Chapter 21: Feelings

3.4K 82 13
                                    

Ang magandang kwento ay hindi nasusukat sa dami ng reads, nasususkat ito sa mga taong nakaka appreciate ng kwento mo. Thank you po! :D Love you guys. GodBless

Meishah22

~After the bully

Flashback

Carl's POV

 Lintek na Ren! Akala ko ba walang pisikalan pagdating kay Jessy?! Bakit hinayaan niya mangyari yun?! Nakakuyom ang kamao ko habang naglalakad ako papunta sa tambayan namin. Kanina pa ako pinipigilan ni Ace kaso hindi ko siya pinapansin, kapag ako ang mapikon, sa kanya talaga lalanding ang suntok ko.

 

Bigla kong binuksan ang pinto at nakitang kumakain si Ren ng cake tapos bigla niya ito nilamon konti nalang man din yun. After niya nguyain ito uminom naman siya ng tubig tapos tiningnan niya kame and he closed the tv.

 

" Carl? Sabi ko na sa inyo mauna na kayo." Lumapit siya sa amin. Susugurin ko na sana siya kaso bigla ako pinigilan ni Ace. Ang higpit ng kapit sa akin ni Ace, ano ba yan!

 

"Problema mo?" tanong niya sa akin. Napaatras naman siya.

 

"Alam mo bang nasaktan si Jessy sa pinagkakagawa mo?! Bakit mo inutusan yung mga estudyanteng yun! Sabi sayo tayo nalang ang gagawa eh!" sinisigawan ko naman si Ren. Tiningnan lang ako ni Ren tapos wala man lang emosyon yung mukha niya, takte talaga! Manhid ata to! Importante lang sa kanya yung plano namin!

 

"Sorry, wala na ako dun. Di ko akalain aabot dun." Tinalikuran niya kame. Pinakawalan naman ako ni Ace tapos bigla kong nilapitan si Ren tapos kinuwelyuhan.

 

" Nasa clinic si Jessy! Alam mo ba hindi siya makalakad ng maayos?! Mabuti nalang dumating kame ni Nathan! " itinulak ko naman siya. Nahihirapan akong huminga. Tae na, inaatake nanaman ako, tapos biglang nataranta si Ace.

 

"Holy cow!! Nasaan ang inhaler mo?!" pinaupo ako ni Ren. Itinuro ko naman ang medicine box. Tapos kinuha agad yun ni Ace.

 

~After 5 minutes

 

Tahimik lang kame, si Ren naman ay nakaharap lang sa may bintana. Si Ace naman ay nakaupo lang sa stool at umiinom ng soda drink. Nakaupo lang ako at humihinga ng malalim, gusto ko pakalmahin muna ang sarili ko. Ayaw ko naman magalit ng tuluyan kay Ren.

 

"Sorry Joe." Sabi niya sa amin. Humarap naman siya sa amin. Bihira to mag sorry, kaya alam ko namang sincere siya.

 

"Kay Jessy mo yan sabihin." Umiwas ako ng tingin. Alam ko mahirap ang pabor ko sa kanya. Hindi naman siya nag so-sorry sa ibang tao. Walang konsensya ang lokong yan.

 

"I'll try" nagulat ako nung bigla may sumuntok sa kanya. Napatingin ako kay Ren kasi nakaupo na siya sa sahig. Si Matthew. Anong ginagawa niya dito? Bakit niya sinuntok si Ren? Alam niya kaya? Nakatingin lang si Matt kay Ren tapos inangat niya ito inayos niya pa ang damit ni Ren.  Si Ace naman ay halos lumabas ang mata sa sobrang gulat.

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now