Kabanata 25

90 6 0
                                    

Not Me

Kabanata 25

Ian looked at me as I washed the plate he used. Hindi ko siya pinansin at tinapos nalang ang ginagawa. Inabot ako ng tatlong minuto nang matapos iyon. Nang harapin ko siya ay nakapikit na ang mata niya habang nakasandal ang ulo sa mesa.

Is he asleep already?

Lumapit ako at lumuhod para matingnan siya. Hinawakan ko ang noo niya at nagulat dahil sa sobrang init niya. Nilabas ko iyong spare towel ko sa bag. Mabuti at palagi akong meron nito para kapag pinagpapawisan buhat sa pagti-training.

Kinuha ko iyong maliit na palanggana at naglagay ng tubig doon. Masyado akong kinakabahan dahil sa kalagayan niya. Ang taas ng lagnat niya at walang nag-aasikaso sa kanya rito.

Wala ba siyang kamag-anak dito?

"Hey, Ian..."

I try to wake him up. When he opened his eyes, I immediately held his arms to stand up.

"Nasaan ang kwarto mo? Masakit ba ang ulo mo---"

"U-Umuwi ka nalang..."

Tumayo siya pero ramdam ko ang pagbalanse niya sa upuan at kung hindi ko siya na hawakan ay parang matutumba na siya. Wala siyang nagawa nang alalayan ko siya hanggang sa makapasok kami ng kwarto niya sa ikalawang palapag.

Iginaya ko siyang makahiga. Kinuha ko iyong kumot at ipinatong sa kanya. Nakapikit siya habang nanginginig sa lamig. Naghanap pa ako ng maaring kumot niya at bungad sa akin ang organisadong pagkakatupi ng mga damit ng buksan ko ang malaking cabinet sa kanang gawi ng kama niya.

His clothes were organized based on its color. Mostly of his clothes are color white. He's found of simple white shirt, huh? Well, he's handsome with that, though. His Taekwondo Uniform were separated and being hanged along with different formal suits. His branded shoes were also arranged properly at the shoe rack with lights on and sliding glass door.

The left side of his master bed is occupied with his guitar. I scanned the whole room. It was plain white coated yet simply attractive because of the different poster of 5SOS.

What? 5 Seconds of Summer? He's also found of that band! Omg! I loved their songs too!

"A-Astley..."

Agad akong napatayo sa gulat. Nilingon ko siyang balot na balot na ngayon ng kumot. Mapupungay ang mga mata niya. Naglakad agad ako para lapitan siya. Inayos ko iyong towel sa noo niya nang maramdam ang mainit niyang braso na dumikit sa balat ko. Nakatulog siya kaya hindi nalang ako umalis sa tabi ng kama niya para magbantay in case na may kailanganin siya.

Sa paglipas ng oras ay halos hindi ako nabagot sa kakasuri ng buong kwarto niya. Sa side table niya ay may picture sila nina Leizl at Kylie. They were in their graduation toga. Maybe, this was taken four years ago. There's no other picture displayed aside from that. I wonder if he had family picture here.

Tatayo sana ako para hawakan ang gitara niya nang maramdaman ang paggalaw niya. Mariing nakapit ang mga mata niya na animong nanaginip kaya nag-aalala akong ginising siya. Nang magising siya ay parang nagulat pa siya nang makitang narito.

"Why? Is there anything wrong, Ian?"

Sinuri ko ang buong mukha niya. Humingi siya ng tubig kaya agad akong tumakbo sa baba para kumuha ng pitsel ng tubig at baso. Ininom niya naman iyong gamut na ibinigay ko sa kanya pero matindi pa rin ang pag-aapoy niya sa lagnat.

"A-Anong oras na?" Tanong niya at akmang babangon kaya inalalayan ko siya. Tiningnan ko ang orasan malapit sa mesang naroon sa tabi ng kama niya at nanlaki nang mapansing alas syete na ng gabi. Hindi ko pa pala nasasabihan sina Tita na nandito ako.

Stay, Love (Travesia Series #2) √ COMPLETED Where stories live. Discover now