Chapter 58: Another Year

1.8K 54 4
                                    

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

Jessy's POV

Kasa-kasama ko naman ang bunso kong si Vin-vin. Nandito kame sa palengke at kailangan namin mamili ng karne. Pihikan kasi ang mga bisita namin, at talagang may karne! Hay nako, swerte sila at mabait si mama. Kung ako lang ang masusunod, tuyo lang ang ipapakain ko sa kanilang tatlo.

Habang namimili kame, biglang may tumakip sa mata ni Alvin. Oh? Si Ayu lang naman ang nangungulit sa kanya ng ganito. "Oh? Sino naman 'to?" kunwari hindi alam, may pahawak hawak pa ito sa kamay ni Ayu. Hokage level 9999. Tsk, arte ni Alvin.

"parammm~ Uy Vin!" nakangiting bungad ni Ayu. Agad naman abot langit ang ngiti ni Alvin. Kahit hindi niya man sabihin saken, alam ko naman may gusto siya sa kababata niya. Dati pa! Batang bata pa siya, may alam na siya sa pag ibig! Waaaa!

"Tsk, si manang Lordes lang pala." Tukso ni Alvin sa pangalan ni Ayu. Agad siya nakatanggap ng isang sapok dito. "Hoy! Diba pinga usapan na natin ang pangalang iyan? Don't call me like that! Ayu. Ayu!!"

"Wow. Napa English kapa. Haha! Ikaw parin naman si Lordes! Tsk." Halos hampasin naman siya ni Ayu ng dala netong bayong.

"Uy, ate Jessy. Hindi mo kasama ang nobyo mo?" halos mahalikan ko na ang isdang tinitingnan ko. Ano daw? Nobyo? Natawa naman si Alvin. Isa pa ito.

"Nobyo? Oy. Sino?" maang-maangan na tanong ko naman. Talaga namang wala akong kasintahan ano! Baka, ang madaldal na Ren nanaman ang nag kakalat ng balita! Isasaksak ko talaga sa lalamunan niya ang isda, buong buong ko talaga ipapalamon sa kanya.

"Sus. Sabi ni Ren, kayo na daw tsaka ni Matthew. Yung gwapong mukhang gangster! Kyaaa~ gwapo kaya niya ate jessy." Aba't siya ang kinikilig, may lihim na pag tingin ata 'to kay Yosiboy. Sinasabi ko na nga, dapat ipapasuot ko lang siya na tambay attire. Kaso, nahuhumali parin ang mga kababaihan dito sa amin dahil sa kanya, dagdagan pa nina esfriend at Ren!

Ngumuso naman si Alvin at sinamaan ng tingin si Ayu. Tsk, selos hormone niya naman ang gumagana. "Hoy, babae! May gusto kaba kay Kuya Matthew? Bawal na taken na yun!" agad ko sinapok si Alvin. Anong taken?!

"Aray ko naman ate! Nanapok ka talaga?! Tsk."

"Taken ka dyan! Hindi ko pa siya sinasagot!"

"Bakit ate Jessy? Wala kabang gusto sa kanya? Ang gwapo kaya niya. plus, mukhang mayaman." Anong mukha? Talagang mayaman yun! Isa yun sa dahilan kaya hindi ko minamadali ang lahat, kasi naman! Hindi ko siya reach! Tapos saken ang bagsak niya? Baka, gragraduate nalang ako binubully parin ako ng mga maaarteng babae sa school namin!

Hindi nalang ako sumagot. Eh, may interest naman ako sa kanya, pero kailangan ko pa ng sign. Bwahah.

"Uy, silent means yes." sinapok ko naman si Ayu. Parang kapatid ko na rin siya. "waaa! Ate jessy! Sakit nun ha!"

"Tahimik. Kung ayaw niyong makalunok ng paa ng manok." Agad naman nilang tinakpan ang bibig nila. Sumama na rin samin si Ayu namalengke. Maganda kasama si Ayu, nagkakasundo kame dahil pareho kameng mahilig tumawad. Kung kame man ang magkasama, malulugi ang may ari ng tindahan.

The Impossible Girl (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu