Chapter 55: Gift

1.9K 65 11
                                    



They are celebratingtheir victory party and Christmas party as friends at Maven's residence.  Bukas kasi madaming aalis na sa kanila. May mag o-out of the country para makasama ang pamilya nila. Nai turn over na rin nila ang naipong donation para sa napili nilang orphanage. Masaya sila dahil may nakinabang sa pinaghirapan nila.

"Yey!! I love my manita, yes I do! I love my manita yes I do! I lovemy manita but I won't tell you!" nagpa ikot ikot pa si Ren habang hawak ang gift. Huminto naman siya sa harap ni Carl.

"ikaw ang nakabunot saken?!" inabot kasi ni Ren ang gift sa kanya. Kukunin na sana ni Carl pero, "Joke lang joe. Manita, diba? Preciosa, para sayo. Haha!" binatukan naman siya ni Cathy at turn naman niya ibigay ang gift. Kumanta kanta naman sila at huminto siya sa tapat ni Ace.

"Whoa. Ano naman kayang laman neto?" sabay yugyog naman ni Ace sa box.

"Condom joe." Nakatanggap naman ng isang hampas si Ren galing kay Nathan at tumingin si Ren sa gawi ni Loise, good thing hindi ito nakikinig sa kanila dahil busy kakatawa ni Jessy.

"Hehe. Joke lang.Eto naman." Turn naman ni Ace iabot ang gift niya. Huminto naman siya sa tapat ni Loise. "WHAT?! SIYA NABUNOT MO?! hoy, you said it's not her!"

"hehe. Naniwala ka rin. Merry Christmas Loise." Ngumiti naman si Ace kay Loise at tinanggap naman ito ng buong puso ni Loise. Nakabugnot naman ang mukha ni Ren habang nagngingitian ang dalawa sa harap niya mismo.

"errr... here.Merry Christmas." Nanlaki naman ang mata ni Ren sabay turo sa sarili niya."Really? For me? Wow. I never expected." Mas ngumisi si Ren kay Ace. Sumama naman ang timpla ng mood ni Ace.

"Ako nalang ang next!! Yooohooo~ I love my manito yes I do! Yeah!" sabay abot naman ni Andrei ng regalo niya kay Carl. Nagyakapan naman ang dalawa. At ang nabunot naman ni Carl ay si Nathan. Malaking regalo naman ang binigay niya dito. Si Carl ang may pinaka malaking gift. Then Nathan gave his gift to Matthew.

"Yeeee~ si Matthew na!! King! King!" cheer naman nila habang palapit si Matthew kay Jessy. Inabutan niya ito ng regalo. Maliit na kahon lang naman ito at tinanggap naman ito ni Jessy.

"Open it later." Sabi naman ni Matthew sa kanya at tumango lang si Jessy. "oy, wala bang kiss dyan?" sabat naman ni Andrei sa usapan pero kinurot naman siya ni Cathy.

"Err.. ibibigay ko muna kay Sir Andrei ang gift ko sa kanya." ngumiti naman si Jessy kay Matthew. "Okay, go ahead."

"Awww. Thankie Jessy." Tinanggap naman ni Andrei ang gift ni Jessy.

Binuksan naman nila ang gift nila. Marami sa kanila ang nakatanggap ng scraft, bonnet, gloves at winter jacket.

"Aba, saktong sakto sa pupuntahan ko." agad naman pinulupot ni Carl ang nakuha niyang scarft galing kay Andrei.

"I hope you liked it Loise." Sinuot naman ni Loise ang nakuha niyang pink gloves galing kay Ace. "This will keep me warm. Thank you Ace." Pupunta rin kasi ng UK si Loise para doon mag spend ng holiday with her family.

"uyyy Loise Belle. Thanks dito ha!" agad naman pumagitna si Ren kina Ace at Loise. Pinakita niya ang nakuha niya galing kay Loise. "Strawberry pillow." Niyakap naman ni Ren ang unan.

"Baliw. Dito ka lang sa Pinas?" tanong naman ni Ace kay Ren. "Oo, ang lamig kaya sa ibang bansa. Tsk. Dito nalang ako. Nandito naman si Matt."

"Tsk, why don't you join me? Tara punta tayo ng Canada. " imbita naman ni Ace kay Ren. Alam naman kasi niya mag iisa lang ito tuwing holiday season. "Gagu! Nandun ang kapatid mo! Baka masaniban nanaman. Ako pa may kasalanan. And joe, don't mind me. Madali lang naman ang 2 weeks."

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now