Chapter 46: Giving Way

2.2K 57 7
                                    

Dedicated to @Iamjeng02
Carl's POV

We stayed in Ren and Nathan's room, naglalaro kame ng scrabble. And somebody knocked.

"The eff? NATHAN?! Anyare sa mukha mo?" We gasped as Nathan entered the room. Namamaga ang mukha niya.

Kasama niya si Matthew at hindi niya kame kayang tingnan.

"Don't give me that stare. May kasalanan rin siya"natawa lang si Nathan sabay akbay kay Matt.

"Hayaan niyo na. Tinamaan lang siya ng galit dahil sa pag ibig. Right? Pfff." Sinamaan lang siya ni Matt. Teka lang anong meron dito?

"What are you talking about Than?" Tanong ni Ace sa kanya.

"Just cut the act. I know everything. Argh. It's really unfair. You guys team up for Matt. Habang wala man lang naiwan para kumampi para saken?" Nakatulala parin kame. Teka teka lang ha..

"Hindi talaga kayo magsasalita? Mga gago 'to. Alam ko MATAGAL na. Matthew likes Jessy. At nagplaplano kayo ng mga kalokohan niyo." Agad kame lumapit kay Nathan at pinaupo siya sa kama.

Agad kumuha ng ice bag si Ace. Si Ren naman ay kumuha ng basang towel at pinunasan ng marahan ang mukha ni Nathan. Ako naman ay nilagyan ko ng ointment ang sugat at pasa sa mukha niya.

"Pfff. Mga kagwang na to. Guilty rin kayo?"

We give him an apologetic smile. Tumango lang siya samin.

"Sorry Than. Mabilis talaga ang pangyayari. Nagsimula lang yun sa inis. Ayaw talaga namin mag stay si Jessy sa Maven University.. tapos tapos ayaw na namin siya umalis. Kasi naman!!! Nagsimula ang lahat nung sa cafe.. minaliit siya ni Carl tapos pinag tanggol mo siya. Everything was new that time. Kayo lang naman ang Walang Pakealam sa grupo natin. Then both of you were showing some concern looks towards her." paliwanag ni Ren. Nakikinig lang rin si Matthew.

"Tapos... nakikialam na rin si Matt. Kame ang bully, nakikisali na siya. Kaya nanibago kame. Tapos kahit naiinis siya kay Jessy, may part na concern siya dito. NAH! ALAM MO YUN?! ANG WEIRD." Dagdag naman ni Ace.

"At samahan mo pa ng malisyosong Ren! Kaya mas nakumbinsi kame lalo na sumama sa kalokohan niya. And it turns out na totoo pala may gusto si Matt kay Jessy." Dinagdagan ko na rin. Tiningnan ako ni Ren.

"Bakla ka talaga. Naghuhugas kamay ka nanaman!" Sinapok naman siya ni Matt.

"Aray! Ehh.. totoo naman ang hinala ko diba?" Depensa niya naman.

"Pssssh. So you knew about it? That long? Talagang tinago niyo huh?" Halatang umiinit nanaman si Matt.

"Kasi naman Matt! Si Than naman kasi ang nag bigay ng hint saken!" Nanlaki nanaman ang mata ni Than.

"Hoy gago ka Ren. Wala akong alam ha!"

"I mean... kasi nung una, tinatanong ka ni Than if you're interested kay duckling. Then I noticed you're uncomfortable tapos ayun.. naisipan ko patunayan. Masyado kang obvious Matt. Sorry na. Tinotorpe ka kasi kaya naisipan namin tulungan ka ng palihim. Hehe." Napakamot nalang si Ren at napapikit nalang si Matt sabay iling.

"Now you know. And for the record, hindi ako torpe." Natawa naman si Than kaya napatingin kame sa kanya.

"Oo na. Hindi kana torpe. Kaya pala nakatira ka sa apartment ni Jessy. Ang bilis mo Matt. Pffff." Sabi ni Nathan. Agad bumangon si Matt at nag tago naman siya sa likod ko.

"What? Nakatira si Matt sa apartment ni Jessy?" Tanong ulit ni Ace kay Than at tumango ito.

"You really can't shut up?!! " ako naman ang namagitan sa kanilang dalawa.

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now