Chapter 7: Julia

3.3K 77 26
                                    

Apartment ~home sweet home

 

Jessy's POV

Naglalaba ako kahit 10pm na ng gabi. Dala dala ko ang rechargeable kong lamp wala nga ako kuryente diba? Naputulan nga diba?

  Buti nalang pinapayagan ako ni Lola Teresita maki charge sa bahay niya. Hihihi.

Eto nga ako naglalaba ng panyo ni Mr. Savior ko. Nilagyan ko pa ng fabric conditioner, kahit mga damit ko nga di ko naman nilalagyan. Para naman pag nagkita kame maibigay ko 'to at mabango naman.

Kinikilig ako pag ini-imagine kong mag kita kame ulit. Oh sana magkita pa kame ulit.

Para akong binubulate pag naiisip ko ang looks niya. Bumubungisngis ako habang naglalaba. Ngayon lang ako nag laba ng panyo ng ganito katagal.

Matapos ang paglalaba...

 

Isinampay ko nalang muna sa hanger ang panyo ni Mr. Savior, tinitingnan ko parin ang panyo niya.

"Magkikita pa kaya tayo? Sana man lang nakuha ko ang pangalan mo. " naka upo ako sa sahig habang tinitingnan ko ang panyo.

May kumatok.. ganitong oras? Sino naman kaya to? Ang alam ko mag tetext muna si esfriend pag dadaan siya sa apartment ko.  Pumunta ako sa pinto at binuksan ito.

Si...si.. si..Mr. Savior?! Ang bilis naman ha? Nagkita kame ulit.

  Paano niya nalaman ang address ko? Di ko naman sinabi ha? Teka, siguro naman naka lagay sa exam slip ko? Pero teka wala naman nakalagay dun ha. Tsaka di ko pala nabawi ulit ang exam slip ko sa mga asungot na yun.

Kinakabahan ako na parang kinikilig... eto naba ang tinatawag nilang "pag-ibig" pweh! Ang corny naman !

Pero teka..bakit siya nandito?

"Papasukin mo ba ako o ano?" nakangiti siya.

Ang gwapo niya naman! Sige na nga.. ayy teka di ko pa siya lubusang kilala, baka rape-in ako neto. Gusto ko ang idea na yan. Joke lang.

"Ahmm.. pwede bang malaman ko kung bakit ka nandito?" nakahawak lang ako sa pinto ko. Nagdadalawang isip ako kung ipasok ko ba siya o hindi.

Nanginginig ang kamay ko at yung puso ko parang may karera ng mga kabayo. Ang OA naman ng description ko. Pero ganyan feeling ko.

"Gusto ko lang makita ka. Ikaw ang sinadya ko dito. Amm.. sinundan kasi kita kanina pa at kanina pa ako sa labas nagdadalawang isip ako kung kakatok ba o hindi. So, can I come in?" napahawak lang siya buhok niya. Ang gwapo talaga niya.

Pakiramdam ko nabingi ako. Tama ba dinig ko? Ako sinadya niya dito? Bakit ako? Anong kailangan niya sakin? Dios mio....baka naman---

"Kung ano man iniisip mo , nagkakamali ka. Malaki ang respeto ko sa mga babae. Don't worry, you can tie me if you want." Ngumiti lang siya ng tipid. "I just want to talk with you if you don't mind" namumula siya kitang kita ko kasi naman dala ko ang rechargeable lamp ko.

"Hehehe. Wala akong iniisip noh. Sige tuloy ka.. Gusto mo ng kape? Gatas? Milo? Tubig? Ayyy tubig nalang muna ha. Di pa kasi ako naka grocery" ang tanga ko naman, ang dami ko pang satsat tubig lang pala ang maibibigay ko.

"Water will do. I'm fine here. Salamat." Uupo sana siya sa sahig wala naman kasi ako sofa o matinong upuan kaya naman kinuha ko yung upuan ko sa may study table ko.

"Dito ka maupo..baka madumihan yang pantalon mo. Heheh pasensya kana medyo may kaliitan ang bahay ko ha. " patawa-tawa pa ako. Ano ba naman yan. Naiilang ako. Ang gulo ng buhok ko at yung damit ko ang luwag luwag pa tapos naka pajama lang ako.

The Impossible Girl (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang