Chapter 26

359 17 0
                                    

Mamayang hapon na ang acquaintance party at wala pa rin akong gagamitin. Wala kasi akong mahanap na kahit dress man lang kaya siguro magpapantalon na lang ako saka plain t-shirt at converse. Kahit naman daw ano ang susuotin eh.

Napabaling ang tingin ko sa phone ko nang bigla itong nag-ring. Nakita ko ang pangalan ni Drake na iyang tumatawag kaya napabuntong hininga ako.

Ano na naman bang problema nito? Pinaghintay ko pa ito ng ilang segundo saka sinagot ang tawag.

"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.

"Ang bagal mong sagutin ang tawag ko. You're hurting my feelings you know?" Pagdadrama nya.

"Cut the act. Ba't ka napatawag? Iniisturbo mo ako." Sabi ko.

"Nasan ka?" Tanong nito sa kabilang linya.

"Nasa loob ng damit ko malamang." pamimilosopo ko.

"Psh, namimilosopo ka na naman, kala ko tapos ka na diyan, tsh. Anyway, may damit ka na sa acquaintance? Hindi mo sinagot ang tanong ko kahapon." Tanong niya sa akin.

"Ewan ko. Siguro magpapantalon na lang ako saka plain t-shirt."

"Boring. Nasa labas ako ng bahay niyo. Punta tayong mall, ibibili kita ng damit." Sabi niya at agad akong nagtungo sa bintana ko. Nandoon nga siya at nang makita ako ay kumaway siya sa akin.

"Wala akong pera. Poor ako wala akong pambayad." Sabi ko at natawa naman siya.

"Walang pera pero nanlilibre, tss. Sabi ko nga 'Ibibili kita ng damit', it means ililibre kita. Total bestfriend kita kaya walang problema." Sabi nito. Libre? Agad kong ini-end ang tawag saka nagmadaling bumaba nang marinig ko ang salitang yun. Naka-sweatpant naman ako saka loose t-shirt. Itinali ko pataas ang buhok ko kahit hindi nasuklay. Parang messy bun ganu'n.

Pagkababa ko ay nakita ko si Yaya na nagdidilig sa garden. Agad akong nagpaalam sa kaniya saka ako dumiretso kay Drake na naghihintay. Pinapasok niya ako sa loob ng kotse. Merong driver kaya dalawa kami sa likuran.

"Sa mall po manong." Natatawang sabi Drake sa driver pero itong driver ay nakabusangot lang na tumingin sa gawi namin at nagsimulang magmaneho.

"May mukha naman pala ang driver niyo. Medyo gwapo." Hindi ko maiwasang magkomento. Kahit kasi nakabusangot ay medyo gwapo pa rin. Napatawa ng malakas si Drake kaya nagtatakang tiningnan ko sya. Napatingin sa akin yun driver.

"Alam kong gwapo ako pero driver? What the hell! Gago ka kasing lalake ka! Ginawa mo akong driver ngayon araw! Tong mukhang to driver? I can't believe it!" Malakas na sabi ng driver at sa gigil nito ay mas bumibilis ang takbo ng kotse pero sanay naman na ako.

Sa dati ko kasing school ay sumasama ako sa mga kaklase ko kapag nanonood sila ng drag race. Nakikisakay pa ako sa race car ng mga nakiki-drag race kaya hindi ako natatakot sa mabibilis. Mabagal pa nga kung tutuusin itong takbo ng kotseng 'to.

Nagtatakang tiningnan ko si Drake na pinipigilan ang tawa. "Nilalamig ako, ang lakas ng aircon." Sabi ko.

"Hindi aircon yun. Hangin na yun." Pangsasakay ni Drake sa biro ko.

"Tsaka nagbubuhat ng sariling bangko." Sabi ko pa. "At yung kagwapuhan niya, parang password, siya lang nakakaalam." Sabi ko at sabay kaming tumawa. Narinig naman yun ng lalake kaya mas lalong sumimangot ito.

"Sabi mo gwapo ako. Tapos ngayon iniinsulto mo na." Sabi pa niya.

"For your information, sabi ko medyo gwapo lang. Ikaw ang nagsabi na gwapo ka." Sabi ko sa
kaniya.

"Eh parehas din yun. May gwapo parin naman." Pagpipilit niya sa akin.

"Yung medyo parang konti lang. Ang gwapo full yun. Eh ikaw medyo lang kasi hindi ka naman kagwapuhan masyado." Sabi ko naman. "Ikaw diyan ang gwapong gwapo sa sarili. Tumingin ka muna sa salamin bago mo sabihin na gwapo ka nga. Kasi sa pagkakaalam ko ang salitang gwapo ay nabuo lang nung pinanganak ang bestfriend ko." Malakas na sabi ko.

"Sino ba ang bestfriend mo? Sa pagkakaalam ko ako na ang pinakagwapo sa balat ng lupa. Baka naman wala pa sa kalingkingan ko diyan." May pagmamalaking sabi nito kaya napairap ako.

"Nakita ko na yung kaibigan niya. And sorry to burst your bubble bud but he's way more handsome than you." Sabad naman ni Drake na akala ko natutulog na dahil sa pinag-aawayan namin driver na 'to.

"Bud, ako yung pinsan mo. Yung kasa-kasama mo palagi at yung inuutus-utusan mo palagi. Dapat ako yung kinakampihan mo dahil magkadugo tayo. Wow! You just hurt my feelings you know." Nagdadramang sabi nito habang nagmamaneho pa rin. Tumitingin-tingin lang kasi ito sa rear mirror.

"Kahit naman kapatid kita or kakambal, mas gwapo pa rin yung bestfriend nya. I hate sugar coating my word especially when I am telling the truth." Sagot ni Drake.

"Wow. Sino ba yung bestfriend mo? Sabihin mo sa akin at nang makita kung sinong mas gwapo. Kukuhanan mo kami ng picture saka mo i-post sa facebook at tingnan natin kung sino ang mas maraming likes. Mas marami mas gwapo." Mahabang sabi niya sa akin habang patingin-tingin sa rear mirror.

Napairap nalang ako saka sinenyasan si Drake na manahimik nalang. Hinayaan na lang namin syang magsalita ng magsalita.

"Sino ba yung shokoy na pangit na yun? Gwapo daw? Letche eh ako kaya pinakagwapo sa balat ng lupa. Kahit yata anong ipasuot sa akin ay babagay. Marami nga ang nagkakandarapa sa akin mapansin ko lang tapos may mas gwapo pa raw sa akin? I cannot accept this. Baka nga may kulubot na yun sa noo at baka nirarayuma na rin. Ako kahit hindi ako maligo fresh parin ako.

"Napagkakamalan nga din akong model eh. Madami nga akong naririnig na pumuputok na obaryo ng mga babae kapag nadadaanan ko sila isama mo na ang mga bakla at matanda tapos may mas gwapo pa pala kaysa sa akin. Marami ring nagsasabi na mukha akong artista at makukuha ako agad-agad pag nag-audition ako tapos kasasabi niyo lang na may mas gwapo sa akin. Shet!" Hindi pa dun nagtatapos ang paglilitanya niya at marami pa syang sinabi na kesyo mas gwapo at mas ma-appeal siya kesa sa bestfriend ko.

"Anong ginawa ng tita mo dyan sa pinsan mo? Mukhang napasobrahan ata ng confidence. Nagiging conceited ng hindi namamalayan." Bulong ko kay Drake na nakapikit pero nagpipigil ng tawa.

"Ewan ko diyan. Nabababaliw kasi pag may nagsasabing may mas gwapo sa kanya." Sabi nya sa akin.

"Tsh. GGSS. Nakakaturn-off. Ba't ba kasi ambagal nating makarating sa mall? Nauumay na ako sa kakadada nitong taong to tungkol sa kagwapuhan." Sabi ko ng medyo naiirita.

"Malapit na tayo. Tsaka magtiis ka muna ng kaunti. Hindi na rin naman tayo sasakay dito pauwi." Sabi nya sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag dun. Akala ko maririnig ko na naman ang paglitanya niya tungkol sa kagwapuhan pauwi.

"We're here." Sabi sa akin ni Drake. Bumaba na kami saka hinarap yung driver.

"Alis na." Sabi ko saka nagpeke ng ngiti.

"Sino yung bestfriend mo? Ibigay mo sakin pangalan. Ipapa-assassinate ko." Sabi nya sa akin habang nakalahad sa kamay niya ang isang papel at ballpen.

"No need. Kilala mo naman eh." Sabi ko sa kanya.

"Ha? " Maang na tanong niya.

"Tch. Rhylle Earl Drake Perez. He is my boy bestfriend and he is so handsome than you. Subukan mong ipa-assassinate siya, may yakuza akong bestfriend. Hindi mo pa naiiumang ang nguso ng baril mo pamputok sa kanya, nakalabit na ang para sayo them boom! Goodbye!" Sabi ko nang nakangisi. "And for your information, mas gwapo talaga ang pinsan mo kesa sayo, huwag kang masyadong full of confidence, conceited!" Sabi ko pa saka kinaladkad si Drake papasok ng mall.

Nakita ko pang nakanganga lang dun yung pinsan niya at nakatunganga.

Tsh, iyan ang napapala mong conceited ka.

The Only Rose Among The Thorns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon