Chapter 22: Last Meal

3.1K 85 12
                                    

A/N:  Una sa lahat pasensya na sa delay update, masama talaga ang pakiramdam ko at busy rin sa mga bagay-bagay at sobrang sakit ng mata ko dahil palagi kameng nag oover-night ni Miss Author@joecat28 hahaha! Kapitbahay kasi kame. Hahaha! :D

Omo. O__o nakakahiya ang mga kulang-kulang na lines, typo errors at paulit-ulit na phrases sa story ko. At yung dating ng tagalog ko, my gulay! Nakakahiya. Sorry po dearest readers, pasensya na po sa aking errors. Sana hindi niyo na yun napansin kasi talagang nakakahiya Hindi ko pa rin nae-edit ang the impossible girl. Hahah! Pero, thank you parin sa inyo kasi hindi kayo nag judge :D love na love ko kayong lahat.  GodBless po.

P.S: Ugaliing umiinom ng maraming tubig dahil mainit ang panahon ngayon :D sige! Enjoy the sun.

Meishah22

Jessy's POV

 

Nakaharap ako ngayon sa salamin. Gamit ko ang uniform ng Maven University, white blouse na short sleeves with navy blue na slacks. Mukha nga talaga akong lalake, palagi kasi naka ponytail ang shoulder length na buhok ko. Huhu, kaya pala totoy ang tingin nila sa akin, kasi mukha akong highschool boy. Ang flat pa ng dibdib ko at walang shape ang katawan ko. Nasaan ang hustisya? Huhu~

  At mas lalo akong pinagkakamalang lalake dahil na rin sa maluwang na jacket ko, paano naman kasi ang lamig sa classroom namin, AIR-CONDITIONED.

 Ako lang nga ang naka jacket sa Maven University  kapag nasa classroom at pati na rin sa hallway, halos manigas nga pati dila ko sa sobrang lamig ng classroom namin pero yung mga kaklase ko mukhang sanay sa mababang temperature. Mga aswang siguro ang mga kaklase ko. May school cardigan naman, kaso wala ako nun kasi ino-order talaga yun dahil may sariling pangalan mo ang naka-burda sa cardigan. Ang sosyal talaga.  Kaya eto,alternate kong ginagamit ang tatlong jacket ko.

Nakakaiyak aminin, pero ako yung mukhang utusan sa classroom namin, ang luma na ng bag ko at recycled pa ang mga notebooks ko, samahan mo pa ng mga old books for my references, kaso wala na pala yung ibang books ko nasunog na kasi. Ahuhu~ buti nalang ang family picture namin hindi nilamon ng apoy. Lumuluha talaga ang mga mata ko kapag inaalala ko ang pangyayaring iyon.  Pero kahit may nangyaring hindi maganda kahapon, papasok pa rin ako ngayong araw.

I decided na hindi ko na muna itatali ang buong buhok ko, pero nakatali yung sa bangs ko lang, distorbo naman kasi sa mata eh. Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng apartment ko. Sakto namang pagkabukas ko kaharap ko na si esfriend.

"Esfriend?" with matching pikit-pikit pa ng mata.  Siya kasi ang maghahatid sa akin sa school ngayon, may scooter kasi siya. Ayos! Libre pamasahe.

"Oh? Problema mo esfriend? Kung makatingin ka parang hindi mo ako kilala." Hinampas ko naman siya ng bag ko. Pero natawa lang siya. Hala ka. Nasisiraan na siya ng bait.

"Hahaha! Anong nakain mo at bakit ganyan ang ayos mo? " tawang tawa naman siya. Hala ka. Sabi ko na ba't hindi talaga bagay sa akin ang ganitong ayos eh.

"Oo na, sinubukan ko lang esfriend. Alam ko namang hindi talaga bagay sa akin eh." Napakamot nalang ako sabay nguso. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang jacket ko.

"hmm." Tumigil naman siya sa kakatawa at tumingin sa akin ng maigi. Naiilang tuloy ako sa tingin ni esfriend.

"Ano nanaman ba ha?"  sigaw ko sa kanya.

"Ang cute mo esfriend. Kahit wala pa yan masyadong ayos. Talagang maganda ka." Ngumiti sa akin si esfriend. nakakagulat naman kasi ang Line niya. Madalas niya kasi akong laitin na lalake. Kaya naman binatukan ko si esfriend.

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now