Chapter 56: Christmas

1.8K 61 2
                                    

BTS Jungkook as Alvin Gonzales 'Vin-vin'

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

BTS Jungkook as Alvin Gonzales 'Vin-vin'

IU as Lordes Pearl Manuel 'Ayu'

Dediacted to: @khayeciee

Dani's POv

Nakita ko na sobrang saya nga ni Jessy, nagyakapan sila mag iina. Nagiging emotional rin ako, pero pa sikreto lang. Namimiss ko rin ang nanay ko, katulad na katulad ng mama ni esfriend. Maalaga at mapagmahal. Ganun naman lahat ng nanay.

"Mama, may mga kasama po ako." Tumuwid naman kame ng tayo. Ngumiti naman kame sa kanila nang lumapit sila sa amin.

"Anak! Ang gu-gwapo naman ng mga kasama mo anak!" nahiya naman kame sa sinabi ng mama ni efriend, pero ang sirang ulo na si Ren mas nag chin up. Walang hiya! Bakit ba sumama pa ito?

"hehe. Madam talaga oh, joker. Pero totoo po,gwapo po kame. Mas lamang lang ako." Natatawa naman si Ren, feeling close naman ang isang 'to. "Ay nako iho. Oo ang gwapo mo nga, ang tatangkad niyo pa. Eh, manliligaw ba kayo ng anak ko?" Nakita ko naman namula si Jessy at tiningnan lang siya ng bunso niya.

"hala ate, asensado ka ha. May nagkakagusto na sayo." Palihim kameng natawa sa sinabi ng bunso niya.

" mama! Hindi po ha! Mga kaibigan ko pa sa school. At Ma, pwede po ba dito daw sila mag bakasyon sa atin?"

"Aba oo naman Camellia! Ano ka ba naman! Salamat mga iho at itinakas niyo ang anak ko sa trabaho niya. Gustong gusto ko talaga siya umuwi kaso mas inuuna niya ang trabaho niya! Hoy Camellia! Kaya ko pa naman kumita ng pera!" hindi nalang umumik si Jessy sa mama niya. Inakbay naman siya ng kapatid niya at tiningnan kameng tatlo.

"Madam, hindi po kame ang may balak neto. Eto po si Matthew, siya ang may pakana neto." Sabay tulak naman ni Ren kay Matthew. Umayos naman ng tayo si Matthew at halatang nahihiya.

"err--- wala po yun ma'am. Ah, ginawa ko lang ang dapat." Napakamot naman ang hari sa buhok neto. Niyakap naman siya ng mama ni Jessy na ikinagulat naming lahat. "nako, salamat talaga iho. Anak ko lang dala niyo, masaya na ako. Kaso nag abala pa kayo nag grocery para samin."

"Ah, Mama. Siya po si Matthew Kurt. Kaklase ko po siya at---" nagkatinginan naman silang dalawa. "Hay nako anak, manliligaw?" tanong ng mama niya.

"Eh?! Errrr—ewan ko po. Hindi naman po kasi siya nanliligaw." Nakakatuwa ang closeness nilang mag ina.

"weh? Manhid kaba o talagang pakipot? Nako Matthew, ako sayo huwag kana mag tiis sa slow kong ate!"

"hoy Alvin! Bakit kaba nakikialam sa usapan namin ha?!"

"Shhh.. mamaya na natin yan pag uusapan! Sila anak, sino naman sila?" nakatingin naman samin ang mama ni Jessy.

"Ah, mama. Si Dani Luis po. Ma, alam niyo bestfriend ko po siya. Siya po ang unang kaibigan ko paglapag na paglapag ko sa ciudad! " pinakilala naman ako ni esfriend. Nahihiyang ngumiti ako sa mama niya. "Kamusta po kayo?"

The Impossible Girl (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang