Chapter 13

566 27 0
                                    

Nabulabog ang masarap kong tulog nang may kumatok sa pintuan ko. Pupungas pungas pa akong tumingin doon bago tumayo at binuksan ang pinto pero nanlaki ang mata ko nang makita kung sino iyon.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Xyle. Oo, nasa harapan ko lang naman ang presidente namin.

"It's already six in the morning. Drake is in the comfort room as we speak."

Inirapan ko siya saka sinara ang pinto ko at agad na pumunta sa bathroom at naghilamos at nag-tooth brush.

Habang nagpapalit ng damit, nagtataka ako na hindi pinigilan ni Yaya sina Drake na pumasok ng kabahayan lalo na si Xyle na nasa harapan na ng kwarto ko.

Teka, paano nga pala nito nalaman ang kwarto ko?

Napapailing na lang ako saka kinuha ang pera at cellphone kong naka-charge saka binuksan ang pinto. Naroon pa rin si Xyle kaya lumabas na ako at nagsimulang maglakad. Kaagad naman itong sumunod sa akin.

"Good morning." Narinig kong bati nito kaya tumango ako.

"Hmm. Morning." Bati ko pabalik saka tumigil sa paglalakad kaya halos maumpog na siya sa akin dahil nasa likuran ko pala siya. "Sorry pala sa sinabi ko kahapon. I know it's insensitive of me and I feel bad for saying it to you. I didn't mean what I said. I'm just really annoyed and so scared that's why I said it to you."

"They say that when you are scared, you tell what you wanna tell without thinking. I am asking myself if it's just because of a spur of the moment that you told me that hurtful words or that is what you really want. That we'll never be close."

Kunot noo ko siyang binalingan dahil halata sa boses nito ang lungkot. Kaagad na bumalot sa akin ang pag-aalala nang makitang may tumulong luha mula sa mata nito.

Humakbang ako palapit sa kaniya para sana punasan iyon pero pinigilan niya ako saka ngumiti. "I'm sorry you see me like this, but I can't take it anymore. I promise him to let him do this and that I won't interfere but I don't want to do this anymore. Oh god, it hurts. I'm just hoping that in the end, you will choose me because I know, it will make me insane, Jace, if you will choose him in the end. Now that I already found you, please choose me."

Huminga akong ng malalim. "What are you saying, Xyle? I can't understand it. Tell me so I can help you."

Umiling ito habang pinupunasan ang sariling luha. "Nope, you don't need to do anything. Let's go, maybe Drake is already finished peeing."

Hindi ako gumalaw. Nakatitig lang ako sa kaniya pero umiwas ito ng tingin. "Don't worry about me, Jace. Kaya ko pa naman."

Huminga ako ng malalim saka tumango. "Okay. Basta kapag hindi mo na kaya at gusto mo ng magpakamatay, pumunta ka lang sa akin."

"Why? So you'll make me feel good?"

"Hindi. Para ako ang magbi-video, remembrance gago."

Natawa ito kaya napangiti ako. Good, that is our president, not the one I saw earlier who looks lost and devastated.

"Tara na, baka naiinip na si Drake."

Kaagad kaming naglakad hanggang sa makarating sa sala. Kaagad kong nakita si Drake na abala sa cellphone habang nakaupo sa pang-isahang sofa.

Kaagad naman itong tumingin sa amin nang marinig ang mga yabag namin at kaagad itong tumayo at ngumiti.

"Good morning."

Tumango siya saka ngumiti. "Morning. Bakit nakapasok kayo? Nasaan si yaya?"

Nagkibit balikat ito saka itinuro ang garden mula sa glass window. Kaagad kong nakita si yaya na abala sa pagdidilig ng mga halaman.

"She let us in when I told her that we are your classmate."

Tumango ako "Okay. Teka magpapaalam lang ako kay yaya." Sabi ko saka pumunta sa garden at nagpaalam kay yaya. Nang matapos ay lumabas na kami ng bahay. Iginiya ako ni Drake patungo sa isang taxi. Kagaya kahapon, kami ni Drake ang nasa likuran at si Xyle sa tabi ng driver.

At dahil hindi naman malayo ang mall sa amin, kaagad kaming nakarting doon. Si Xyle ang nagbayad ng aming pamasahe at sabay sabay kaming pumasok.

Napanguso ako ng makaramdam ng gutom. Hindi pala ako kumain ng almusal.

Akala ko diretso na kaming bibili ng mga kakailanganin pero pumunta kaming sa mcdo.

"Kami na ang oorder ng pagkain. Pumunta ka na lang sa taas." Sabi ni Drake sa akin. Tumango ako saka sinabi ang gustong kong pagkain saka ibinigay ang isang libo bago pumanhik sa second floor.

Pero kaagad akong napanganga nang makita ang mga kaklase ko sa second floor! Yes! Sila lang ang nandito sa second floor!

"What the, bakit nandito kayo?" tanong niya pagkatapos makaupo sa isang lamesa na walang tao.

"Nagtatampo kami sayo! Si Drake, inaya mong bumili ng mga kakailanganin niyo sa camping mamaya tapos kami kahit iranong mo lang sana kung gusto mo kaming sumama." Nakasimangot na sabi ni Rhasteen.

Napakagat ako ng labi saka nakangiwing nag-peace sign. "Malay ko ba kung busy kayo o nakabili na kayo ng mga gagamitin niyo."

Bumusangot lang sila kaya natawa ako. "Para kayong mga tanga."

Magsasalita sana sila pero hindi na itinuloy nang dumating na sina Drake at Xyle bitbit ang mga pagkain. Kaagad naman akong natakam kaya kaagad kong kinuha ang akin at nagsimulang kumain.

Nang matapos kong kainin ang chicken ay ang french fries naman ang nilantakan ko habang isinasawsaw iyon sa gravy. Yes, ayaw ko kasi na sauce ang sawsawan ko ng fries, gusto ko gravy.

Nang matapos na kaming kumain ay napatingin ako sa paligid bago tumingin kay Drake at Xyle na magkatabi sa harapan ko. "Bakit pala tayo lang ang nandito sa taas?" tanong ko.

"I don't know. I think Xyle did something to make this floor only for us."

Napatingin ako sa presidente. "Binayaran mo?"

"Hindi, inutang ko. Hindi ba halata?" pabalang na sagot nito sa akin kaya inirapan ko.

Back to being rude again, I see. Tss.

Hindi ko na lang siya pinansin sa halip ay pumunta sa comfort room at naghugas ng kamay dahil medyo nanlalagkit ito. Kamayin daw ba ang friend chicken.

Nang matapos ay kaagad akong lumabas saka nagpameywang sa kanila. "So, bibili na ba tayo ng kakailanganin? Ano ba ang mga kailangan natin? Pagkain lang naman tapos mga toiletries 'di ba?"

Tumango sila.

"We'll be having a short hiking before we reach the camping area since, transportation can't reach it." Sabi ni Rex.

Tumango ako. "Okay, kaya ko naman siguro since short hike lang naman. Lets go, buy those things now para makapaghanda na rin kayo."

Nilapitan ako ni Drake saka inakbayan. "Nope, not yet. Punta muna tayong arcade, enjoy-in na natin ito bago tayo umuwi. Nandito na rin lang tayo might as well, enjoy." Nakangising sabi nito.

"Pero hindi pa ako nakakapag-empake!" inis na sabi ko pero tinawanan lang nila ako saka nila ako inakay palabas ng mcdo.

Mukhang magmamadali na naman akong mag-empake mamaya!

The Only Rose Among The Thorns [Completed]Where stories live. Discover now