Chapter 27

344 19 0
                                    

Habang kinakaladkad si Drake ay bigla akong napatigil at tumingin sa kaniya.

"Saan tayo?" Tanong ko. Natawa naman siya.

"Kaladkad ka ng kaladkad hindi mo naman pala alam ang pupuntahan. Sa boutique tayo. Malapit na 'yun dito." Sabi niya sa akin at inakbayan ako habang iginigiya ako sa isang kilalang boutique. Papasok na kami nang pinigilan ko siya.

"Sa mas mura na lang tayo bibili tutal isang araw ko lang naman gagamitin yun. Wala naman akong pake kung mahal pero ma-i-stock lang din sa drawer ko yun pagkatapos gamitin ng iaang beses." Sabi ko sa kaniya.

"Okay lang 'yan, libre ko naman, kahit hindi mo na gagamitin sa susunod." Sabi niya sa akin at hinila papasok. Nagulat ako sa nasa loob.

Hindi ako nagulat sa mga damit kundi nagulat ako sa mga taong nasa harapan ko ngayon.

"Ba't antagal niyo dumating? Isang oras na kaming nandito." Sabi ni Blue.

"Oh! Gutom na kami ang tagal niyo dumating." Sabi naman ni Matthew na kalalabas lang mula sa fitting room dala ang isang tux.

"Kala namin kung nasiraan na kayo ng sasakyan. Ipapahatid ko na sana si Rhasteen para tulungan kayo." Sabi ni Rusty na nasa harap ng life size mirror at abala sa pag-ayos ng Kaniyang buhok.

"Tama na satsat pili na kayo ng damit niyo." Sabi ni Steve.

"Pili na." Sabi ni Drake saka ako tinulak sa mga masiyadong revealing na damit. Napangiwi ako.

"Mukha bang ganito ang taste ko?" Tanong ko sa kaniya.

"Malay ko ba kung trip mong maging center of attraction mamaya." Sabi niya sa akin at iginiya sa isang parte na mga puro hanggang tuhod ang haba. Ibinigay niya sa akin ang isang simpleng bestida na abot hanggang tuhod. Kulay asul ito at hindi sleeveless.

Papasok na sana ako sa fitting room nang may nag-abot sa akin ng isang damit naman.

"Try mo rin 'to." Sabi ni Xyle habang iniaabot sa akin ang isang tube dress na kulay itim. Sa harapan ay hanggang tuhod lang pero sa likuran ay hanggang talampakan ko na. Nagkibit-balikat lang ako at kinuha yung iniaabot niya saka ako pumasok sa loob ng fitting room.

Inuna kong isinuot yung ibinigay ni Drake na damit. Ito ang type kong mga damit. Yung merong sleeves hanggang siko ko.

Napagdesisyunan kong lumabas  para tanungin ang komento nila. Pagkalabas ko pa lang ay napatingin silang lahat sa akin at nagsipulan.

"Nice! Selfie tayo dali!" Sabi ni Steven na hawak ang phone nito at itinaas para makunan kaming lahat. Ngumiti lang ako dahil pagkataas pa lang nito ng cellphone ay sunod-sunod na click na ang ginawa.

Pumasok ako sa loob ng fitting room at isinuot yung binigay naman sa akin ni Xyle. Okay na sana pero tube naman. Uncomfortable.

Lumabas din ako at hindi pa ako nakakaapak palabas ay may nagflash na camera sa akin.

"Maganda." Sabi ni Xyle na siyang nag-picture sa akin.

"Wala ka ng pag-asa na maging stalker kung saka-sakali. Tsh. Pwede naman kasing i-off ang flash di'ba?" Sabi ko ng naiiling. Tuluyan na akong lumabas kahit hindi ako komportable sa suot.

"Masiyadong revealing." Sabi ni Drake na medyo naiirita. Nagkibit-balikat lang ako. Pareho kami ng isip. Pumasok na ako sa loob saka nagpalit sa dati kong suot na sweatpants at loose t-shirt. Pagkalabas ko ay nakita kong mayroon silang kinakausap na ginang. Hindi muna ako tuluyang lumabas para makinig sa pinag-uusapan nila. Yes, tsismosa lang.

"Kamusta ang pag-aaral? Xyle, nag-aaral ba ng mabuti itong si Rhylle?" Tanong ng ginang. Oh ito ata yung mommy ni Drake. Rhylle daw eh.

"Opo tita. Last time I check, siya pa rin naman ang nagunguna sa klase." Magalang na sagot ni Xyle.

"Eh sino itong sinasabi ni Anne na meron daw kinababaliwan itong si Rhylle sa campus?" Tanong na naman ng mommy ni Drake.

"Ah wala naman po tita. Iba naman po ang pinagkaka-abalahan niya araw-araw." Si Rhasteen ang sumagot.

"Babae ba?" Tanong ni tita. Oh diba? Nakiki-tita na rin.

"Ma stop asking. Pwede ba? Busy ako pero hindi dahil sa isang girlfriend okay?" Si Drake na ang sumagot.

"Ano? Babae ba?" Tanong ulit ni tita.

"Opo." Sabay-sabay na sagot ng mga kaklase ko.

"Bestfriend ko lang yun ma ano ba?" Saway na naman ni Drake sa mama niya.

"Oh! Bestfriend? Interesting! Kelan ka pa nagkaroon ng bestfriend na babae? Sa pagkakaalam ko, ayaw mo ng ma-involve sa kalahi namin?" Natatawang sabi ng ginang kay Drake.

"Bakit hindi na lang kayo maging masaya na meron na akong kaibigan na babae maliban sa inyo ni Anne?" Medyo may irita na sa boses ni Drake.

"Anak naman, gusto ko lang naman makilala ang kinababaliwan mong babae." Sabi ng ginang na nakapagmaang sa akin. Kinababaliwan? What a word!

"Ma. Kaibigan lang. Wala akong sinabi na kinababaliwan." Frustated na sabi ni Drake. "Bakit ka ba kasi nandito? Kala ko ba may sakit ka ngayon?" Tanong pa nito.

"Meron nga. Pero tinext ako nung isang tauhan natin na nandito daw kayo ng mga kaibigan mo." Paliwanag ng ginang sa anak.

Wait, tauhan natin? Ibig sabihin kina Drake 'tong boutique na to? Kaya naman pala alam niya ang pasikot sikot dito at kaya pala hindi siya problemado sa magiging damit nito sa acquiantance.

Lumabas na ako sa fitting room at agad na nalipat ang tingin sa akin ng naroon. Agad akong dinaluhan ni Drake at parang problemado na ewan. Mukhang nauutot eh.

Iniharap niya ako sa mama niyang nakangiti ng malapad."Ma, this is Jace. Jace si mama Pearl. Classmate po namin, Ma." Pakilala niya sa akin at sa mama niya.

"Hello po. Nice meeting you po." Sabi ko saka nagmano.

"The only rose among the thorns? Nice." Nakangiting sabi ng mama ni Drake. Napakunot ang noo ko, come to think of it, when I was in the party of our president, that sentence is also what Xyle's mother said too. And ilang beses ko na rin narinig iyon eh.

"Eh?" Gusto kong kaltukan ang sarili ko sa sinagot ko. Eh? Eh? What the hell.

"By the way, call me tita Pearl. Or if you you want mommy Pearl na lang." Masayang sabi niya sa akin and trust me, I almost rolled my eyes. What an advance thinker. Si Jessica po ang manugang niyo, hindi ako.

"Ah okay po tita Pearl." Sabi ko na lang saka ngumiti.

"I heard that you're my son's bestfriend? Mabait ba siya sayo, iha?" Tanong sa akin ni tita.

"Opo tita. Mabait po siya saka maalaga." Sagot ko na ikinatawa ng mama ni Drake.

"Maalaga? Mabait?" Napatingin si tita kay Drake habang may nakakalokong ngiti ito sa labi.

"Ma, una na kami. Ikaltas mo sa savings ko 'tong dalawang damit na 'to. Bye." Sabi ni Drake at hinalikan ang noo ng mama niya saka kami sabay-sabay na lumabas pero hindi pa kami nakakalabas nang sumigaw ang mama niya na parang nagpapanic at sinabing,

"Wow! Ang dakilang kuripot na anak ko gumastos. Ipinakaltas pa sa savings niya na kahit kailan ayaw galawin! Magpapamisa ako nito." Sigaw ni tita Pearl.

"Baliw talaga. Haist!" Komento ni Drake na iiling-iling. Ako naman ay napangiti na lang saka kami dumiretso sa restaurant na pinagtatrabahuan ni Steve.

Syempre libre ko na kasi libre na yung gagamitin ko mamayang hapon. At dahil na rin sa sinabi ko noon sa jungle survival na pangako ko sa kanilang ililibre ko sa sila ng pagkain at eat all you can pa.

Napailing na lang ako. Sana lang walang sasakit ng tyan mamayang hapon sa party. Tss.

"Eat all you can, here we come!"

The Only Rose Among The Thorns [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt