Chapter 1

1.6K 50 1
                                    

"Para manong! Para! Hala lumampas na ang school ko manong! Pakibalik konti o babawasan ko ang pamasahe ko?" Napabuntong hininga ako nang i-atras ng driver and jeep. Late na nga ako sa bagong school ko tapos lumampas pa tong sinasakyan ko. Malas ko talaga ngayong araw!

Pagkababa ko sa jeep ay kaagad kong natanaw ang malaking simbahan at ang skwelahan sa gilid nito. Ngumiti ako saka naglakad patungo sa malakung arko kung saan naroon ang gate.

Nakatingala lang ako sa malaking arko sa gate ng paaralan habang binabasa ang pangalang nakaukit dito.

St. Bernadette High School.

Hayss. New school, new environment, new classmates, new people. I'm a transferee because of me being hard headed. Nakick out lang naman ako sa dati kong school dahil cute daw ako masyado. Kidding aside, basta na-kick out ako doon tapos ang usapan.

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang biglang may bumusina sa likuran ko. Doon rin nagbalik sa isipan ko na late na pala ako kanina pa. Taena!

Nanlalaki ang mga mata kong tumakbo  patungo sa classroom na itinuro ng principal. Syempre ti-nour ako ng principal nung nag enroll ako dito pero sabado yun kaya hindi ko nakita kung sino ang mga magiging kaklase ko. 'Di na rin ako nag atubiling tingnan kung sino ang bumusina dahil lakad-takbo na ang ginawa ko para makarating sa magiging classroom ko.

Hinihingal pa ako nang makarating sa harap ng nakasarang pintuan namin. Fuck! Late na talaga ako.

Huminga muna ako ng malalim at pinunasang pawis sa noo ko dahil sa pagtakbo bago hinarap ang pintuanng nakasara.

Kumatok muna ako ng tatlong beses saka naghintay na bumukas ang pintuan. Bumungad sa akin ang isang teacher na nakasalamin.

Maybe our adviser, I thought.

"Are you lost, miss?" Tanong ni miss.

"Um, hindi po. Actually, I am a transferee po." Magalang na sabi ko.

"Oh! You must be miss Fuentez. Kanina pa kita inaantay. Come here." Sabi ni miss tapos hinawakan ang balikat ko at pinaharap ako sa mga kaklase ko. "Introduce yourself to them." Nakangiting sabi nya sakin.

"Hello, my name is Eion Jace Fuentez." Nahihiyang sabi ko kahit wala talaga akong hiya. Kidding.

"So class, be good to her, okay? At dahil may bago kayong classmate, ililibre ko kayo ng lunch mamaya sa canteen." Masayang pahayag ni miss.

Agad namang naghiyawan ang mga kaklase ko sa tuwa. Meron pa ngang tumalon at kumalampag sa nga upuan nila. Shet! Mukhang mababagay talaga ako dito sa section na to. Mga siraulo din eh. Tsk!

"By the way, my name is Miss Erica Tuazon. I am your adviser for this school year.  Don't worry about your classmates, mababit naman ang mga iyan eh. Mamaya ibibigay ko na rin ang mga discussion na natapos na namin. Ikaw na rin ang bahalang maghanap ng upuan mo diyan. Marami namang bakante." Sabi ni Miss Tuazon. Pupunta na sana ako sa upuan ko ng biglang bumukas ang pintuan ang iniluwa ang isang lalakeng salubong ang kilay. "You're late again, Mr. Quintos!" Galit na bigkas ni miss Tuazon.

"Malamang alam ko. Tss." Sagot nung lalake tapos napatingin sya sakin. Kumunot ang noo nito saka ngumisi." Miss Tuazon, she is the fucking reason why I was late, again. Nagda-drama sa harapan ng gate kanina eh, baliw lang." Nakangising sabi nung lalake. Tinapunan ko sya ng masamang tingin.

So siya pala yun bumusina kanina. Akala mo naman kung sino, tch.

"She is a transferee, Bryan. She is Eion. Eion he is Xyle Bryan Quintos. The president of this room." Pagpapakilala ni miss Tuazon. Kumunot lang ang noo ko saka lumapit at bumulong sa tenga nya.

"Nice to fucking meet you, fucking president." Sabi ko at nakangising lumayo sa presidenteng mukhang natulos sa lang sa kinatatayuan. Naghanap ako ng upuan at nahagip ng mata ko ang isang upuan na katabi ng lalakeng naka headphone at nakukunot ang noong nakatingin lang sa amin.

Lumapit ako doon at umupo. Saka palang nahimasmasan si Bryan at salubong ang kilay na tumingin sa akin. Kinindatan ko sya at nginitian. Mas lalong nagsalubong ang kilay nya habang nagtatagis ang balikat at padabog na umupo sa upuan nito sa harap.

"Wala sa mukha mo ang nagmumura. Fuck! Minura mo ang presidente? That was cool. I think I just fell in love with you," biglang sabi ng lalakeng katabi ko. Wala na rin ang headphone nya at nakatingin na ito sa akin habang nakangiti.

Ngumisi ako ng nakakasuya. "What a lame and cheesy line you have, tss." Sabi ko at inirapan sya. Narinig ko lang syang tumawa at kinalabit ulit ako. Napatingin ako sa kanya at nakalahad ang kamay nya sa harapan ko. Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko nakuha ang pinaparating nya.

"Tsk. Pwede makipagkaibigan?" Tanong nung lalake.

Well, hindi naman siguro masama ang makipagkaibigan sa lalake. Sabi nga nila, hindi raw plastic ang mga boy bestfriend. Mas maganda rin daw kasama ang mga lalake kaysa sa mga babae. Masyado kasing maarte ang mga babae e. "Uy! Friends?" Tawag nya sakin.

"Friends." Nakangiting sabi ko at inabot ang nakalahad nyang kamay.

"Nakalimutan kong magpakilala. My name is Rhylle Perez. "Pagpapakilala nito.

"Eion Jace Fuentez. Eion or Jace. Pili ka nalang ng itatawag sa akin 'di naman ako mapili." Sabi ko.

"By the way, Jace. Di ko akalaing nagmumura ka. Wala sa itsura eh." Sabi ni Rhylle at binuntunan pa ng tawa.

"Anong ibig mong sabihin? Na pangit magmura kapag maganda ang mukha? No worries, alam ko na yun matagal na." Nakangising sabi ko.

"Sino ang nagsabing maganda ka? Siguro inuto mo lang, o di kaya ay bulag." Nakangising sabi rin ni Rhylle.

"Kingina mo! Kala mo naman kagwapuhan ka! Mas gwapo pa nga yung security guard diyan sa gate natin e." Sabi ko at tumingin na sa harapan. Nakita ko si Xyle na nakatingin sa akin ng masama kaya sinamaan ko rin siya ng tingin bago tiningnan ang nagdi-discuss na adviser namin.

Nagsimula na ring magturo si miss pero hindi ako nakikinig. Bigla akong napaisip saka tumingin kay Rhylle.

"Teka nga, pano mo pala nalaman na nagmura ako e ibinulong ko lang naman yun kay Xyle?" Nagtatakang tanong ko.

"Kaya kong basahin ang mga labi kahit nasa malayo. One of my skills." Nagmamayabang na sabi nito.

"Tss. Edi wow. Ang pangit mo pa rin naman." Sabi ko at iningusan sya.

"Ouch! Ganyan ba ang magkaibigan? Sinasaktan ang damdamin ng isa?" Sabi ni Rhylle at may pahawak-hawak pa sa bandang dibdib nito na parang nasasaktan.

"Truth hurts daw ulol!" Sabi ko at inirapan sya.

"Tibo ka ba?" Biglang tanong nito sa kanya.

"Gago ka ba?" Tanong ko rin sa kanya at tinapunan ng matalim na tingin. Itinaas nya ang dalawang kamay na parang sumusuko.

"Chill lang naman! Nagtatanong lang eh." Natatawang sabi nito sa kanya. Di ko na lang ito pinansin sa halip ay tumingin-tingin na lang ako sa paligid hanggang sa may mapansin ako.

Kunot-noo akong humarap kay Rhylle na naka-headphone na naman at nakatingin sa harapan. Agad kong hinablot ang headphone nito. Medyo nagulat pa nga sa paghablot ko pero wala akong pakialam dahil may itatanong akong importante.

"Fuck!" Mura ni Rhylle habang hinihilot ang sintido nya. Sinuntok ko ang kaniyang braso." What the f--"

"Geh! Magmura ka pa susuntukin ko yang pangit mong mukha!" Matalim na sabi ko.

"The heck?! Coming from the person who curse too?" Sabi ni Rhylle habang hinihilot naman ang sinuntok kong braso nito.

"Ayaw ko sa nagmumura kaya kung gusto mong good vibes lang tayo, tumigil ka na sa pagmumura." Sabi ko.

Pinaikot niya ang mata nito bago tumango. "Okay fine. Bakit ka ba kasi nanggugulat?" Sabi ni Rhylle.

"Bakit puro lalake lang ang narito? May pinuntahan ba silang mga babae? O iba ang klase ng babae ngayon sa mga lalake?"

The Only Rose Among The Thorns [Completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora