Chapter 4

775 47 0
                                    


Laglag panga ang buong klase sa sinabi ng presidente namin. Halos walang kumurap at nakatitig lang ang buong klase sa aming presidente na para bang nasapian ito. Saka lang sila bumalik sa katinuan nang biglang nag-ring ang phone ni miss vallez. Nag-excuse sya at lumabas ng classroom.

Hindi ko na rin tiningnan ang mga kaklase ko at pati na ang presidente. Pumunta ako sa upuan ko at nakita ko si Rhylle na nakangisi sa akin. Sinimangutan ko sya saka piningot ko ang kaniyang tainga.

"O-ouch! Jace! It hurts! What the?!" Malakas na daing nya kaya napatingin sa amin ang mga kaklase ko. Sinamaan ko sila ng tingin pero yung iba lang ang umiwas at yung iba ay nanatiling nakatingin sa gawi namin. Napairap na lang ako sa kawalan at pinagpatuloy ang ginagawa ko kay Rhylle. Wala syang ginagawa para patigilin ako. Tumatawa lang ang loko.

Piningot ko ulit ang kaniyang tainga." Iyan ay sa pag utot mo kaninang taena ka. Gago, akala mo nakalimutan ko na? Ang baho ng utot mo!" Pinanggigilan ko ang pisngi niya pero siya ay tawa lang ng tawa. Kala mo naman hindi nasasaktan." That is for your pick up lines na corny! Ang corny mo." Sabi ko at ang ilong naman niya ang pinanggigilan ko. "At iyan ay dahil sa hindi mo sinabi ang buong pangalan mo noong nagpapakilala ka. And worst, yung pinakapangit pa sa pangalan mo ang ipinakilala mo sa akin! Psh! Sana yung Earl na lang ang sinabi mo, mas lalake pakinggan at parang royalty lang ang peg! O 'di kaya ay iyong Drake mas magandang pakinggan." Sabi ko at nang mapagod na ako ay umupo na ako sa upuan ko at tumungo sa table niya at nakaharap sa kaniya ang mukha ko.

Natawa ako ng makita ang pagmumukha nya. Ang pula ng ilong niya pati ang tenga at pisngi. Ang cute!

"Mas komportable lang ako sa pangalan kong yun dahil yung pangalang 'yun nila ako nakilala bilang ako. Kaya minsan nakakalimutan ko nang sabihin ang buong pangalan ko." Paliwanag nya.

"Rhylle ang kinikilala nilang pangalan sayo diba? Pero bakit dito ay Red? Yeah I know na ito ang initials ng pangalan mo pero narinig ko kasi na tinawag ka nilang Red eh. " Tanong ko.

"Para raw maiba naman. Ewan ko ba, tsaka maganda naman ang Red na pangalan e. Parang ang cool pakinggan." Sabi nito at kumindat. Di na lang ako nagkomento sa kahanginan nito.

"Edi pwede rin kitang tawaging Drake? Ang cute eh. Mas bagay sayo." Sabi ko ng nakangiti.

Ngumiti sya." Sure. At saka maganda na rin yun. Ikaw lang ang bukod tanging tatawag sa akin ng Drake." Sabi nito sa akin.

"What do you mean by 'bukod tangi?'" Tanong ko.

"Na ikaw lang ang tatawag sa akin ng Drake. No one called me in that name before. Saka ko lang yun naririnig pag tinatawag ang buong pangalan ko." Nakangiting pahayag nya nya sa akin.

"Ikaw, ha! Hindi ba bestfriend mo na ako? May bestfriend ka pa bang ibang babae maliban sa akin?" Tanong ko.

Umiling siya." Wala na. Pero may kapatid akong isang babae at siya lang ang close kong babae and my mom,too. At isa ka na rin dun kaya kayo lang ang bestfriend kong babae."

"Good. Anong tawag ng kapatid mo sayo?" Tanong ko.

"Kuya Earl. Bakit?" Tanong nya pero umiling lang ako.

"Eh ang mommy mo?" Tanong ko ulit.

"Rhylle." Mabilis na sagot nya sakin.

"Good. Dapat ako lang ang may karapatang tumawag sayo ng Drake. Total sabi mo naman na ako pa lang ang tumawag sa iyo ng ganun. Kung marinig mong tinawag ka ng ganoon sabihin mo lang 'Back off! Madehpaker!'." Seryosong sabi ko pero natawa lang ito. "Anong nakakatawa?" Tanong ko nang naiirita.

"Wala. Ang cute mo lang." Bigla itong tumawa pero hindi masyadong malakas. Baka mapagalitan kami, mahirap na.

"Matagal ko ng alam na cute ako. Ngayon ka lang ba nakakita ng cute? Wag kang mag-alala, palagi ka nang makakakita ng cute dahil bestfriend mo na ang pina-kacute sa skwelahang to." Sabi ko at kumindat.

The Only Rose Among The Thorns [Completed]Where stories live. Discover now