 24-hours jungle survival event. No phones, no technologies, chips, and any advance things to use. All of them will be confiscated before the jungle survival will start."

"The hell, so, sayang lang yung mga pagkain na baon ko, ganun?"

"Well, you can eat that tonight and the next next day after our event."

Napabuntong hininga ako. "So, anong kakainin natin kung ganun?"

Si Kian naman ang sumunod na sumagot sa akin. "The teachers will only give us a rice to cook only and we will be the one who will search for our dish."

"So, hahanap tayo ng ulam natin dito sa gubat? Mayroon bang malulutong ulam dito?" Inis na tanong ko habang pinapalibot ang aking paningin sa kagubatan pero wala akong nakikita dito kundi mga puno ng mga hindi ko alam na puno. "Wala din akong nakikitang makukuhang dahon na mauulam natin dito oh!"

"What do you mean wala?" tanong ni Rusty saka may itinurong isang halaman na parang may bunga. "That's singkamas. There's also patani and sitaw there."

"Oo na lang. Malunggay lang kasi ang alam kong dahon na makakain eh. Tss." Sabi ko pero tinawanan lang nila ako saka kami nagpatuloy sa paglalakad.

"May marunong bang magluto sa inyo? Tsaka wala tayong ingredients para sa ulam. Paano magkakaroon ng lasa ang magiging ulam natin?"

"The teachers will provide the ingredients, okay? Andami mong problema, ah. Baka gusto mo pang itanong kung paano tayo magluluto? Fyi, wala tayong gagamiting kaldero o kaserola, ha." Sabi ni Matthew kaya nanlalaki ang mata kong napatingin sa kaniya.

"What? Kung ganun, saan tayo magluluto? Alangan namang sa kamay natin magluluto?"

"Jace, ikaw lang nakakaisip niya." Inis na sabi ni Gian saka humarap sa akin. "Hindi mo ba alam ang tungkol sa pagluluto sa kawayan or bolo?"

"I know that! Nakatikim na ako ng kanin na niluto sa ganoon! Ganun ba ang gagawin natin? Oh my god, I'm excited!" Sabi ko at napailing na lang ang mga kausap ko saka hindi na umimik hanggang sa makarating kami sa tent namin.

Napangiti ako nang makitang okay na ang tent namin. Mayroon din silang inilagay na fences sa palibot namin at nilagyan ng gate na siyang dadaanan namin.

Kinuha ko muna ang mga gamit ko saka pumasok sa tent. Kaagad kong nakita ang mga kaklase kong nag-aayos na ng kanilang hihigaan dahil malapit ng maggabi.

Napanguso ako habang iniisip kung saan ako matutulog dahil ngayon ko lang naisip na iisa lang pala akong babar dito at puro lalake ang mga kasama ko.

How awkward is that?

Lalapit sana ako sa kinaruruonan ni Drake pero may pumigil sa akin. Nang tingnan ko kung sino iyon ay si Xyle iyon. "Bakit?"

"Sa gitna ang tutulugan mo. It's inappropriate to sleep with us and I know it will be uncomfortable for you too." Sabi nito kaya tumango na lang ako saka pumunta sa gitna nila.

Inayos ko na rin ang mga gamit ko at pati na ang tutulugan kong manipis na cushion at ang unan ko.

Napatingin ako kay Drake nang mapansin itong kinukuha ang atensyon ko. Isinenyas nito kung okay lang ako kaya tumango ako saka ngumiti.

Pupunta sana ako sa tabi niya pero biglang may tumawag kaya tiningnan ko iyon at nakita kong si kuya ang tumatawag.

Hindi ko alam kung bakit pero may nararamdaman akong kakaiba sa pagtawag niya.

Tumikhim muna ako bago sinagot ang tawag. "Hello, kuya."

"Jace." May pag-aalalang sabi ni kuya kaya kaagad akong nakaramdam ng kaba. "Jace, Mom, is in the hospital."

Shit.

The Only Rose Among The Thorns [Completed]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora