Chapter 75: Broken Pieces

1.6K 48 15
                                    


Dedicated to: @chayna11


Nag grocery naman si Matthew para may laman ang fridge at kitchen cabinet niya. Hindi lang naman siya ang nasa bahay, kasama niya si Ren. Nasa counter na siya at inabot ang card.

"Ahm, sorry sir."umiiling na inabot at binalik ng cashier ang card ni Matthew. Nagtaka naman siya dahil impossibleng walang laman ang card niya. Inabot niya ulit ang isa pa niyang card, pero binalik ito ulit. "errr--- hindi parin po sir." Kumuha nalang siya ng cash sa wallet niya. Good thing he always have cash.

"Thank you po sir, here's your change." Kinuha niya ito at lumabas ng mall. Hindi naman siya mabahala. Pumunta siya sa ATM machine para mag withdraw ng pera. Nang inilagay niya na ang amount na kailangan, hindi siya maka withdraw dahil zero balance na ang account niya. "The heckk..." inulit ulit niya ito. At hindi nalang tinuloy dahil humahaba na ang pila.

***

"Joe? Bakit parang luging lugi ka?" bungad naman sa kanya ni Ren. Summer class na nila, kumuha sila ng ilang units para naman mabawasan ang school load nila sa susunod na pasukan. Napansin niya kay Ren na tumino ito. Nag aaral, nagpapasa na ng requirements at pumapasok na sa klase.

"Ah... nothing. I'm just wondering." Niligpit niya naman ang mga pamili. "Matt, may pera ka dyan? Penge daw."

"The hell Ren? Why? You run out of money also?"

"anong Also ka dyan? So wala ka ring pera?" sasabihin niya ba na wala nga siyang pera? "Naah, I have. Pero, diba may allowance ka?"

"Oo, pero tinatamad ako kunin ang wallet ko sa kwarto. Peram muna."

"Tsk, how much?" kumakain naman ng cereals si Ren. "hmm... 10k?" agad namang sinamaan ng tingin ni Matthew si Ren. "ano? Babayaran naman kita. Grabe ka ha. Ngayon ka lang naging madamot."

"10k is too much. What will you buy?!" nagtaka naman si Ren sa kanya. Maliit na halaga lang yun sa kanila pero ngayon lang nagdamot si Matthew pagdating sa pera. "Books. Alam mo naman libo libo ang mga walang hiyang librong yan."

"Download an E-book."

"hoy, masakit sa mata magbasa sa tablet." Nakatanggap siya ng killer stare. "Okay, sabi ko nga I'll download an E-book. Deym.. tama ka. Tipid pa tayo. Haha!"

@Maven University

Naglalakad sa facade si Matthew nang maramdaman niyang may mga nakatingin sa kanya. Huminto siya at tiningnan ang mga kapwa estudyante. Nagbubulungan naman ito at tinitingnan siya. Hindi ito katulad ng tingin noon ang binibigay na sa kanya, tinitingnan siya na para bang may ginawa siyang mali.

Napahawak siya sa batok niya dahil hindi siya sanay na bigyan ng ganung tingin. Nagpatuloy lang siya nag lakad at hindi ito pinansin.

"Ah, royal blood turns to be a mud blood."

"The hell? Haha! Harry potter? Nah, he's not a mud blood. He's a total rotten blood. Half blood peasant, pure bastard."

Nilingon naman sila ni Matthew at nakatingin rin ito sa kanya. Siya ba ang pinag uusapan ng mga ito? Tumatawa naman ito habang nakatingin sa kanya. Halatang iniinis siya lalo. "You're talking about me?"

"huh? Why do you ask? Interested in some gossips? KING?" mas lalong nagtawanan ang grupo ng mga lalake. The way they said King sounds weird. Parang may ibang ibig sabihin ito. Agad naman kinuwelyuhan ni Matthew ang isang lalake. "Now what? You'll punch me? Do it." Hamon naman sa kanya.

"You can't right? Dahil wala ka naman talagang magagawa. You're nothing. You're just a son of a bitch and your father was a peasant---sorry a mere gardener. Hahah! All together, bastard bastard bastard--" Agad naman niya ito sinuntok. Pinag tulungan naman siya ng ibang lalake. Nag rumble naman sila at pinalibutan sila ng mga estudyante. May mga sumusubok na pumigil pero mas marami ang nag cheer dito.

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now