39: Intramurals

2.8K 59 6
                                    

A/N: Hi! thank you kay @The_Gorgeous_Fighter sa mga likes! More on Jaejoong and JYJ ka pala? wow! Same here! :D sana mag eenjoy ka sa mga updates ko, talagang matagal ako mag UD, pagpasensyahan mo na ha? #MatthewJessy

Ace Lancer's POV

Woo~ It's the most wonderful time of the school year! Kanya kanyang cheer ang mga iba't ibang department. At sa halip na mag stay ako sa college ko, which is engineering, eto ako naka stuck up sa mga barkada kong iba't iba ang kurso.

"Wala ba kayong sinalihan na games?" halos sumisigaw na ako dahil sa sobrang ingay dito sa open field, opening ceremony naman kasi ng festival.

"Wala eh. Hindi naman ako mahilig sa mga ganyan. " Si Ren naman yan with all his chocolate drink.

" Tamad ka lang! Wala ka man lang contribution sa college niyo? Nakakahiya ka naman Ren!" Sigaw naman ni Carl kay Ren.

"Wow Carl ha! Sino ba satin ang lampa? Diba, ikaw? Ano rin ba ang nagawa mo sa college mo? Forte mo lang naman ay mangopya kay Ace!" pumigitna naman ako sa isip batang kaibigan ko. Basta silang dalawa na ang nag uusap, nauuwi sa asaran.

"Ikaw Than, ano namang meron doon sa department niyo?"

"Hmm. Mind games?" oo nga pala, College of Science and Mathematics pala siya belong, matatalino pa naman ang nandun.

"Boring. Sabi naba't pare-pareho lang ang activities ng intrams. Sawang sawa na ako." Ren commented dryly.

"Oh? Si Jessy at Loise nasa harap oh." Turo naman ni Carl sa dalawa. Kita niyo yang dalawa, tumulad na rin samin, kahit magkaiba silang department, magkasama parin.

" Whoa! Ang gaganda nila oh." Agad nalipat ang mata ni Carl sa mga nagsilabasan na cheer dancers.

"Mas maganda ka parin." Biro ni Ren na tinapunan naman siya ni Carl ng popcorn. "Manahimik ka Ren! "

"oy,oy.. ang seryoso naman ng King." Kalabit naman saken ni Ren. Napatingin kame kay Matthew, malayo ang tingin niya at nasa tabi niya si Nathan na naglalaro ng COC via phone.

"Ano naman meron kay Matt? Why so serious?"

"May nagbago ba dyan? Lul."

"Ah! Alam ko na, nakakita kasi ng mga magagandang dilag at makikinis na legs. Kaya ang seryoso ng dating. Baka may iniisip na Rated SPG Haha!" Loko 'to si Ren, ang green minded masyado. Agad naman napatingin samin si Matthew. Yikes! Narinig niya kaya?

"Woooo! Go go!" agad naman nag cheer ang dalawa. Loko 'to. Ako tuloy ang nahuli ni Matt na nakatingin sa kanya. Ngumiti lang ako ng tipid at kinurot ko naman ang hita ng dalawang kumag.

Sobrang ingay na, cheer dito cheer doon. Eto kasi ang appetizer sa tuwing intrams, cheer dance competition. Ang gagaling kasi nila, pati ang kasama ko napapahiyaw at palakpak. Kaso si Matthew lang ang naka poker face habang nanonood.

Pagkatapos ng cheerdance competition, naglabasan naman ang mga tig-dadalawang representatives ng iba't ibang colleges. At yung ikinaganda pa doon, lahat ng cheer dancers sumayaw ng iisang cheography. Kaya ang gandang tingnan, habang may mga confetti na nahuhulok sa mga audience at sa field, tinawag isa-isa ang mga representative each college at itinayo ang sariling flag.

"Whoa. Bakit kaya ako hindi ginawang represenatative ng college natin Ace? Isa akong Maven noh. " Tanong saken ni Carl.

"Baka isipin na bias ka ng school, dahil sa anak ka ng may ari. Kaya siguro ganun. Intindihin mo nalang."

"Dahil nga, ang weak mo. Mababawasan ng moral ang department niyo kapag ikaw ang nag represent." Nagtawanan nalang kame ni Ren, at si Carl naman ay hindi na maipinta ang mukha.

The Impossible Girl (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora