Chapter 25

366 20 0
                                    

Tahimik lang ako habang naglalakad papasok ng aming skwelahan. Katatapos lang ng weekend at may pasok na naman kami. Naalala ko, may acquaintance pa lang magaganap this week.

Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ba andaming sunod-sunod na events? Pagod pa nga rin ako dahil sa camp event at kulang pa ang halos dalawang araw na puro tulog ang ginawa ko dahil feeling ko pagod pa rin ako.

Napakunot ang noo ko nang parang may naramdaman akong nakatingin sa akin. Pinakiramdaman ko lang ang nasa likuran ko hanggang sa naramdaman ko ang biglang paghawak sa balikat ko at walang isang segundong kaagad kong pinilipit ang kamay ng kung sino man.

"Ouch! Jace!"

Nanlaki ang mata ko saka mabilis na pinakawalan ang nakapilipit na kamay ni Jessica.

"Oh shit! Sorry! Nagulat kasi ako eh." Kagat labing sabi ko. Akmang hahawakan ko siya para sana hilutin ang braso ni nang may biglang pumigil sa akin at inilayo kaunti kay Jessica.

"What is happening here?"

Napatingin ako kay Xyle na siyang pumigil sa akin saka kay Jessica. "Ahm—nagulat kasi ako, eh, kaya napilipit ko ang kamay niya. Sorry talaga, Jessica."

Ngumiti ito sa akin. "Okay lang. Kasalanan ko rin naman kasi hindi ako nagsalita muna bago kita hawakan."

"Good that you know it's your fault. And for your information, nabalibag na rin ako ni Jace, nagulat nga ako kasi pilipit lang ang ginawa niya sa'yo." Sabi nito at hinila ako palayo kay Jessica at patungo sa classroom namin.

"Ano 'yun?" Kunot noong tanong ko sa kaniya habang hinihila ako.

"What? I just pulled you away from her." Sabi nito saka inis na tumigil at tumingin sa akin. "Pwede ba? Huwag kang makikiusap sa kung sinu-sino."

Umirap ako. "Wala kang pake sa gusto kong makausap. Tsaka, kung ang pinoproblema mo ay ang pagiging mag-ex nila ni Drake, wala na akong pake du'n. Kung gusto niyang ilakad ko siya kay Drake, edi nakatulong pa ako. Tsh." Sabi ko saka naglakad pero hindi pa rin natuloy dahil pinigilan ako ni Xyle saka hinarap sa kaniya.

"What do you mean? Hindi ba may gusto ka kay Drake kaya palagi kayong magkasama?"

Kumunot ang noo ko saka unti-unting ngumisi. Hmm. Selos ka naman? Tss.

"Wala ka ng pake kung bakit palagi kaming magkausap. Kung magkakatuluyan kami, edi masaya, ikaw ang best man sa kasal namin." Sabi ko at kinindatan siya bago naglakad patungo sa classroom namin.

Kaagad kong nakita si Drake kaya dali-dali akong lumapit sa kaniya at umupo sa katabing upuan.

"Hey, you look happy. What happened?"

Ngumisi ako. "Wala lang. Medyo napag-irita ko yung presidente."

Napailing na lang si Drake at sabay kaming tumingin aa pinto ng malakas itong bumukas at pumasok ang presidente.

Sinamaan niya akong tingin bago pumunta sa upuan nito.

"Mukhang hindi lang irita ah. Galit pa ata. What did you do?" Tanong nito.

Nagkibit balikat lang ako. "Wala lang."

Ilang minuto lang ay dumating na ang aming teacher. Kaunting kumustahan lang at nagsimula na itong magturo. Hindi naman sa pagmamayabang pero may kaunting talino naman akong nakatago kaya hindi ako masayadong nahihirapan sa aming klase lalo na at ang mga teachers namin ay friendly at sinasamahan ng jokes ang mga discussion.

Makalipas ng dalawang subject ay recess na kaya napatingin ako kay Drake. "Meryenda tayo?"

Tumango ito saka inayos ang mga gamit bago tumayo. "Saan ba?"

"Malamang sa canteen, para namang pwedeng lumabas ng campus kapag recess." Sabi ko saka tumayo at nagsimulang maglakad palabas ng classroom. Nadaanan ko pa si Xyle na abala sa pagsulat aa notes nito kaya hindi ko na lang tinanong kung gustong sumama.

Nang makarating kami sa canteen ay kaagad kong nakita ang mahabang pila kaya napabuntong hininga ako saka naghanap ng mas konting pila lang hanggang sa makita ko ang nasa gilid na part na siyang may pinakamaliit.

Kaagad kong hinila si Drake patungo roon at nagsimulang maghintay hanggang sa makarating ako sa pinakaharap.

"Pabili nga po ng dalawang burger tapos dalawang softdrinks, at sampung barbecue, salamat." Sabi ko saka hinintay ang binili.

"180 pesos lahat." Sabi nito kaya kaagad kong binigay ang buong 200 pesos at hinintay muna ang sukli bago ako umalis ng pila. Tiningnan ko si Drake na nakatingin sa akin at hindi pa nag-o-order. "Ano? Order na, nakaka-isturbo ka ng pila."

"What? Sa iyo lang lahat iyan?" Tanong nito at itinuro ang plastic na hawak ko.

Nginisihan ko siya. "Of course." Sabi ko at napailing naman siya saka bumili ng kaniya.

Napagpasyahan naming sa classroom  na lang kumain since maraming tao sa canteen. Nang makarating kami sa classroom ay kaagad akong umupo sa tabi ni Xyle na nakadukdok sa kaniyang table. Sinenyasan ko si Drake na umupo sa tabi ko.

Inilabas ko lahat ng pagkain saa plastic at nilagay iyon sa table ko at akmang gigisingin si Xyle nang pinigilan ako ni Drake.

"Don't."

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"He hates to be wake by someone. Last time I wake him up, he punch my face."

Napangisi ako. "Edi weak ka, tch." Naiiling lang ako saka niyugyog si Xyle para magising.

He groaned. "Fuck off."

"Fuck off? O break arm?"

"Tsk." Halatang inias itong umayos ng upo saka tumingin sa akin ng masama. "Why are you two, here? Leave me alone. I am sleepy."

"Binilhan kita ng pagkain mo. Kaya kung matutulog ka, kumain ka muna kundi isasampal ko sa'yo ang pagkain mo."

"Ang brutal mo naman." Bulong ni Drake kaya tinapunan ko lang siya ng tingin saka tinaasan ng kilay si Xyle.

"Oo na, bwisit." Inis na sabi nito saka kinuha ang isang burger at softdrink at kumain ng tahimik.

Napatingin ako sa mga kaklase naming nagkekwentuhan sa likod kaya sinenyasan ko si Kian na lumapit. Ibinigay ko sa kaniya ang sampung barbecue na binili ko at kinuha ko rin ang limang barbecue na binili ni Drake. "Here, paghati-hatian niyo na lang." Sabi ko saka binigay sa kaniya.

Napangiti naman ako nang makitang mabilis na naubos ang pagkain na binigay ko sa kanila. Napailing na lang ako. Tch. Mga patay gutom.

"Oo nga pala, kahit naman anong isuot sa acquaintance party di'ba?" tanong ko sa dalawa. Tumango naman sila.

"Bakit, wala ka bang isusuot?" Tanong ni Drake kaya nagkibit balikat lang ako.

Hindi ko kasi alam kung ano ang susuotin ko at magkakalkal pa ako sa drawer ko mamaya kung may mahahanap ako.

Kaagad akong napatigil sa pagnguya nang biglang tumunog ang paging speaker at ilang saglit lang ay may nagsalita na.

'Paging everyone, I just want to tell you that acquaintance party will be tomorrow afternoon, 5 pm here at St. Bernadette covered court. Waivers will be distribute later when your class dismiss. Thank you.'

Eh? Tangina wala pa akong gagamitin!

The Only Rose Among The Thorns [Completed]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum