Kabanata 49

87 2 13
                                    

Why?

Kabanata 49

The days went fast. But, nothing's new. We haven't talked yet.

Katatapos lang ng finals namin kaya next week ay bakasyon na. Inayos ko na agad ang gamit ko dahil doon ako kina Eli ngayon magbabakasyon. Si Papa ang maghahatid sa akin next week. At aniya'y may dapat akong kitain doon.

"Sino po, Papa?" Umiwas nang tingin si Papa at kinuha ang newspaper.

"You'll see, 'Nak." Maikling sagot niya.

Mapayapa kaming kumain. Si Lola lang ang kasama namin ngayon dahil si Lolo ay nasa farm. Ngayon daw kasi ang pasok ng mga bagong manggagawa dahil sa nalalapit na harvesting kaya kailangan makita ni Lolo ng personal.

"Hindi ko madalas makita ang nobyo mo, Hija." I almost choked on the steak that I was currently eating. Papa immediately gave me a glass of water. "Ayos ka lang, Apo?"

"P-Po? O-Opo..." Uminom ako ng tubig. Kinalma ko ang sarili ko at tiningnan si Lola. "B-Busy po sa training Lola." Pagsisinungaling ko.

"Ganoon ba? Hindi ba siya rito luluwas? Sa makalawa ay piyesta sa kanila. Pinapapunta nga tayo ni Luis sa kanila."

Para akong sinasalang sa hukuman sa mga tanong ni Lola. Ilang minuto akong natahimik. Pansin ko rin ang paninitig ni Papa kaya tumikhim ako.

"H-Hindi ko po alam, 'La. Mahirap din po sigurong lumiban sila ngayon dahil batay sarado sa training..." I said nervously.

Nang tumango si Lola ay napahinga ako. Hindi na siya nagtanong muli pagkatapos no'n kaya binilisan ko nang kumain para makaalis doon. Balak kong dumalaw ngayon kina Mama dahil aniya'y magpapatulong siya sakin para sa nalalapit na piyesta sa lugar nila.

Nag-jeep ako at medyo siksikan din dahil linggo ngayon. Maraming mga nakatira rito sa probinsiya ang lumuluwas sa pinaka-centro ng Travesia para mamili sa bayan. Halos nasanay na rin akong mag-commute. Madalas kasi ay nasa farm din si Papa, at kung miminsan naman ay may nilalakad sa negosyo namin sa ibang parte ng Bicol lalo na sa Sorsogon at Masbate.

Bukod kasi sa farm ng mga Gomez dito sa Travesia ay mayroon pa silang negosyo na inaasikaso kagaya ng ilang resorts. Iyong isang resort na pinapagawa ngayon ni Papa ay malapit sa pantalan dito sa boundaries papuntang Sorsogon. Sa laki rin kasi ng Bicol Region ay maraming mga turista ang dumadayo rito dahil sa magagandang lugar at pasyalan.

"Manong, para po. Huwag niyo na po akong suklian." Saad ko at iniabot ang isang daan. Nasa unahan kasi ako malapit sa kung nasaan ang driver.

"Naku! Maraming salamat, Ma'am." Napangiti ako at tumango.

"Baka naman ate ilibre mo na ako sa pamasahe. Sampung piso lang kasi ang baon ko at kasya lang para sa pamasahe." Akmang papalabas na sana ako nang magsalita iyong nasa harap ko. Napalingon ako sa mga pasahero ding naroon na kasalukuyang nakatingin din sa akin.

I took my wallet and got a five hundred peso bill. The fees were only ten pesos per head, not so high for a driver's everyday wage. Inabot kong muli kay Manong ang bayad. Kumunot ang noo niya.

"Para saan po 'yan? Papabarya? Wala ho akong barya niyan Ma'am dahil unang pasada ko palang---"

"Hindi po. Bayaran ko na rin po sila. Tanggapin niyo na po---"

"Yoah! Ang galante mo naman, Miss!"

"Maraming salamat, Ate!"

"Thank you, Miss! Anong pangalan mo? Pwedeng mahingi number---"

"Hoy, Doming! Tumigil ka at kababata bata mo pa!"

Pinamulahan ako nang marinig iyon. Tiningnan ko muli si Manong at parang kumikislap ang mga mata niya sa saya. Gumaan ang puso ko at tuluyan nang bumaba.

Stay, Love (Travesia Series #2) √ COMPLETED Where stories live. Discover now