Chapter 54: True Love's Kiss

2.2K 57 6
                                    



Jessy's POV

December 23 na bukas, play na namin. Excited na kinakabahan ang dating ko. Ako kasi ang main cast sa storyang i-play namin. Nako nako. Kasama ko naman nagsisimbang gabi si Loise, esfriend at kuya Logan. Si yosiboy? Paminsan nasa unit na nirentahan niya, paminsan wala. Ganun palagi ang set up. At napag isip isip ko rin, na mas mabuti ang palagi siya wala sa building namin.

Mas mabuti na rin yun, at hindi ko siya palaging nakikita. Baka isipin ng iba na talagang nag li-live in na kameng dalawa, nako naman. Masasakal ako ni mama kapag nalaman niya yun.

Lumabas na kame ng simbahan, ang lamig at ang sakit ng mata ko dahil kulang sa tulog.

"Jessy, uwi na muna kame ni Kuya. Kailangan ko muna kasi matulog mamaya pa naman ang class natin." paalam saken ni Loise. Mabuti naman at nadagdagan na rin kame sa pagsisimba tuwing palapit na ang pasko.

"Sige. Ingat kayo ha." nagpaalam na kame ni esfriend sa dalawang magkapatid. Sinuot naman ni esfriend ang bullcap niya.

"Para naman hindi halata na hindi ka naligo."

"Hoy! Ingay mo! huwag mo nga ipahalata."inayos ko ang cap sa ulo ko. Naglalakad lang kame ni esfriend nang makasalubong namin sina Than at Yosiboy.

"yoh, morning." Bati saken ni Than. Nandito rin pala sila. Agad kame lumapit ni esfriend sa kanilang dalawa.

"oh? Bakit hindi kayo pumasok nang sabay na tayo nag dasal." Ngumiti lang saken si Nathan at napatingin kay Matthew.

"Errr—I don't go to church." Nahihiyang sabi saken ni yosiboy. Bakit naman kaya? Ano bang ayaw niya sa simbahan? Alam ko boring, pero uy kailangan parin pumunta at mag dasal kung may panahon ka.

"tsk. Masusunog siya esfriend. Ano kaba." Hinampas ko naman si esfriend. Sinamaan lang siya ng tingin ni Yosiboy at agad na ako namagitan sa kanilang dalawa.

"Hoy..hoy.. ikaw esfriend, kakatapos mo lang magsamba, tapos gumagawa ka nanaman ng kasalanan."

"Ayy nako. Hindi ka naman mabiro. Hindi lang naman siya ang tinutukoy ko noh, pati yang si Nathan." Hinampas ko siya ulit. Natahimik naman si esfriend.

"isa pa, at paliliguan kita kay father ng isang baldeng holy water."

"He's right Jessy. Baka nga masusunog kame dyan. Hehe." Natatawang sabi saken ni Nathan. Hindi ko nalang pinansin ang pinagsasabi nila. "haay nako, kumain muna tayo. Hindi ko naman kayo pipilitin na pumasok sa simbahan. Nasa sa inyo na yan, at hindi ako Diyos para mang husga sa inyo."

"esfriend, iwan muna kita sa kanila. Ang sakit talaga ng ulo ko. Oy, bantayan niyo si Jessy saken ha." sabay killer eyes naman ni esfriend sa dalawa. Natawa nalang ako at tumango naman sila kay esfriend.

"hindi kapa nasanay samin Dani. Don't worry."

"Tskk. Just go. Shooo~" taboy naman sa kanya ni Yosiboy. Salbahe talaga 'to si Matthew kahit kelan. Hayaan na nga.

"tsk.. esfriend. Just Call me." umalis na rin si esfriend. Nakalayo na rin si esfriend at hindi na rin makita ng paningin ko. Hinarap ko naman ang dalawang kasama ko.

"Oh? Nathan? Saan ka pupunta?" mukhang aalis na rin kasi si Than. He just smiled at me. "I attended the mass. Kasama ko sina Carl, Cathy and Andrei. Ngayong araw lang kame nag attend ng misa dito sa church."

"Oh? Really? Sayang, mukhang nauna na ata sila."

"Antok kasi si Carl. Alam mo naman yun. So, paano ba yan? Iwan ko na kayo ha?" hindi na ako dininig ni Than dahil agad niya ako tinalikuran. Iniwan nanaman ako kay yosiboy.

The Impossible Girl (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora