Chapter 77: Make A Wish

1.7K 48 12
                                    


"Son? Paano niyo ako naging anak huh? Mr. King, nagpapatawa ba kayo?" hindi naman makapaniwala si Dani sa narinig niya dito.Humakbang palapit sa kanya si Daniel pero agad siya umatras dito. "Stay there. Are you bluffing? Hindi magandang biro yan."

"Dani Luis, believe me. Kahit ako hindi ako makapaniwala." Natawa naman si Dani dito at hindi magawang tumingin sa kaharap niya. "Sorry ha, pero ang alam ko wala akong ama."

"Look, I know your mom."

"Don't talk about my mother! Wala kang karapatan para banggitin siya!" May galit si Dani sa ama niya kahit hindi niya ito kilala. Iniwan kasi sila sa oras na kailangan siya neto. Ang daming sakripisyong ginawa ng nanay niya para lang mabuhay sila. Nakaranas rin siya ng tukso noong bata pa siya dahil ang nanay niya ay isa lamang minor at sinasabing isa itong bayarang babae.

"Huwag mo ako lalapitan. Dahil sa loob ng 21 years, nabuhay ako ng wala ka. Kaya hindi ko kailangan ang isang tulad mo." kinuha niya ang bag niya at tumakbo palayo. Hindi niya napigilang maiyak habang tumatakbo. Sana kaya niyang takbuhan kung ano at sino siya. Sana hindi nalang siya. Nakarating naman siya sa building nila nina Jessy. Nakita niya si Jessy na nag tapon ng basura. Nagtama naman ang mata nila. Kumaway ito sa kanya at ngumiti.

In the first place, that should be your place. Ikaw sana ang kasama niya ngayon, kung nalaman ko lang ng mas maaga. Ikaw sana ang nasa posisyon niya ngayon.

Nag echo naman ng paulit ulit ang sinabi ni Daniel King sa kanya, nakatingin lang siya sa malayo kay Jessy at ganun rin ito sa kanya. "Ako sana yun." Bulong niya naman sa sarili niya. "Ako dapat yun."

"Esfriend!!! May sinasabi ka?!" sigaw naman ni Jessy habang nakangiti sa kanya sa malayo. Pinahid niya naman ang luha niya at tumakbo sa kinaroroonan ni Jessy. Agad niya naman ito niyakap. "Oh? Esfriend?" babawi sana siya ng yakap pero mas hinigpitan ito ni Dani. "Sandali lang.. namiss lang kita esfriend." Hinagod naman ni Jessy ang likod niya. "Kumusta ang trabaho?" tanong naman sa kanya. " Madami pa namang kumakain sa resto." Sagot niya naman.

"oh? Mabuti naman.hehe." and bumawi na sila sa yakapan. Napansin ni Jessy ang pamumula ng mata ni Dani. "esfriend umiyak kaba?" iling lang ang sagot sa kanya ni Dani, pero hindi parin siya naniniwala dito. "Oy, bestfriend tayo diba? Pards tayo. Pwede mo naman sabihin saken ang problema mo."

"Naguguluhan ako at nagagalit esfriend." Agad naman niyang pag amin. Hinila naman siya ni Jessy sa mapalit na upuan. "anong nangyari?" hinawakan naman ni Jessy ang magkabilang kamay neto. "Bakit ganito? Ayaw ko nakakaramdamn ng ganito,pero hindi ko maiwasan." Galit siya dahil nasa maayos na pamumuhay ang tatay niya, kahit konting halaga lang sana ang iniwan sa kanila o hindi kaya pinagutan sila, hindi sana sila naghirap at sana buhay pa ang nanay niya. Kasalanan yun ni Daniel, pero may naging kasalanan rin ang nanay niya, yun ang naging martir ito at nag mahal ng sobra.

"Ang alin ba esfriend? Naguguluhan rin ako sa sinasabi mo. Parang may gusto kang sabihin pero nahihirapan ka."

That I found my father, and that happens to be the father of Matthew. " esfriend... kung hindi mo ilalabas ang sama ng loob mo, sige ka magkakasakit ka sa puso." Napahawak naman sa dibdib si Dani at ginawang tambol ang dibdib neto. "ARGGGH!!!" agad naman siya pinigilan ni jessy at mas nag alala ito. "huuuuy.. pinapakaba mo ako lalo eh!"

"Jessy, nahanap ko na siya. Nahanap na niya ako... gusto ko siyang suntukin pero hindi ko magawa. Bakit siya pa?"

"Huminahon ka muna esfriend."

"Si..si Mr. King..." tumulo naman ang luha niya at nag dadalawang isip kung sasabihin niya ba ito o hindi. "Si..Daniel King.. ang dahilan bakit namatay si mama.. bakit nagka letse letse ang buhay namin.." tahimik lang nakikinig sa kanya si Jessy habang hawak parin ang kamay neto. "Siya..siya ang ama ko. Ang gagong yun." napatakip naman sa bibig si Jessy at hindi makapaniwala sa narinig niya.

The Impossible Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now