Chapter 31: First Dance (Socialization 2)

2.8K 78 5
                                    

Don't compare yourself to others, because each one of us is one of a kind. Okay dear readers? Hihi*

konting push and 6k na rin :)

Jessy's POV

Biglang dumilim, nawala ang music na pinapatugtog at nabitawan ni esfriend ang kamay ko. Teka nga lang, nasasaktan ako dahil na rin sa ka-OA-han ng mga reaksyon ng mga tao na nandito sa dance floor at talagang binabangga nila ang balikat ko at natatapakan na nila ang paa ko Ouch lang.

Naramdaman ko naman na may humila saken at tinakpan ang mukha ko gamit ang isang coat. Anong trip naman 'to? Mahigpit niyang hawak ang balikat ko at nagsimula kame mag lakad. Ano ba 'to si esfriend? Saan naman niya akong planong dalhin? Akala ko ba sasayaw kame?

"Te-teka lang esfriend ang bilis mo mag lakad!" pinilit kong alisin ang coat na nakatakip sa ulo ko pero pinigilan niya ito.

Medyo nakalayo na kame sa mataong lugar at narinig ko naman ang pagbukas ng isang pinto. Mabuti nalang talaga naka rubber shoes ako, ano bang meron? Kung makahatak naman 'to si esfriend akala mo hinahabol kame ng taong naniningil ng utang.

Narinig ko naman na tumunog ulit ang music sa loob ng hall. Ano ba talaga esfriend? Na pipi naba siya at hindi siya nagsasalita?

"uyyy.. esfriend. Kinakabahan ako ha. Bakit ba tayo umalis dun? May kaaway kaba dun? " naglalakad parin naman kame habang may takip ang ulo ko ng coat. Para akong baliw dito.

"Huyyy! Sumagot ka nga." Still no answer. Mabuti nalang hindi niya ako hinahayaang mabundol sa kung saang bagay o tao.

" May sore throat kaba? Kanina ang daldal mo, anyare ngayon?" tanong ko naman kay esfriend. Ano bang problema niya? Naramdaman ko na may dumadamping hangin sa legs ko, naka skirt kasi ang lola niyo. Hihi* Binitawan niya ang pagkakapit sa balikat ko.

"Ano ba esfriend?!" nakatakip pa rin ang ulo ko. Feeling ko ibibitay ang dating ko. Inis na inis na ako dito kay esfriend ha. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.

"Anong nakakatawa? Pwede naba alisin 'to?" kasi naman kanina kapag aalisin ko pinipigilan niya ako. Baka mainis siya saken dahil hindi ako sumusunod sa gusto niya.

"You can remove it, birdbrain." Birdbrain? Ibig sabihin nun, stupid diba? Kailan pa natuto si esfriend na pagsalitaan ako ng masama? Teka lang....

"Ang mean mo naman. Anong birdbrain ka dyan?! Anyare sa boses mo? Parang magkatulad kayo ni...." inalis ko ang coat na nakatakip sa ulo ko. "YOSIBOY?!!!" gulat na gulat na saad ko naman. Kumurap kurap pa ako kung siya nga talaga. Hindi pala si esfriend ang kasama ko kaninang umalis ?

"hmmp. Surprise?" taas kilay namang wika niya. Teka nga teka nga...

"Ba----Bakit? TEKA NGA!! BAKIT TAYO NANDITO?!" pasigaw na tanong ko naman sa kanya. Jusme. Ano nanaman ang trip ng Yosiboy na 'to? Tuluyan na nga siyang nabaliw dahil sa usok na galing sa yosi niya at pumasok sa utak niya. Nasa may malawak na garden kame at mula dito nakikita rin namin ang pool. Ang ganda naman, hindi ko 'to nakita kanina.

"Can you please tone down your voice? And act like a lady. Please?" halatang nainis siya sa boses ko. Inabot niya naman ang isang kamay niya.

"Aanhin ko naman yan?" nakatingin lang ako sa kamay niya. "I need my coat back." Akala ko kung ano na. Hinagis ko naman ito sa mukha niya. "Pananamit mo lang ang nag bago sayo pero pareho ka parin. MISTER."

"Bakit tayo nandito?" I crossed my arms. Bigyan niya dapat ako ng magandang paliwanag kung ayaw niyang masipa sa mukha wala sa oras. Hihi* Joke lang. May saltik ang Yosiboy na yan baka kapag ginawa ko yun baka patulan pa ako.

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now