Chapter 3

835 49 0
                                    

Guess where we are? Nasa harapan lang naman kami ng school. Iyong mga kaklase kasi namin ay patungong gate ang tinahak at kasalukuyan silang nakalinya sa isang ice cream vendor.

Napailing na lang ako habang nasa pinaka-third to the last. Ang nasa likuran ko ay si Rhylle na abala sa pagpayon sa akin habang ang nada likuran niya ay nakikipayong.

Si Xyle naman daw ang sasagot ng ice cream namin kaya nga ang kaklase ko ay puro nasa tinapay ang binibili, libre naman daw e.

Nang ako na ang ang nasa harap ay kaagad kong tiningnan ang mga flavor na naroon. Strawberry, chocolate, and ube. Hmm. "Kuya, yung nasa cup po ang akin tapos huwag niyo pong lagyan ng strawberry, thank you." Nakangiting sabi ko saka hinintay ang akin.

Nang makuha ko na ito ay kaagad akonh tumabi saka nilantakan ang ice cream gamin ang disposable spoon. Kaagad namang tumabi sa akin si Rhyle nang makuha na ang kaniyang ice cream.

"Bakit naka-cup ang sa'yo? Ayaw mo ba ng tinapay?" Tanong nito pero umiling ako.

"Nope, medyo busog lang ako kaya eto na lang ang pinili ko."

Tumango ito at nanatili nang tahimik. Nang matapos na naming kainin ang aming ice cream ay kaagad din kaming naglakad patungo sa classroom.

Pagkabalik namin sa classroom ay agad akong umupo sa upuan ko. Si Rhylle ay nasa labas pa, nagpapahangin siguro.

Napatingin ako sa likuran, napabuntong hininga ako nang makita ang mga nagkalat na mga clraning tools at ilang mga pinagkainang plastic. Nakatingin lang ako doon at ini-inspect pero hindi ko namamalayan na doon pala ang upuan ni Xyle na ngayon ay nakangisi na habang nakatitig sa akin. Inirapan ko na lang siya saka bumaling na sa harapan.

Matutulog na sana ako sa upuan ko pero biglang dumating ang aming teacher kasabay ng mga kaklase naming nasa labas. Agad akong umayos ng upo at tumingin sa harapan. Biglang dumaan sa harapan ko si Rhylle at umupo sa upuan nito. May naamoy akong kakaiba sa kanya.

"Fuck! Amoy utot ka pa! Kailan ka pa last na tumae? Taena ang baho! " Biglang bulalas ko kaya napatingin ang ilan sa aming direksyon kasama na ang aming teacher. Ngayon lang din ata niya ako nakita dahil medyo nagulat pa.

"You're a transferee?" Tanong niya sakin ng nakangisi na parang may binabalak. Tumango ako sa tanong nya. "Okay. Come in front." Utos niya sa akin kaya sumunod ako. Narinig ko pa ang halakhak ng katabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Putek! Ang baho kaya nung utot nya! Psh. Parang ilang araw nang hindi nailalabas! Mabatukan nga mamaya.

Nang nasa harapan na ako ay pinaharap ako ni Miss sa mga kaklase ko." My name is Ronalyn Vallez. Your teacher in Komunikasyon sa pananaliksik. And you are?"

"Eion Jace Fuentez po." Sagot ko.

"Okay. Class diba may assignment kayo sakin? Total naman meron na kayong babae dito, at dahil transferee sya, isn't it nice kung sa kaniya niyo na lang i-recite ang assignment niyo. I bet na di pa kayo nakapagpakilala sa kaniya, am I right?" Nakangising sabi ni miss Valles.

Tumango naman ang mga kaklase ko kaya napapalakpak si Miss.

"Mabuti! So, recite your assignment first, then introduce yourself. Random ang mag-rerecite. Kayo na ang bahala." Sabi ni Miss Vallez at umupo sa upuan niya. Ako naman ay pinaupo nya sa monoblock chair sa harapan. May biglang tumayo sa likuran na lalake at mayabang na ngumisi sakin. Gwapo sana kaso mayabang naman. Psh!

"Ampalaya ka ba?" Biglang tanong nya sa kin kaya kumunot ang noo ko.

"Gago mukha ba akong ampalaya? Bobo naman." Sabi ko at inirapan sya. Narinig ko namang tumawa ang mga kaklase namin at inaasar yung lalake ng 'basag!'. Narinig ko rin si miss Vallez na tumawa kaya napatingin ako sa kanya. Shet! Kakahiya! Nagmura pala ako kingina!

The Only Rose Among The Thorns [Completed]Where stories live. Discover now