Chapter 28

334 22 0
                                    

Kasalukuyan kaming nasa classroom ngayon. Dito kami dumiretso dahil hindi pa naman nagsisimula at para na rin makita kung mayroon bang kulang o wala.

"Sino pa ang wala?" Tanong ng presidente naming naka black tux.

"Present na lahat." Sagot naman namin.

"Okay let's go." Sabi ng presidente kaya sabay-sabay kaming naglakad palabas at patungo sa gymnasium. Nakahawak pa ako sa kamay ni Drake kasi feeling ko matutumba ako sa taas nitong five inches na heels ko.

Mag-coconverse sana ako kanina pero nang sinundo ako ni Drake kasama ang tunay na driver nila ay binigay sa akin ang heels na ito. Partner daw nitong damit na binigay sa akin.

"Okay ka lang?" Tanong niya sa akin habang naglalakad.

"Oo. Di lang ako sanay sa mga ganitong katataas na heels." Sagot ko sa kaniya.

"Sabihin mo sa akin kung nangangalay ka na." Sabi niya sa akin. Pagkarating namin sa gymnasium ay marami ng mga nagkakalat na mga studyante at marami na ring nakaupo sa kaniya-kaniyang table. Dumiretso kami sa assigned tables namin at umupo. Wala pang ilang minuto pero merong tumawag sa akin. Tawag ng kalikasan.

"Punta lang akong C.R." Paalam ko kay Drake.

"Sasamahan na kita." Sabi niya pero umiling ako.

"Kaya ko na. Ako pa." Sabi ko sa puminta sa C. R.

Pagkarating ko sa loob ay dumiretso ako sa isang cubicle at doon umihi. Pagkatapos ay bubuksan ko na sana ito nang makarinig ako ng mga lalakeng pumasok at ni-lock ang pinto. Shit! Narinig kong isa-isa nilang binubuksan ang pintuan ng mga cubicle at ako naman ay naghanda na. Naririnig ko pang nagsasalita sila.

"Sigurado ka bang pumasok yun dito?"

"Baka naman kamukha lang ng damit?"

"Pwede naman siguro natin siyang pagkatuwaan muna bago natin ibigay kay Kim. Bonus natin."

Wait. Kim? Narinig ko na ata ang pangalan na yun. Ah! Yun yung pinag-uusapan ng mga babae noon sa C. R. din. Yung nagseselos daw kasi hindi napapayagang ipunta sa section na section ko. Eto ba yung binabalak niya? What a non sense plan.

Nang binuksan na nila ang pinto ng cubicle ko ay agad kong sinipa ang taong yun sa mukha saka sinipa ang batok niya. Tulog. One down.

Tatlo na lang. Apat pala sila kasama ang nakatulog. Umatake ang isang lalake at ginamit ko ang roundhouse kick na inaral ko noon. Buti na lang naka-cycling ako kundi kita ang kaluluwa ko kung saka-sakali. Two down.

Umatake na naman ang isa at agad kong sinuntok ang sikmura nito ng tatlong beses saka pinilipit ang kamay nito at ibinalibag sa sahig. Three down.

Ako na ang umatake sa ikaapat ng akma itong tatakbo palabas. Hinuli ko ang braso niya saka pinilipit patalikod.

"Sabihin mo sa taong nagpadala sayo na walang kwenta ang plano niya. Plano niya bang ipa-kidnap ako? Well, news flash, hindi ako natatakot sa kaniya. Pakisabi rin na siguro bobo siya kaya hindi siya nakakapasok sa section namin. Sabihin mo rin na hindi solusyon ang pakikipaglandian para makuha ang gusto. Naiintindihan mo?" Tanong ko sa kaniya. Namimilipit naman siya sa sakit pero nagawa pa naman niyang tumango-tango. Binitawan ko na siya saka naglakad palabas ng banyo bitbit ang bag ko. Buti na lang walang tao sa labas ng c.r. Pagkarating ko sa table ay nagsisimula na ang acquaintance party.

"Ba't antagal mo roon? May problema ba?" Tanong sa akin ni Drake.

"Wala baliw. Medyo masakit lang ang paa ko. Nagkapaltos ata." Sabi ko at sa sinabi kong 'yun ay agad na lumuhod si Drake sa paanan ko at sinuri ang paa ko.

The Only Rose Among The Thorns [Completed]Where stories live. Discover now