Chapter 51: Behind his Smile

2.2K 53 12
                                    


Dedicated to: 

Mikhail Ren's POV

Dalawang araw na wala si Matthew, ang bilis talaga ng takbo ng buhay namin. Noong una, ayaw namin sa duckling na 'to at binubully pa namin. Ngayon naman, akala mo belong na matagal sa tropa namin.

Masaya na rin ako, at umamin na rin ang torpeng King namin. Hindi man successful ang ICE KING Plan namin na si Matthew ang aamin kay Jessy, pero at least sa huli nagkaunawaan ang dalawa.

Si duckling ang nauna, tapos si Matthew ang sumagot.

Ganyan ba kabaliktad ang brain mo author? Ako ang gwapo dito, dapat si Loise rin ang aamin saken at hindi ako ang umamin sa kanya. Tsk, bawas puntos yun saken. (AN: Tahimik! Bumalik kana sa POV mo.) Sige na nga lang.

Naglalaro ng board games ang mga joe's, si Jessy at ang babaeng nagpaamin saken—si Loise.

At hindi niya parin ako kinakausap ng maayos. Ano na? Ako na ngayon ang nauubusan ng paraan para lapitan siya, naubos ang ideya ko para sa loveteam MattJessy. Boyset, napabayaan ko ata ang love life ko.

"Aba, Sali na ako dyan. Pasalihin ang gwapo." Umupo naman ako sa tabi ni Loise at tiningnan ako ng mga kasamahan namin.

"ehem." Tumikhim naman si Carl. Sabay siko kay Ace, aba't kampi ata siya kay Ace.

"errr—may pupuntahan pala ako." Inayos ni Nerd ang gamit niya pero pinigilan ko naman siya at inupo siya ulit.

"kakasimula ko palang." Hindi naman ako nakatingin sa kanya.

"may pupuntahan talaga kame ni Loise. Diba? Sabay kana samin Than. Pupunta tayo kay Sir Andrei." Tumango nalang si Nathan sa kay duckling. Dinadahilan pa ang walang kwentang Andrei na yun, siya lang kasi ang club adviser namin.

"Oh siya joe's. Una na muna kame." sumabay nalang si Nathan sa dalawang babae. Nako, ang lalakeng yun.

"Kawawa ka naman Ren." Naka sad face pa si Carl habang nakatingin saken.

"Tumahimik kang tomboy na bakla, kung ayaw mo lumanding ang gwapo kong kamao sa babaeng face mo."

"woo. Scary.Hoy, lubayan mo nga si Loise. Mag hanap ka ng iba." Saad niya saken. Aba't lakas ng loob makautos saken. Bakit? Siya ba ang nagdidikta sa puso ko? Woy! Lalim nun ha!

"Bakit? Eh, si Loise ang gusto ko. At alam ko gusto niya ako." Natawa naman silang dalawa. Ang weird lang, nakakahalubilo ko pa ang karibal ko kay Loise.

"Taas ng tingin mo sa sarili mo Ren, manhid kaba? Ayaw ka Loise." Patawa tawa pa si Ace saken. Tadyakan ko kaya sa mukha 'to? Baka, sa oras na papanget siya, ako na ang pipiliin ni Loise. Ah, no need. Mas lamang pala talaga ako kesa sa isang 'to.

"Hoy, mga kagwang na 'to. bakit ba sa iisang babae kayo nagkakagusto ha? Diba, bawal sa grupo yan?" sabi ni Carl.

"kasalanan ko ba kung nagkagusto ako sa nerd na yun?" matalim parin ako nakatingin kay Ace, pero ang kumag! Nako, nakangiti parin saken. Pupunitin ko talaga ang labi niya.

"Loise is a sweet girl. She's easy to love. Kaya nagustuhan ko siya for REAL." Preskong sagot ni Ace kay Carl.

"Hoy, pinapatamaan mo ako? What I feel is real too."

"wala akong sinabi ha. napaka sensitive mo naman, baka kasi totoo. Kaya umiiwas sayo ang tao." Aba't tumayo na ako pero kinalma naman ako ni Carl.

"Hoy..hoy.. chill. Babae lang yan pare. Hindi ko hahayaan na sa isang babae lang kayo mag aaway. Lang'ya. Maging playboy na kayo ulit." Sinamaan ko ng tingin si Carl. Isa pa siya! kumakampi kay Ace, dapat saken siya kumapi, bakit? Wala lang, feel ko lang. Ako kasi ang bida. Hehe.

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now