Chapter 15

511 29 2
                                    

"Roll call! Roll call! Sino pa ang wala?" Malakas na tanong ni Rex na siyang nagpapa-attendance sa amin.

"Bakit hindi mo na lang tingnan sa hawak mo kung sino ang wala, tol?" tanong ni Blue na kamangha-manghang nandito ngayon eh halos hindi na makatayo nung nada hospital.

Napakamot naman ng ulo si Rex. "Oo nga pala." Sabi nito kaya lihim akong natawa. Tama nga si Drake, may pagka-slow ang mga kaklase namin.

Tumingin ako kay Drake na nasa harapan ko. "May sarili ba tayong sasakyan na para sa section lang natin o mix per section ang sasakay?" tanong ko.

"Depende. Last year kasi, since konti lang kami sa section namin, nakisakay na rin sa amin ang mga teachers."

Napatango ako. "Okay. I bet hindi kayo nakapag-enjoy sa bus dahil nandoon ang mga teachers."

Natawa ito. "Well, hindi sana kami mag-eenjoy pero ang mga teachers na ang nagpasimula ng mga kaguluhan sa bus noon eh. Nag-sound trip sila tapos kantahan ganoon."

Natawa ako. "Nice! Ang cool pala ng mga teachers noon."

"Yep. So—" he hissed making me look at him worried. Nakita ko siyang nakapikit na parang may iniinda.

"Hey, may problema ba?" Nag-aalalang tanong ko.

Napatingin ako sa harapan nang may mag-abot kay Drake ng tubig. Nakita kong si Xyle iyon at may pag-aalala ring nakatingin kay Drake.

"Bud, drink this. I put something on it." Makahulugang sabi ni Xyle kaya nagtataka akong tumingin sa kanilang dalawa.

Kaagad namang kinuha ni Drake ang tubig mula kay Xyle saka ininom iyon. Ilang saglit pa ay parang pinapakalma nito ang sarili bago nagmulat. Tumingin ito kay Xyle saka ngumiti. "Thanks."

Xyle nodded. "Welcome." Sabi nito saka umalis at pumunta na sa kinaruruonan ng mga kaklase namin.

Napatingin naman sa akin si Drake saka ngumiti. "Sorry, you see me like that. I just can't hold it."

Ngumiti ako. "Ayos ka na ba talaga? Sinabi ni Xyle may inilagay siya sa tubig. Bakit mo ininom? Baka lason iyon."

Natawa ito bago ginulo ang buhok ko. "Bakit ba ang hard mo kay Xyle? Akala ko ba okay na kayo? He even give you drink yesterday."

Napanguso ako nang maisip na naman ang binigay ni Xyle kahapon na yakult. Hindi ko iyon dinala dahil hindi ko muna trip inumin. "Well, okay naman na kami, I'm just making you happy, okay? Baka kasi hindi pa maayos ang lagay mo."

Ngumiti lang ito at akmang magsasalita ng magsalita na si Rex na papasok na kami sa bus. Kaagad naman kaming naglakad patungo doon at nakipila para pakapasok sa bus.

Napatingin ako sa paligid at marami na ding mga studyante na pumapasok sa kani-kanilang bus.

Kaagad akong pumasok sa bus at nakita ko si Drake at isinesenyas nitong sa tabi nito maupo since bakante naman. Napatingin ako kay Xyle na nakatitig sa akin at may bakante rin sa tabi nito.

Napabuntong hininga ako saka napailing na lang.

Ang hirap naman pumili!

Napakamot na lang ako sa ulo ko saka naupo sa tabi ni Blue na wala pang katabi. Kaagad akong ngumiti sa kaniya nang nagtataka niya akong tiningnan. "Bakit dito ka naupo?"

"Bakit? Ayaw mo akong katabi?" taas-kilay na tanong ko pero umiling lang siya.

"Nagtaka lang ako. Bakante naman ang kay Drake pero dito mo naisipang umupo." Sabi nito saka ngumisi. "Nahihirapan ka na bang pumili?"

The Only Rose Among The Thorns [Completed]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ