Chapter 24

364 21 0
                                    

Nagising ako at kaagad kong napansin ang ceiling na mga dahon. Napatingin ako sa paligid ko at wala na ang mga kaklase ko. And worst, umaga na! Bakit ako nakatulog?

Di'ba dapat walang matutulog dapat?

Pilit kong inalala ang nangyari kagabi at ilang saglit lang ay parang ilog na dumaloy mula sa aking isipan ang nangyari. Wait, nahimatay ba ako sa takot?

Kunot noo akong lumabas ng bahay bahayan at nakita ko ang mga kaklase kong abala sa pagluto at may mga iba pang nakaupo lang at nag-uusap.

Napatingin sila sa akin noong nakita nila akong lumabas ng kinaruruonan ko. Lumapit naman sa akin si Drake at seryosong nakatingin lang hanggang sa makatigil sa harapan ko.

"Ano?" nakasimangot na tanong ko.

Umiwas ito ng tingin hanggang sa bigla na lang itong tumawa ng malakas at medyo na-out of place ako nang nagsitawanan na rin ang mga kaklase ko na parang nasisiyahan.

Kunot noo lang akong nakatingin sa kanila habang iniisip kung ano ang nakatatawa hanggang sa mag-sink in sa akin kung ano ang tinatawanan nila.

Ako! Siguro naalala nila yung pagkahimatay ko dahil sa multong iyon.

Inia akong tumingin sa kanila at nameyqang. "Ang makikita ko pang tumatawa ay walang libre!"

Nakakapagtakang mabilis silang magpalit ng wmosyon. Mula sa pagtawa hanggang sa naging seryoso.

Ngumiai ako saka tumingin sa kanila. "Good." Sabi ko saka pumunta sa loob ng bahay bahayan at kinuha ang saabon ko at ang sipilyo at tooth paste. Pagkalabas ko ay naningkit ang mata ko nang makitang halata na sa mukha nila ang pagpipigil ng tawa kaya napailing na lang ako saka pumunta sa malapit na parte ng pinaglulutuan nila.

Kumuha ako ng baso at tahimik na nagsipilyo hanggang sa maramdaman kong may umupo sa gilid ko. "Good morning." Bati ni Xyle.

Saglit akong tumingin sa kaniya bago tumango at nagpatuloy sa pagsisipilyo. "Hmm."

"May sasabihin ako."

Tumango lang ako para sabihing ituloy ang sasabihin.

"Ahm—wala talagang multo kagabi."

Kumunot ang noo ko sa narinig at mabilis na tinapos ang pagsisipilyo bago tumingin kay Xyle. "Anong sinabi mo? Paanong wala eh nakita ko nga yung white lady."

"That was Kian. He use his white blanket."

"What the hell?"

Nagkamot ito ng ulo. "Sorry. It was my fault. Akala ko kasi hindi ka takot sa multo kasi ang tapang mo that's why I let Kian scare you a bit."

"A bit? Konting pananakot pa lang ba yung nahimatay ako?" Inis na tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

"I'm sorry. Hindi ko naman alam na mahihimatay ka sa takot at—"

"Fuck you. Hindi na mababago ng sorry mo ang mga pinanggagawa mong gago ka." Nagtatagis ang bagang na sabi ko saka iniwan siya roon.

Hindi ko pinansin ang mga kaklase ko hanggang sa makabalik kami sa tent namin na totoo. Kaagad naman akong nag-empake bago kami nagsimulang bumaba ng bundok dahil mayroon na ang bus na aming sasakyan patungong skwelahan.

Kunot ang noo lang ako at tahimik hanggang sa makarating kami sa bus. Kaagad akong umupo sa isang upuan sa may bintana at tahimik na naghintay sa pag-alis ng bus.

Akmang aalis na ako sa kinauupuan ko nang makitang si Xyle ang umupo sa tabi ko pero kaagad nitong hinawakan ang kamay ko para pigilan akong umalis.

"Please, I won't talk to you thoughout the trip, just let me sit beside you."

Huminga na lang ako ng malalim saka iwinaksi ang kamay niya at umayos na lang ng upo at tumingin sa bintana para maiwasan ang mga tingin niyang nakakailang sa akin.

Nang magsimula ng umandar ang bus at nagsimulang magmaneho ay tahimik lang ako. Tahimik din ang mga kaklase ko. Nakakapagtakang kaming section lang ang narito at wala ang mga teachers o mga ibang section man lang. Sa pagkakaalam ko hindi naman namin ma-o-occupy lahat ng upuan dahil malaki ang bus.

Napailing na lang ako at iwinaksi ang aking iniisip.

"Jace—"

"No talking." Sabi ko saka umayos ng upo bago pumikit para pilitin ko ang sarili kong matulog. Hindi naman ako nahirapang antukin dahil ilang minuto lang ay nakatulog na ako.

Naalimpungatang ako nang maramdaman kong naumpog ako sa isang bagay. Kaagad akong nagmulat ng mata at nakita ko si Xyle na natutulog din kagaya ko at pa-sway sway ang ulo dahil hindi nakasandal.

Napailing na lang ako saka inayos ang pagkakaupo nito. Isinandal ko rin siya pero gumagalawa pa rin ang ulo nito dahil medyo mabato pa lang ang kinaruruonan namin.

Tahimik lang akong tinatantiya ang pag-alog ng ulo nito hanggang sa napagpasyahan kong isandal na lang siya sa balikat ko. Wala namang problema kasi halos magkatangkad naman kami, hindi siya mahihirapan sa pagsandal.

Kaagad akong umayos ng upo saka isinandal siya sa aking balikat. Tumingin din ako sa harap at kaagad kong nahanap si Drake na nakatingin sa kinaruruonan ko.

Nginitian ko siya ng tipid pero ngumiti ito ng malungkot kaya medyo napawi ang ngiti ko. Bakit naman ito malungkot? Tsk.

Ilang minuto pa ay umayos na ang nilalakbay naming daan dahil nasa highway na kami at malapit na sa skwelahan.

Napatingin ako sa gilid ko nang marinig ko itong umungot at nakita si Xyle na unti-unti ng nagigising.

Ilang saglit pa ay umalis na ito sa pagkakasandal sa akin at tahimik na hinilot ang leeg nito. Hala, nangalay ba siya? O trip lang masahein ang leeg?

"Sorry. Sumandal ata ako ng hindi ko namamalayan." Sabi nito kaya tumango na lang ako.

"Okay lang." Sabi ko.

"Salamat. Pwede mo naman akong ginising para umayos ako ng upo. Baka hindi mo nagustuhan ang pagsandal  ko sa'yo. Hindi ko talaga sinasadya."

"Okay nga lang. Ako ang nagpasandal sa'yo sa balikat ko, okay?"

"Ha? Bakit?"

Kumunot ang noo ko. "Anong bakit? Masama ba? Baka mamaya nag-dive ka diyan sa sahig, eh sabihin mo pang tinulak kita dahil sa galit ko, duh." Sabi ko saka pinaikot ang mata.

"Salamat."

Tumango lang ako saka pumikit.

"Thank you again."

"Hmm." I grunted.

"Salamat ulit."

Kumunot ang noo ko saka nagmulat at tumingin sa kaniya. "Paulit-ulit lang? Ano ka? Sirang plaka?"

"Nagpapasalamat lang ako kasi kahit galit ka, nagawa mo pa rin akong tulungang umayos ang tulog ko. You really is a kind person. I like it."

"Gusto mo ako?" nanlaki ang mata ko.

"I told you I like your kindness."

"Ah sabi ko nga. Thank you sa like." Why do I suddenly feel disappointed?

Shit ka Eion! 'Wag ka ngang assumera, gaga!

The Only Rose Among The Thorns [Completed]Where stories live. Discover now