Chapter 12: Face Me!

3.2K 79 13
                                    

Carl's POV

Walanjo!! Si Nathan nag post ng video na yun? Una sa Maven Univ. Blog tapos kumalat narin sa facebook. Lintik talaga ang lalakeng yun! Siguro nalason na ng panget na babae ang utak nun.

Ayan na ang tarantado.. Naglalakad siya papunta sa direksyon namin, nakapamulsa lang siya habang nakatingin ng diretsyo samin. Aba? Cool cool lang ang trip niya? Eh ang kamao namin ni Ren kating kati na lumanding sa pagmumukha niya.

"HOY! IKAW BA YUNG NAG POST NG VIDEO NAMIN?!" sigaw ni Ren kay Nathan. Putek! Nabingi ako dun ha pati si Matt naging masama nanaman ang timpla ng mukha dahil sa sigaw ni Ren. Gagu talaga to baka magkakapuntos nanaman ako kay Matt pag nagkataon dahil sa uguk na to.

"What video?" nagmamaang maangan pa ang isang ito. Hampasin ko to ng baseball bat para maalala niya.

"What video your face!" Inis na bulyaw naman ni Ren sa kanya. Nawala ata ang decorum ni Ren kay Nathan—ewan ko lang kung may Decorum pa to si Ren. -___-'

"Ikaw ba ang nag post ng video Than?" ako na yan. Syempre dapat cool lang kunwari, kita niyo tong si King cool cool lang dapat gayahin--pero gusto ko na bangasan ang lokong Than na to.

"Hmm.. Hindi"

Ang susunod na nangyari agad binigyan ng suntok ni Matt sa mukha si Than, napada naman si Than. Putek!! Akala ko ba Cool to? Akala mo kung sinong kalma. Napangiti lang si Than, ayy gag* to baka mas uminit ang ulo ni Matt sa kanya eh.

"Sige na.. oo ako nga. Natatawa ako eh" tumayo na si Than at pinagpagan ang pantalon niya. Putek.. Aamin lang pag nasuntok ni Matt. Lintek talaga!

"HOY! HINDI NAKAKATAWA ANG NAGYARI DUN HA! ALAM MO BA ANG PANGET KO DUN?!" walanjo!! Bakit mukha lang niya ang iniisip niya?! Loko talaga to si Ren.. Wala talaga tong kwenta! Isipin niya din yung pangalan ng grupo namin ang napahiya dun.

"Bakit mo ba kinakampihan ang babaeng yun?" eto nanaman ang Ice KING.

"Wala akong kinakampihan.. isipin niyo din kasama din siya sa video. Titingnan ko lang ano ang reaction niya at reaction niyo Joe's" Yun lang ang dahilan niya?! Aba.. putek talaga to si Than! Ang weird minsan eh! Dapat to ipasok sa mental!

"aba gago nga to Matt! Mabuti nalang nahinto na ang pagkalat ng video na yun! Hoy! Mag isip ka nga ulit! " kinuwelyuhan naman ni Ren si Than.. iba din to mainis eh. Nagmana ata kay Matt. Buti nalang ako medyo good pa.

"Hmpp. Remove your damn hands."

" Talaga bang may gusto ka sa babaeng yun?! Hoy.. kaibigan mo kame for more than 10 years! Ngayon ka lang nagiging ganyan !" ako naman naman ang bumara kay Than. Ano ba talagang gusto niyang patunayan?

Nainis kame kasi baka masira ang pangalan namin eh mga future Heir's pa naman kame .

" Nagkakatuwaan lang.. pssh " inalis niya ang kamay ni Ren at umalis. Bahala nga siya sa buhay niya! Babalik din yun pag bumalik na ang isip nun. Bakit siya nagkakaganayan?! Galing talaga ni Matt nalaman niya na si Than ang nag post—manghuhula ba to?

"Paano mo nalaman na si Than ang may gawa nun King?" tanong ko naman kay Matthew Kurt King.

"Siya lang ang nandun TANGA." Tinalikuran ako ni Matt.. aba ! tanga talaga?! Ang Mean naman ni Matt~ nagtatanong lang nga eh.

Dumating na si Ace aba.... Magaling dumating pa siya.

"Yohh Bro." Bati niya samin. Pero sinuntok naman siya agad ni Ren. Tinulungan ko na rin si Ren. Oo, ganyan ang bati namin sa isa't isa kapag badtrip kame.

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now