Chapter 27: Preoccupied Mind

3.3K 68 15
                                    

A/N: sana magustuhan niyo ang new chapter na 'to. Salamat sa kapatid ko na nagbibigay rin saken ng ideas. Haha! Love na love ko talaga yun. I love you bunso. Ahihi~

Wala ako pwedeng mai-dedicate-tan, kaya, dedicated ulit  'to sa lahat ng nagbabasa ng The Impossible Girl. Salamat rin sa mga silent readers dyan . Your reads counts most. Thank you. GodBless.

 

PS: I'll update 1-2 days after.


Mikhail Ren's POV

Anong ginagawa ni Ace dito? May pa flowers-flowers pa siyang nalalaman. Bakit niya binibigyan si Nerdy? Naiinis ako sa hindi malamang dahilan, inalis ko ang nerdy style eyeglass ko at tiningnan nang masama si Nerdy at Ace. Pangiti ngiti pa si Nerdy kay Ace, aba sige! Ngumiti kayo, mas maganda naman ang ngiti ko kesa sa inyo. Lintek naman.

"Hoy!! Ano yan Ace ha?" biglang bulyaw. Hinila niya naman si Nerdy at inakbay niya ito. Anak ng.... teka. Dapat matuwa ako kasi wala pa akong ginagawa sa 'pagbabago' ni Nerdy pero pinapansin na siya ni Ace. Edi less work. Pero naiinis parin ako, bakit? Naiinis ako, bakit bawal bang mainis? Aishhh.

"Hindi man sabihin ni Loise, alam ko nagtatampo siya saken. Kaibigan ko na rin siya nuh. Diba Loise?" sabay pout niya pa kay Nerdy. Yumuko lang ang panget na babae at sabay tango. Psssh. Kinikilig lang? Edi wow.

" Di porket kasama siya sa plano natin, eh kaibigan mo na siya." Sabay glare kay Ace pero nag smile lang ang gag*, labas ang dimple at perfect set of teeth niya. Ano kaya itsura niya kapag bungal na siya? Haha!

"Sorry Ren. Kaibigan ko si Loise. Kung hindi dahil sa kanya wala tayong info tungkol kay Miss Impossible Girl. Ayos rin 'to si Loise." Sabay gulo ng buhok ni Nerdy. Hinawakan ko naman ang kamay ni Ace. "Magulo na nga—— guguluhin mo pa? Psssh." Palusot ko naman. "May klase pa kame!" dagdag ko pa. Tinawanan lang ako ni Ace. Ayy nako. Sira ulo. Hindi parin nakakaalis si Nerdy sa lugar niya. Lampa masyado ang panget na 'to.

"Hoy! Huwag ka babagal bagal Nerdy! Itatapon ko 'to mga gamit mo ngayon. Bakit ba ang dami mong dala na libro?" Banta ko naman kay Nerdy. Halos hindi na niya makita ang dinaraanan niya dahil sa laki ng stuff toy at flowers na dala niya. Ang daming dala tapos hindi niya alam paano dalhin? Aish. Sinuot ko ulit ang nerdy eyeglass ko. Nakatingin parin samin si Ace.

"Ano nanaman ba titingin tingin mo dyan ha?" tanong ko sa asungot kong kaibigan. "Wala joe. Mukhang bagay kayo ni Loise." Agad kame nagkatinginan ni Nerdy sabay pa kameng umiling kay Ace. "Hahaha! Ayos rin kayo. Sabay talaga?"  dagdag pa niya. Tarantado. Don't say bad words tsong. Di kame talo. Panget siya, ako gwapo.

"Pwede ba, nakakasuka ang pinagsasabi mo." With matching disgusted look. Yumuko lang si Nerdy. Dapat talaga mahiya siya, sa gwapo kong 'to? Papatol sa kanya? Oh bless my handsome face. Hindi ko na pinasalita si Ace dahil hinila ko na si Nerdy palayo. Bawal muna sila mag usap.

Loise Belle's POV

Di ko ikakaila na kinilig ako kay Ace, kahit anong tampo ko sa kanya—- ngiti niya lang ayos na ako. Ano pa kaya kapag may flowers siyang dala? So talagang friends na kame? Ang saya ko! Di ko talaga mapigilang ngumiti. Kaso may epal naman kasi, pero natuwa naman ako kay Ren, di ko kasi expected na magagawa niya yun. Siguro nga kailanagn talaga nila ako plano nila kay Jessy at Matthew. Nakakatouch rin si Ace, kasi naman kahit hindi ko man sabihin na nagtatampo ako, alam niya naman na may iba saken. Kung alam mo lang Ace... kung alam mo lang talaga. Gusto kita. Crush kita. 3 years na!

"Ano? Masaya kana?" biglang tanong saken ni Ren. Tumango lang ako tapos nag smile. "ABA! DAPAT HINDI! PEKE YUN!" sigaw niya sabay hablot sa flowers na bigay ni Ace at tinapon sa labas ng bintana.

The Impossible Girl (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora