Kabanata 15

131 6 0
                                    

Nervous

Kabanata 15

"Uy! Anong meron?" Dan was smiling from ear to ear when we entered the gym.

"Hi..." Bati ko sa kanya pero binigyan niya lang ako ng nakakalokong ngiti. Kumurba ang kilay ko at napailing na lang. Tumungo ako sa iba ka-miyembro ko at doon sila naabutang nagwa-warm up. Lumapit din si Lara at inakbayan ako.

"Spill the tea. Mukhang nanalo ka sa loto ngayon, ah. Ano lucky number?" tanong niya kaya natawa ako.

"Sira. Kung susuwertehen lang talaga akong manalo d'yan, e'di nagawa ko na gusto kong gawin noon pa."

"Aba! Ako rin naman no. Kapag talaga ako pinalad na manalo, maipapagamot ko na Papa ko at maipapagawa ko na iyong shelter para sa mga stray dogs and cats." Napalingon ako nang marinig iyon. Umupo kami pareho sa bench. Nakatingin siya sa kawalan at hindi ko matukoy ang emosyong naroon sa mga mata niya.

"May sakit Papa mo?" mahinang tanong ko. "I'm sorry... I shouldn't ask you that. My bad..."

I gulped for a couple of times. She looked at me and smiled. But it was obviously fake. She's an eccedentesiast.

"Hmm... Tatlong taon na siyang may cancer sa buto. Ayaw niya rin na magpagamot pa..."

I was so shocked after hearing that. I don't know why I suddenly feel suffocated. Para akong sinasakal dahil nahihirapan akong huminga. Malakas din ang kabog ng puso ko.

"Uy, Astley. Okay ka lang?"

Naalala ko bigla ang Tatay ko. Kung si Lara hinihiling na mabigyan pa ng oras ang Papa niya, naisip ko bigla kung gaano ko naman kagusto na makawala sa Tatay ko. Kung siya iyon ang hinihiling para makasama pa. Kabaliktaran naman sa akin na gustong makawala para makahinga na ng maluwag.

I can't relate on what she's going through... am I selfish then?

"Astley..."

"A-Ah y-yes... I'm fine. Sorry... Hindi na dapat ako nagtanong pa." Huminga ako ng malalim at napayuko.

"Okay lang. Tara na nga. Baka kung saan pa mapunta itong pag-uusap natin. Gusto ka palang makausap ni Lety."

"Lety?"

"Iyong sumipa sa'yo last time."

Napaawang ang labi ko at tumango. Umiinom ako ng tubig sa tumbler na dala ko at pinagmasdan ang buong pasilyo. Kakaunti palang ang narito sa gym. Ang iba ay abala sa warm-up. Ang iba naman ay nag-aayos ng floor mat. Kapansin pansin na buong pasilyo ng gym ay meron ng nakalagay. Kahit nga sa pagpasok palang sa entrance ay meron.

"Bakit puno ng floormat?" Anong ko kay Dan na lumapit sa gawi ko at tinabihan ako.

"Ah, 'yan ba? Para daw yan sayo eh."

"What!? What do you mean?"

"Lapitin ka raw kasi ng desgrasya at alam mo ba..."

My forehead wrinkled and patiently wait for his next statement but when he noticed my expression he just laughed. Naalala ko ang binagsakan ko last time. Totoong bumagsak ako sa sementado dahil out of line na nga iyon. Kasalanan ko rin naman kasi na okupado ako sa araw na iyon.

"Biro lang! Pakulo talaga 'yan ni Lavarez, eh. Ewan ko kung masyado lang protective sayo matapos iyong nangyari."

"Aksidente naman ang nangyari, Jordan. T'saka mas okay nga 'to para safe na talaga." Napalingon ako kay Lara na nagsalita mula sa likod naming ni Dan at may kasama. "Si Lety," bulong niya at hinigit si Dan para makaalis.

"Ano na naman ba. Nag-uusap pa kami ni Miss Snow White! Huwag ka naman magselos agad---ahhh! Aray!"

"Ewan ko sayo!"

Stay, Love (Travesia Series #2) √ COMPLETED Where stories live. Discover now