Chapter 2

979 48 1
                                    

Kunot lang ang kanyang noo na nakatingin sa akin tapos biglang tumawa ng malakas. May papalo-palo pa ng upuan. Agad kong iginala ang mga mata ko sa paligid pero nakatingin lang sila kay Rhylle na tumatawa pa rin hanggang ngayon. Ano ba kasing nakakatawa?

"Shet! May nababaliw!"

"Nakakabaliw pala tong subject na to! Natatawa na rin yung isa dyan!"

"May sumapi ata sa katawan ni Red, brad."

Sino na naman si Red? Arggh! Andami ko nang tanong na hindi nasasagot! Eto naman kasing lalakeng to simpleng tanong lang tumatawa na.

"Hahahaha-fuck--a-aray!" Sinamaan nya ako ng tingin dahil binatukan ko sya. Sinamaan ko rin sya ng tingin.

"Ano? Tatawa ka pa? Ibe-break na ba kita bilang kaibigan ko?" Masungit na tanong ko sa kanya. Agad naman syang tumigil sa pagtawa at umupo ng tuwid at tumingin sakin.

"Uy wala namang ganyanan. Wala nang bawian ha, bestfriend." Sabi nya at akmang yayakapin ako nang itulak ko ang noo nya." Ouch! Para saan na naman iyon? Kanina mo pa ako sinasaktan." Sabi nya at nag-pout pa. Yuck!

"Gago! Kala mo ba hindi ko narinig na nagmura ka kanina? Hmp! Wag ako ulowl!" Sabi ko at inirapan sya. Tumingin na rin ako sa harapan at nakita kong nakatingin sa amin si Bryan. Nang magtama ang mga mata namin bigla syang umirap. Tsk! Ang panget naman umirap parang bakla!

Natawa ako sa sariling naiisip saka napailing-iling.

Napatingin na lang ako sa mga kaklase ko. Wala talaga akong makitang mga babae. May usapan bang mga lalake muna ang papasok? O wala talagang babae?

"Wala kaming kaklaseng babae, kung yan ang iniisip mo. Sa mga unang studyante lang noon nagkaroon ng mga babae dito. Ngayon na lang ulit." Narinig kong sabi ni Rhylle.

"Eh bakit naman napunta ako dito? "Takang tanong ko.

"Siguro, dahil nakikita ng ating principal na hindi ka mahinang babae lang. Na kaya mong lumaban para sa sarili mo." Paliwanag nito.

"What do you mean?" Tanong ko ng nakukunot ang noo.

"Justin Bieber? Is that you?" Biglang tanong nya sakin kaya kinurot ko sya sa tagiliran. "Ouch!"

"Gago. Seryoso kasi ako!" Sabi ko at inirapan sya.

"Sorry naman! Masyado ka kasing seryoso eh." Sabi nya at tumikhim. "Ganito kasi iyan, kaya wala ng babae dito sa section na 'to dahil masyadong komplikado. Lalo na kung ang babae ay maarte at walang lakas na ipaglaban ang kaniyang sarili."

"Ahh okay. Eh bakit ako? Mukha ba akong palaban?" Nagtatakang tanong ko.

"Luh! Ngayon mo lang nahalata? Ang sadista mo kaya! Magandang sadista." Nakangising sabi nya sakin.

"Ahh okay." Nakangisi rin na sabi ko saka inilagay sa likuran ng tainga ko ang nakatakas na mga strand ng buhok ko. Ngingiti sana akong nang mahagip na naman ng mata ko si Xyle na nakatingin sa akin ng nandidiri. Kinunutan ko siya ng noo, bakit ba palaging nakatingin itong bakla na ito sa akin? Hindi na lang sabihin kung gusto niyang magpa-advice tungkol sa mga babae.

Natawa na lang ako saka nakatingin kay miss nang magpaalam na ito.

"Okay class, goodbye. You may take your recess now. Kitakits nalang tayo mamayang lunch sa canteen para sa celebration." Nakangiting sabi ni miss Tuazon at umalis na.

Nang mawala na ang aming guro ay kaagad kong nakita ang ilang mga kaklase ko na lumabas, siguro para kumain o magbanyo.

Yung ibang kaklase ko naman ay pumunta sa likurang bahagi ng classroom kung saan mayroon silang pinapanood na kung ano. Yung iba naman pero hanggang corridor lang, mukhang magpapahangin.

The Only Rose Among The Thorns [Completed]Where stories live. Discover now