39.5: Intramurals 2

2.3K 64 4
                                    


Chapter 39.5: Intramurals 2

Jessy's POV

*Blag blag blag blag!

Bigla ako napabangon dahil may gustong gumiba ng pinto ko. At talagang ang aga ha? Sino naman kaya ito?

"Hoy! Bakit mo ba dinidistorbo si esfriend?! Alam mo bang pagod yan?" nananaginip ba ako? Boses yun ni esfriend Dani. At halatang may halong antok sa boses neto. At sino naman kaya ang kinakausap niya? Nag sli-sleep talk ba siya sa harap ng pintuan ko?

"I don't care. She needs some exercise." Badtrip. Boses yan ni Yosiboy, sigurado ako. Ka-tenant ko na pala ang hari ngayon. Patuloy parin sila sa pagtatalo, at dahil sobrang hiyang hiya na ako sa mga pinaggagawa nila binuksan ko na ang pinto ko.

"Woy! May relo ba kayo sa bahay niyo?!" mahina kong wika pero may halong inis.

"Why Mister? I know you're poor, but that doesn't mean you can't buy wall clock." Napahilamos ako sa mukha ko. Nauubos ang pasensya ko sa lalakeng 'to. Kagabi pa siya nang iinis saken at late na ako nakatulog dahil sa biglaang salta niya sa building namin.

"Hoy lalake, 4:00 am palang ha! Please lang, kahit ngayon lang manahimik ka sa kwarto mo." isasarado ko sana ang pinto ko kaso pinigilan niya ako.

" Sumama ka saken kung ayaw mo magising ang buong ka-tenant natin." Naningkit ang mata ko. "Stop bluffing Yosiboy." Iseserado ko sana ulit but then again he stopped me.

"Try me." Fine fine. Baliw na siya. Hindi ko akalain na talagang may saltik ang lokong 'to. Ang buong akala ko isa siyang tahimik na tao, pero hindi pala.

"Oo na! Sasama na ako. Give me 5 minutes!"

**after that.

" You're a couple minutes late" Napakurap lang ako. Ano namang meron sa lalakeng 'to? Naka Hoodie siya at jogging pants with nike shoes. Ang aga-aga lakas maka porma. Habang ako naman ay naka hoodie at pajama lang with slippers.

"te—teka lang sasama ako!" Napatingin ako kay esfriend. Pareho sila ng attire ni Yosiboy.

"Oh, may kasama kana. Matutulog na ako ulit." Agad naman ako hinila ni yosiboy.

"Mag jojogging tayo! You need it."

**

Inaantok ako habang nagjo-jog. Habang ang dalawang kasama ko naman ay nag uunahan sa pag jog. Gusto ko pa matulog kaso distorbo talaga ang yosiboy nay an sa apartment namin. Walang tao sa paligid dahil masyado pang maaga , pero tingan niya ang dalawang 'to ang daming energy.

Matapos ang mahaba habang jog, nakarating kame sa 24 hours fastfood. Nakatayo ang dalawa sa tapat ng pintuan ng fastfood. Pawis na pawis naman sila kahit malamig naman.

"It took you forever to jog huh? So weak." Comment niya naman. Tiningnan ko lang ng masama ang kagwang.

"WALANG FOREVER!" bulyaw ko sa kanya. He smirked and went inside. "Bitter." Pahabol niya.

"Loko yun ha!" inis na wika ni esfriend. "Maging ikaw loko-loko rin! Bakit mo ako iniwan habang nag uunahan kayong dalawa ha?!"

"Eh? Hala! Sorry esfriend! Hinahamon kasi ako ng King na yan! Wala namang binatbat saken." Walang binatbat daw, pareho lang sila nahirapan dahil patas lang sila.

"Ewan ko sayo! Baliw." Pumasok na rin ako sa loob at sumunod si esfriend.

"Oh? Ano? Tatlo talaga tayo maglilinya? May ioorder kayo? Ako na, sagot ko 'to. Umupo nga kayo." Pinagalitan pa kame ni Yosiboy. Nakatingin lang ang ibang tao samin. Oo nga, bakit tatlo talaga kame ang nakalinya? Wala naman kameng dalang pera ni esfriend. Napahiya kame dun ha.

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now