38: I won't give up

2.5K 56 4
                                    


A/N: Ipapahaba ko ang update ko! hindi ako sanay na tinitipid ang number of words ko. :D Magbasa ang gusto ng magbasa ng mahabang update.

After Cathy's birthday, hindi na kinakausap ni Cathy si Carl at maging ang parents neto. Naniniwala kasi siya na ginusto ng pamilya niya ang arrange marriage na iyon. At maging si Carl ay na istress sa ate niya, apektado na rin ang pag aaral neto.

Nagkukulong lang sa kwarto ang ate niya for the past few days. At maging ang pagiging prefect of discipline niya ay kinalimutan niya na.

"Ate! Handa na ang pagkain! Kumain ka muna." Katok naman niya sa pinto ng ate niya.

"It's no use. Ang tigas talaga ng ulo nyan." Papa naman niya ang sumagot para sa kanya.

"Papa, mag one week na yan ha. Patapos nalang ang finals hindi parin lumalabas si ate."

"She's too stubborn just like your mom."

"What about me?! Ikaw naman kasi! Bakit ba pinagkasundo mo yang anak natin?! Maging ako nadamay sa kalokohan mo!" pinaghahampas naman ang papa nila ng kanyang misis.

"Cathy baby, kumain ka naman. You're making me worried about you baby." Malambing na tawag naman ng mama nila sa labas ng kwarto ni Cathy.

"I'm full ma." Sagot neto sa kabilang side.

" Mabuti kapa Ma, sinasagot ni Ate. Kame ni papa, hindi eh."

"yun nga lang ang sinagot saken sa loob ng ilang araw." Kinuha ng mama nila ang tray at nilapag sa tapat ng pinto.

"Anak, let's talk about this. Kung ayaw mo lumabas dahil nandito sila, ipapaalis ko ang papa at si Carl para mag usap naman tayo.I miss you baby."

"What?! How can you say that?! I'm the head of the family."

"What about it? Kung ganyan naman ang ginawa mo sa anak natin, hindi ka nababagay bilang 'Head' of the family."

" Ako nanaman Kate? I'm just worried about her. At her age, dapat may nobyo na siya. As a father I will not allow my child to live alone when it's our time to bid our farewells. Kaya naisip ko ipagkasundo siya sa karapat dapat na lalake, and that man is Andrei. He's a good man. "

"At the age of 23?! She's still young! Baka naman ang habol mo yung partnership mo between Maven and Wiskott? Urghh.. I hate you for giving our daughter's hand just for plain business!"

"Will you stop? Nagtatalo ba naman kayo sa harap ng gwapo niyong anak? Please, 'wag na dumagdag sa problema. " hindi naman natiis ni Carl ang mainit na usapan ng kanyang parents.

"Settle this Carlo! Or else... I will never sleep on our bed!! Matutulog ako sa kama ng ibang lalake!" sigaw neto sabay walk out.

"WHAT HELL KATE?! Do—don't you turn your back on me Mrs. Maven! I'm still talking!" Hinabol niya naman ang kanyang misis.

"That was totally crazy." He fished out his mobile phone and called his most trustful friend-Nathan.

"Sorry Than sa distorbo. Mukhang busy ka rin sa studies mo. Finals na rin kasi but I badly need your help. Si ate kasi hindi parin lumalabas ng kwarto." Nasa tapat parin sila ng kwarto ni Cathy.

" Hanggang ngayon? Nagkukulong parin siya sa kwarto? " Tumango lang si Carl sabay kamot sa ulo neto. "Kapag ikaw na pamilya niya hindi niya kayang harapin, ako pa kaya?" natatawang pahayag naman ni Nathan kay Carl.

"ikaw lang naman ang most trusted friend ni ate. Mas kapatid kapa nga niya kesa saken Than. Kausapin mo naman ate ko."

"hmm. Sumasagot paba siya when you're trying to talk with her?" Naguguluhan namang tumingin si Carl kay Nathan. "Oo naman. Bakit pala?"

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now