Chapter 29

336 16 0
                                    

Pagkaupo ni Drake sa upuan niya ay agad ko siyang niyakap at tahimik na umiyak sa balikat niya. Pinipigilan ko ring humagulgol. Kahit nagtataka ay hinayaan niya lang akong umiyak sa balikat niya at nang matapos na akong umiyak ay ibinigay niya sa akin ang kaniyang panyo.

Pinunasan ko ang mata ko saka ito siningahan. Ibabalik ko na sana pero nginiwian lang niya ako kaya natatawa ko itong isinilid sa shoulder bag ko.

"May problema ba?" Agad na tanong sa akin ni Drake.

"Wala. Trip ko lang mag-emote bakit ba?" Paangas na sabi ko na lang sa kaniya.

"Tss you're really something." Naiiling na sabi ni Drake sa akin. Kinuha ko na lang ang chicken sa plato ko saka kinagatan. Nagutom ako sa pag-iyak eh. "Slow down. Hindi ka mawawalan." Sabi ni Drake habang pinupunasan ang bibig ko dahil sa manteka pati na ang kamay kong pinanghawak ko.

"Alam mo bang gusto kong magkaroon ng mga gamit sa pangbanda?" Sabi ko sa kaniya.

"Hmm?" Nagtatanong ang matang tumingin siya sa akin.

"Gusto ko ng maingay pero dapat ako ang nag-iingay. Gusto ko kasing naiingayan sila sa akin. Gusto ko rin naman ang tahimik. Kapag kasi tahimik, pumapasok sa isip ko na maganda at cute ako." Sabi ko ng natatawa.

"And you just tell my cousin that he is a conceited man awhile ago." Sabi ni Drake sa akin habang naiiling.

"Eh conceited naman talaga yun. At nagsasabi naman ako ng totoo.  Maganda ako, cute, sexy, ma-appeal, lapitin ng lalake, merong hinaha---"

"Wait nasusuka ako." Natatawang sabi ni Drake saka tiningnan ang dibdib ko. "Meron nga maliit naman." Nakangising sabi ni Drake sa akin.

"Gago hindi dibdib ko ang sinasabi ko. Hinaharap! In english future! Meron akong future!  Gago neto!" Sigaw ko sa kaniya at pabirong sinuntok ang braso niya.

"Linawin mo kasi. And also, pwede mo namang gamitin ang kinabukasan as future. Hindi yung hinaharap, tss." Sabi niya sa akin at sinubuan ako ng kanin.

"Ang green mo kasi kaya iba naiisip mo. Manyak neto!" Sabi ko na lang saka tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin. Hinila ko siya patungo sa dance floor sa sumayaw. "Alam mo naman pa lang sumayaw. Para ka kasing kawayan nung birthday ni Bryan." Nakangising sabi niya sa akin.

"Walang may pake." Sabi ko saka sumayaw sayaw. Nakita kong hindi sumasayaw si Drake at nakatingin lang sa akin kaya hinawakan ko ang kamay niya saka isinayaw-sayaw.

"Parang baliw." Sabi niya sa akin habang tumatawa. "De javù." Nakangiting sabi niya sa akin.

"Baliktad na." Natatawang sabi ko. Biglang nag-iba ang music at naging sweet dance. Hihilain na sana ni Drake ang kamay ko para umalis na sa dance floor pero hinila ko siya saka iginiya ang kamay niya sa bewang ko at ako naman ay humawak sa balikat niya.

"Ba't ka aalis? Di mo alam ang sumayaw ng ganito nuh?" Pang-aalaska ko sa kaniya.

"Baliw alam ko. Kala ko kasi ayaw mong sumayaw ng ganito." Natatawang sabi niya sa akin."Eh bakit alam mong sumayaw ng ganito? Ah sumayaw ka na rin ba sa js prom niyo noon?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ah. Umuupo nga lang rin ako noon sa gilid kasi ayaw ko ng center of attraction." Sabi ko.

"Ah so ako ang first dance mo?" Tanong niya sa akin.

"Oo at gusto ko ring ikaw ang maging last dance ko sa debut ko next year." Sabi ko sa kaniya habang nakatitig sa mata niya. Sa pagkakatitig ko dun ay nakita ko ang punong-puno nitong mga emosyon na hindi ko mapangalanan. Halata ring natigilan ito sa sinabi ko.

"Bakit naman ako? Pwede naman yung kuya mo or papa mo. Nandiyan din ang mga kaklase natin or si Xyle." Sabi niya sa akin.

"Bakit ikaw? Ikaw lang naman ang unang lalakeng naging parte ng buhay ko, sunod sa presidente at mga kakalse natin, maliban sa kuya ko at papa ko. Gusto kong maging parte ka ng debut ko at pag wala ka roon, magiging malungkot ako at masasaktan." Sabi ko.

Ngumiti ako sa kaniya saka bumuntong hininga.

"Di'ba ayaw mo namang maging malungkot ako? Ayaw mo rin na masaktan ako kaya kung ayaw mo akong makitang ganu'n pupunta ka." Sabi ko sa kaniya ng nakanguso.

"Aist okay. Pupunta ako. Pero hindi ako mangangako. I'll try my best to come." Sabi niya sa akin habang nakatitig.

"Okay. Thanks for not promising." Sabi ko nang nakangiti. Mas maganda na yung hindi siya nangako para hindi ako masasaktan.

"May darating ka pang birthday. This September 13, right?" Tumango ako. "Anong gusto mong regalo?" Tanong niya sa akin.

"Ikaw lang sapat na." Natatawang sabi ko at natawa naman siya.

Idinaan ko lang sa biro 'yun pero seryoso ako. Kahit wala siyang regalo para sa akin makita ko lang ang saya sa mukha niya masaya na ako.

Natapos na ang music kaya pumunta na kami sa upuan namin. Inaantok na rin ako. Alas nuebe na rin naman kaya medyo nakakaramdam na ako ng antok.

"Inaantok ka na?" Tanong sa akin si Drake.

"Medyo." Sagot ko.

"Ihahatid na ba kita sa bahay niyo?" Tanong niya sa akin.

"Pero maiisturbo lang kita. Kukuha na lang ako ng taxi diyan sa labas." Sabi ko at akmang tatayo ng pinigilang niya ako at pangkuin pa-bridal style. Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kaniya at parang nawala rin ang antok ko sa ginawa niya.

"Huy. Ibaba mo na ako di na ako inaantok. "Sabi ko." Andaming nakakakita oh." Sabi ko.

"Eh ano naman. Malamang meron silang mata eh." Sabi niya sa akin. Hinayaan ko lang siya na pangkuin ako hanggang sa kotse nila.

"Ihahatid na natin siya manong." Sabi ni Drake sa driver nila. Agad namang tumalima ang driver saka maingat na nagmaneho.

"I saw you." Biglang sabi ni Drake.

"Ha?" Tanong ko. Malay ko ba kung saan niya ako nakita eh palagi naman kaming nagkikita.

"Sinundan kita nung pumunta ka sa C.R. Nakita ko rin yung mga pumasok sa c.r. na mga lalake. Natakot ako kasi baka may mangyaring masama sayo. Hindi ako nakapasok kasi merong humawak sa aking apat na lalake at inilayo du'n. Natakot ako pero biglang nawala 'yun nang pumasok sa isip ko ang sinabi mo noon." Sabi niya sa akin.

"Na?" Tanong ko.

"Na kaya mo ang sarili mo. That you're a black belter. And in that very moment, alam kong kaya mo kaya nga hindi na ako nagulat nang wala ka man lang galos. At nagkapaltos lang ang paa mo. So I assume na paa ang ginamit mo pampatumba sa mga kalaban mo." Sabi niya sa amin ng nakangiti.

"Alam mo ba kung sino yung nagpapakidnap sana sa akin?" Tanong ko sa kaniya.

"Si Kim. Siya yung babaeng kahit ano, gagawin makuha lang ang gusto. Alam mo bang halos kalahati ng nasa section natin ay inakit niya? Sinira rin niya ang relasyon noon ni Blue at Mace." Sabi niya sa akin. Napanganga na lang ako sa ginawa ng babaeng yun. A bitch alright.

"Okay. Sa susunod huwag kang matakot kapag merong mangingidnap sa akin. Kahit makuha nila ako, makakalabas pa rin ako ng buhay. Trust me on that one." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Yeah. I trust you." Sabi niya sa akin saka ngumiti. "Always."

The Only Rose Among The Thorns [Completed]Where stories live. Discover now