Chapter 7

632 37 0
                                    

Nasa classroom na kami ngayon at medyo maaga pa kaya magulo pa ang upuan sa classroom namin. Si Drake ay nasa likuran at nakikipag-usap sa ilang kaklase namin. Ako naman ay kumukopya sa mga notes ni Drake sa mga nauna nilang klase na wala pa ako.

"Seryoso natin ah." Sabi ni Airoon na nasa upuan na pala ni Drake. Humarap ako sa kaniya at tiningnan siya.

"Hmm. Napadpad ka dito?" Tanong ko sa kanya.

"Eto oh. Baka nauuhaw ka na sa kakasulat. " Sabi niya at ipinatong sa harapan ko ang isang Mc float. Agad akong natakam sa nasa harapan ko.

"Hindi naman siguro yan nakamamatay ano?" Wala sa sariling tanong ko.

Tumawa siya ng malakas kaya medyo napatingin ang ilan sa kaklase namin.

"Ibang klase. 'Di ba pwedeng magpasalamat na lang?" Sarkastikong sabi niya sa akin.

"Oh edi thank you." Sabi ko saka siya inirapan. Pagkatapos ay nilagok ko na ang Mc float. Ini-straight ko ang pag-inom hanggang maubos saka ko ito nilapag sa harapan ko rin kung saan ito nakalapag kanina.

"W-welcome." Nakangiwing sagot ni Airoon saka alanganing ngumiti.

"Hmmm." Sagot ko saka ulit nagsulat. Napansin kong paalis na siya pero pinigilan ko.

"Bakit?" Tanong niya sa akin. Inabot ko sa kaniya ang cup ng Mc float.

"Pakibasura na lang. Thank you. " Nakangiting sabi ko. Sya naman ay napapailing na lumabas para magbasura.

1:40 na nang sumigaw ang kaklase naming malapit sa pintuan at sinabing paparating na ang teacher namin. Si Drake ay dali-daling pumunta sa upuan niya which is sa tabi ko. Yung iba naman ay halos magkandaugaga na rin sa kakaayos ng mga upuan.

"Okay good afternoon class. Sorry if i'm late. Medyo late na kami dinismiss ng head teacher kanina. Medyo marami-rami ang event natin this month. Cooperation ang kailangan and because we already have girl here in this section, pagbotohan na rin natin ang offcers natin from auditor to muse and escort. " Masayang pahayag ng teacher namin. "Mr. Secretary, please come in front." Sabi ni Miss Vallez.

"Anong come miss?  Come as in C-O-M-E?  or C-U-M?" Tanong ni Rex kaya agad siyang binatukan ng mga malalapit sa kaniyang upuan.

"O sige! Mag-CUM ka nga dito sa harapan ngayon dali! Tch." Sabi ni miss saka umirap. "O siya! Halika na dito sa harapan,  ang bagal mo talagang kumilos! Kung ano-ano kasing tinatatanong na mga bastos."

"Sorry, miss. Natatawang sabi ni Rex saka dali-daling pumunta sa harapan saka sinimulan ang botohan pagkasabi ng,' The table is open for nomination... '

Kalahating oras din ang nagugol sa pagboboto ng aming officers. Siyempre sa muse ako napunta kahit sa peace officer sana ang gusto ko.

"Okay please stand as I call your name. President, Xyle Bryan Quintos. Vice President, Blue Vasquez. Secretary, Rex Ramos. Assistant Secretary, Steven Cruz. Treasurer, Joshua Monteverde. Assistant Treasurer, Steve Montenegro. Auditor, Klyde Lopez. P. R. O., Matthew Pendelton. Peace officer, Gian Valdez, Rhasteen Mendoza, Airoon Villanueva, Kian Alvares, and Rusty Valderama. Our muse and escort, Eion Jace Fuentez and Rhylle Earl Drake Perez. Congrats. Please be seated. " Mahabang pahayag ni miss.

Kaagad naman kaming umupo.

"As I was saying awhile ago, we have so many events this month. This week is the camping day. Next week is our Acquaintance Party and welcome freshmen party. Then next next week is clean and green program. The place is only near from here so we decide to just walk since it's just a walking distance. Last week of June, it's the culmination of clean and green. We have a competetion to other sections. All we need to do is to design our room and make it clean. The judges will choose three winner and one champion. Champion will be having a twenty thousand prize. " Masayang sabi ni miss at yung mga kaklase ko naman ay masaya at meron pang tumalon talon na parang sila na ang champion kahit mukhang bodega ang classroom namin.

The Only Rose Among The Thorns [Completed]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن