Chapter 16: Desperate

3.5K 75 8
  • Gewidmet Sherna Adih
                                    

A/N: Hi po! Sensya po sa mga errors ha.. binasa ko ulit ang The Impossible Girl, ang daming errors.huhu. pero sana po nakuha niyo yung point ng mga convo. Hehe kasi naman yung laptop namin naga-autocorrect at sadyang nagmamadali akong mag type. . Don't worry i-reEdit ko lang pag may time na. hehe . Sige salamat :D GodBless. Nga pala dear readers, gusto niyo ba palitan ang character na si Nathan? Pls comment kapag Oo. May nag suggest kasi sakin na di niya feel ang character ni Taecyeon bilang Nathan. Huhu~ gwapo naman siya diba? Haha! Please comment po ha, para mapag isipan ko po yan. Yey! 1.5k na rin! Ang babaw ng kaligayahan ko. Hehe! Enjoy reading.

~~ Sa kabilang café

Ace's POV

Nandito kame sa café at kumakain ng mga pastries at huma-hunting na rin ng chicks. Hehe. Daming bebot dito. Ang ganda ng tanawin haha!. Iniwan namin si Matt sa labas ng café na pinagtratrabahuan ni Impossible Girl, bahala siya dun basta kame gutom. Ang bait naming kaibigan.  Actually, may iba pang dahilan kung bakit kame nandito ito yung pag-usapan ang— The Ice King Plan.

Sinama pa ako ng dalawang gago sa plano nila. Basta ang goal daw tulungan ipaamin si Matthew sa tunay niyang nararamdaman. Naghihinala na kasi kame  sa mga kilos niya, kailangan lang talaga naming ma-confirm kung totoo ba ito o hindi. Sa tagal ng pinagsamahan namin, ngayon lang namin nasaksihan na nag-iiba na si Matt.

"Nakita niyo yung expression ni Matt kanina? Hahaha! Parang nakalunok ng isang kahon na pako.!" Patawa-tawa pa si Ren. Actually silang dalawa ni Carl. Mga sira talaga ang dalawang yan.

"grabe Joe.. nasipa kapa sa tagiliran. Ayy nako." Halos maluha-luha ang mata ni Carl dahil sa kakatawa.

"Gago.. epic kayo mag plano!" marahas kong tinusok ang cake ko.Nakakainis talaga, for sure ako nanaman ang pag-iintan ni Matt kapag magkakasama kameng lima. Kasama sa plano namin na halikan ko daw ang kamay ni Impossible Girl, ako lang daw kasi ang the best actor sa pagiging 'gentleman DAW'.

Kasama  rin sa plano namin ang 'Invite Ugly Duckling to go out with us' gusto kasi namin malaman ano ang magiging reaction ni Matt if we'll ask her out and be our date. Mabuti nalang naunahan kame ni Nathan, nasa side talaga namin ang swerte. Kaya naman nag mukhang natural lang ang convo namin kanina. Galing talaga namin!

"Plan number one, IMPLEMENTED. Result Positive" seryoso ang tono ni Ren habang sinabi niya yun. Pero bigla naman sumabog ang tawa niya. Grabe to di parin maka move-on sa nangyari.

"Oh..Ren ano ang next plan natin? Alam mo gusto ko na agad umamin si Matt! Ahahah! Kung totoo nga na may gusto siya kay Jessy, malaki parin ang respeto ko sa kanya. Pero di ko maimagine na sila ang magkakatuluyan. Hahaha!" hinahampas niya pa ng table napkin si Ren. Isa pa to, di parin nakakamove-on. Psssh.

"Tumigil nga kayo sa kakatawa. Ano ang next move natin?" saway ko sa kanila.

"Oyyyy.. excited siya. Kunware na walang pakealam." Ren teased me. Gago to! Huwag mo ipahalata tsong! Haha!

" Tarantado. " kunwaring serious ako. Pero syempre gusto ko na talaga mapaamin si Matt.

"Hahahaha! Huwag mo ako lokohin! Kilalang-kilala kita. Sige na nga.. eto ang plano." Lumapit siya at halos pabulong na siya nagsalita. Syempre mas lumapit ako para mas marinig ko.

"Sabi ko na ba..excited ka talaga joe! Hahaha!" pinagtatawanan ako ng sirang ulo na to.

"takte joe! Seryoso ba!"

"sige na nga. Eto na eto na. " pinipigilan niyang tumawa. At sa wakas seryoso na kameng tatlo.

"Next plan.. ipagpatuloy natin ang pag bully kay ugly duckling." Naka crossed-arms pa yan si Ren at naka ngiti. Eto ang favorite part niya, ang mag Bully. Master namin yan pagdating sa bully, walang patawad talaga ang lokong to.

The Impossible Girl (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt