Chapter 10

577 33 2
                                    


"Isa ka pa! Feeling inosente. Para namang hindi ka pa nakakapanood ng porn!" Sabi ko saka inirapan siya. Pumunta ako sa upuan ko nang makita kong paparating may paparating na bagong teacher. Pumasok ito sa classroom namin kaya agad kaming nagsi-ayusan ng mga upuan.

"Okay class, I am your class teacher in Mathematics and Science. My name is Richard Montero. Be nice to me so that I will be nice to all of you, too. I like surprise quizzes especially when I am in bad mood. Copy?" Sunod-sunod na sabi ni Sir Montero.

"Yes, Sir! " Sigaw ng iba at yung iba naman ay parang lantang gulay na nagrereklamo.

"Just raise your hand if you have any question." Sabi ni Sir. Nagtaas ng kamay si Blue.

"Saan ka nanggaling, Sir? Wala ka naman kahapon." Tanong ni Kian.

"Ahh katatapos lang ng seminar ko sa Baguio." Sabi ni Sir.

"Sir, sino po ang pinakagwapo sa loob ng classroom na 'to? Basta 'di ka po kasali ha?" Nakangising sabi ni Rhasteen. Naghiyawan naman ang ibang kaklase namin at biglang tumahimik ang paligid na para bang hinihintay ang sagot ni Sir.

"Wala. Pare-pareho naman kasi kayo." Nakangiting sagot ni Sir.

"Na gwapo sir?" Tanong ulit ni Rhasteen.

"Hindi. Pare-pareho kayong GGSS. Masyado kayong mahangin." Ang ngiti ni sir ay biglang naging ngisi saka tumawa ng malakas. Oh! I'm starting to like this teacher. Napatawa na rin ako dahil sa mga mukha ng kaklase kong parang pinagbagsakan ng langit.

Seriously? Talaga bang nag-expect sila na baka sarili ang mapipili? Sana man lang tinanong nila ang sarili nila kung gwapo nga ba sila! Psh!

"Yan! Masyado kasi kayong GGSS! Ano ngayon? Burn! Grilled! Toasted!" Malakas na sabi ko saka tumawa ng malakas. Napatingin ako sa katabi ko na nakabusangot ang mukha. "Ayy! Heto gwapo! Sobra! Bestfriend ko 'to eh. Pero lord patawarin mo po ako, ngayon lang naman ako magsisinungaling." Sabi ko at tumawa na naman ako ng malakas dahil sa pagbusangot ng mukha nya. "What? Sinabi ko na nga na gwapo ka eh." Sabi ko pa.

"Tss. Savage." Sabi nito ng iiling-iling. Ngumiti lang ako saka nagfinger-heart. Pero inirapan lang niya ako saka tumingin sa harapan. Humilig ako sa balikat niya sa nilaro-laro ang kamay niya.

"Camping na raw natin bukas, may gamit na ba kayo?" tanong ko.

"Mayroon na sa akin, pagkain na lang ang kulang." Dagot nito kaya napailing ako.

"May ibibigay ba silang tent sa atin? O kanya-kanyang tent?"

"Nope. They'll provide our tent, though, it's not really a tent but it's a tent."

"Ha? Nahilo ako roon a." Naiiling na sabi ko kaya bahagya itong natawa.

"What I mean is, hindi yung common na tent ang gagamitin. Tolda ang gagamitin at ang kawayan ang magsisilbing pinaka-buto niya at maghuhulma sa pagiging tent niya."

Napatango-tango ako. "Ah, medyo nakuha ko na. So kailangan ko na lang ng pagkain din para may meryenda ako tapos toiletries. Okay, samahan mo kaya ako? Busy ka ba mamaya pagkatapos ng klase?"

Tumango ito. "Yep. Maybe tomorrow? 12 naman tayo magkikita-kita dito kaya may oras pa tayong bumili sa umaga."

Tumango ako saka pinaggigilan ang pisngi nito pero iniwas niya lang ito at tumingin sa harap.

"Makinig ka kay Sir, Eion. 'Di mo naman siguro gustong bumagsak ano?" Bulong sa akin ni Drake habang nakatingin pa rin sa harapan.

"I'm sleepy. Boring ng Math." Sabi ko saka humikab. Inaantok talaga ako kung Mathematics at Science ang subject.

Pagkarinig ni Drake yun ay agad niyang iginiya ang ulo ko sa arm rest ng upuan niya saka ang isang kamay niya ang naging unan ko habang ang isa naman ay hinahaplos ang buhok ko na siyang nagpapaantok pa ng todo sa akin. Hanggang sa hindi ko na namamalayang nakatulog na pala ako ng mahimbing.

Naalimpungatang ako nang may yumuyugyog sa balikat ko. Ayaw ko pang magmulat kaya hinayaan ko lang ang yumuyugyog.

"Lunch break na. Hindi ka pa ba nagugutom?" tanong ng taong yumuyugyog sa akin. Mukhang si Drake 'to.

"Hmmm." Sabi ko lang saka medyo gumalaw.

"Tch. Ganyan ka ba kapuyat at hindi ka na magising gising dyan?" Narinig kong sabi ng isa pang lalake. Sure akong hindi ito yung yumugyog sa akin. Ibang boses eh. Saka rude magsalita.

Nagmulat ako ng mata saka nag-adjust sa liwanag. Medyo hinilot-hilot ko pa ang leeg ko dahil medyo nangalay sa position ko kanina. Natigilan ako.

"Ano? Buhay ka na ba?" Tanong sa akin ng presidente namin. Inirapan ko lang siya at hindi sinagot. Siya pala yung rude na nagsalita kanina. Tch.

'Nirarayuma na nga, ang rude pa kung maka-asta.' I laugh at my own thoughts.

"Pake mo? Saka bakit ba nandito ka sa harapan ko? Naiirita ako." Sabi ko. Napatingin ako sa katabi ko. "Tara na nga. Nagugutom na ako." Sabi ko saka hinawakan ang kamay niya at saka siya hinila. Hanggang makarating kami sa pintuan ng canteen ay hinihila ko pa rin siya. Bigla akong napabitaw ng hinila niya ang kanyang kamay.

"Kala ko ba ayaw mo kong kahawak kamay? Ikaw ha! May lihim ka pa lang pagnanasa sa akin? Hmm?" Sabi nya ng may nakakalokong ngiti. Inirapan ko lang sya at nagpatiunang maglakad. Pero bago pa ako makarating sa counter ay bigla na lang may umakbay sa akin. Ibabalibag ko na sana pero naamoy ko ang pabango niya. It's Drake's perfume.

Iginiya niya ako palabas ng canteen at patungo na kami ngayon sa gate ng paaralan.

"Hoy! San mo 'ko dadalhin? Kidnapping 'to gago!" Sigaw ko pero hindi siya natinag at tinawanan lang ako.

"Baliw talaga. May pupuntahan tayo kaya huwag ka ng magsalita diyan. Palagi ka pa namang nakasigaw, parang palaging nanghahamon ng away." Sabi niya sa akin. Saka nagpatuloy sa paglalakad. Ako naman ay tumahimik na lang kahit ang kati na ng dila kong magtanong kung bakit kami palabas ng campus.

"Saan mo ko dadalhin? " Mahinahon kong tanong sa kaniya.

"Sa birthday ng isang kaibigan. " Sagot niya sa akin at pinagbuksan ako ng pinto sa isang taxi. Pagkapasok ko ay saka ko lang nakita ang loob nito.

"Oh? Bakit nandito ka na naman? " Tanong ko sa presidente naming nasa tabi ng taxi driver.

"NOYB." Bored na sagot nya sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko naintindihan ang sinabi nya.

"What?" Tanong ko.

"None of your business." Sagot niya. Inirapan ko lang siya saka ako humiga at ginawang unan ang hita ni Drake. Inayos na naman niya ang ulo ko saka hinahaplos na naman ang buhok ko.

Lihim akong napangiti. Such a gentleman being.

"Sinong kaibigan mo ang pupuntahan natin?" Tanong ko habang abala siya sa paglaro ng buhok ko.

"Siya wala ng iba. Basta. Kilala mo naman 'yun eh." Sagot niya sa akin. Hindi na lang ako umimik at ganoon din siya. Umayos ako ng upo saka inihilig na lang ang ulo ko sa balikat nya. Napatingin ako sa rear mirror at nagtagpo ang mata namin ng presidente. Inirapan ko siya at ganoon din siya sa akin. Ganoon lang kami hanggang sa huminto na ang sinasakyan naming taxi. Pagkalabas ko ng taxi ay Napatingin ako sa harapan ko saka binasa ang malaking nakaukit sa taas ng gate.

QUINTOS HOSPITAL

"Oh! Ka-apelyido ng presidente." Bulong ko kay Drake.

"Malamang, sa kanila ito eh." Sabi niya sa akin at sabay-sabay kaming pumasok sa loob. Nauunang maglakad ang presidente at meron ding bumabati sa kaniya.

Napaingos ako. Psh! May pa-bati-bati pa ang pangit naman. Paika-ika pa nga maglakad eh.

Sumakay kami ng elevator at nakita kong sa rooftop ang pinindot nito. Wala kaming imik sa loob ng elevator pero hindi ako nakakaramdam ng awkwardness dahil mas gusto ko ngang tahimik.

Nang makarating kami sa taas ay sumalubong sa amin ang medyo malakas na hangin. Akala ko nga magpapahangin kami du'n pero mayroon pa lang isang pintuan doon. Pumasok kami sa loob noon at nagulat ako sa biglang pagbukas ng ilaw kasabay ng pagsigaw ng,

"Happy birthday, Xyle Bryan!"

The Only Rose Among The Thorns [Completed]Where stories live. Discover now