Kabanata 8

141 6 0
                                    

                          Hate

Stay, Love
Written by: shiningblueee

Kabanata 8

"Okay ka lang?" Lara asked. Doon pa lang ako natauhan kaya ngumiti ako at tumango.

"Ito pala 'yong uniform mo. Report mo na lang sa 'kin kapag maliit o malaki 'yan sa 'yo para mapalitan agad."

Inabot niya sa akin iyong uniform sa Taekwondo Team na may logo ng school. Isang pares lang iyon at unang tingin ko pa lang ay mukhang kasya na sa maliit kong pangangatawan. Itinuro rin sa akin ni Lara iyong magiging locker room ko. Ipinakilala rin nila ako sa iba pang members ng Team.

"Alam kong alam mo na 'to dahil nakwento ko na sa 'yo pero uulitin ko lang na tuwing Sabado ang Training. Pero sa mga baguhan ay mga basic techniques pa lang naman iyong dapat niyong pag-aralan," nakangiting sambit ni Dan.

May iilan din akong kasama na bagong members din, halos karamihan ay grade seven pa lang. Sa pagkakaalam ko kasi ay tuwing first day of classes ay nagpapa-attend na sila ng mga forum sa mga gustong mag-join sa Team, pinapaintindi kung ano ba ang mga nararapat na gawin sa larangan ng ganitong bagay. Sadyang kulang pa rin sila sa member kaya hanggang ngayon na patapos na ang school year ay naghahanap pa rin sila.

"Pagpasensyahan mo na 'yon si Lavares. Talagang may topak ang isang 'yon," nagulat ako nang tumabi si Dan sa akin.

"Okay lang..."

Hindi ko na siya nilingon at ngumiti nalang. Ayos lang naman sa akin kung ganoon talaga si Ian pero hindi ko lang talaga maiwasang mapatanong kung bakit. Kung bakit parang ang laki naman yata ng atraso ko sa kanya. Na para bang sa unang tingin niya palang sa akin ay kinasusuklam niya na ako. Hindi ko lang talaga maintindihan dahil sa huling pagkakaalam mo ay maayos naman ng pakikitungo niya sa akin noong una naming pagtatagpo.

"Siguro may problema na naman sila ni Attorney kaya gano'n 'yon ngayon. Pero huwag kang mag-alala, mabait naman 'yon kung minsan."

"Masasanay ka rin sa ugali ng isang 'yon," nginitian ako ni Lara na ngayon ay tumabi na rin kay Dan.

Kinuha niya iyong box ng cookies na ibinigay ko sa kanya nakatingin sa kawalan habang ngumunguya nito at ang isang kamay pa ay nakaakbay sa kanang balikat ni Dan.

"Sus! Para-paraan ka rin, Laryanne! Baka magselos boyfriend mo, mabugbog pa ang mala-santo kong mukha!" natawa ako sa sinabi ni Dan at napailing nalang.

Dan is a good-looking guy, I agree. He has a dark and long eyelashes that defined his sharp gray eyes and thick brows. But compared to Ian, he has no dimple and not as pointed nose as Ian has. Also, Ian are more taller than him. Pero masasabi ko namang pinagpala itong si Dan dahil sa magandang hubog ng katawan nito.

Wait! What the hell!? Bakit ko nga ba siya ikinukumpara kay Ian!? And what am I thinking!?

"Uy Gomez!"

"W-What!?"

"May sakit ka ba? Namumula pisngi mo," naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko nang marinig ang sinabi ni Dan. Agad akong umiwas at umiling.

"Hindi---"

"Anong hindi? Namumula buong mukha mo ngayon, halatang halata pa naman dahil ang puti mo, Miss Snow White!" humakhak siya ng malakas bago kami tinalikurang dalawa ni Lara.

"Pansin ko 'yon. Grabe tingin mo kanina kay Dan, ah. Crush mo?" natatawang saad ni Lara kaya mas lalong nang-init ang pisngi ko. Agad akong umiling dahil sa pinagsasasabi niya.

"What? No! I am not!"

"Okay! Sabi mo," panunuya niya pa.

"Hindi nga! Napasama lang yata ako sa kinain kong mani kanina kaya namumula itong pisngi ko! Hindi ko siya crush, 'no!"

Stay, Love (Travesia Series #2) √ COMPLETED Where stories live. Discover now