Kabanata 47

86 3 0
                                    

Paranoid

Kabanata 47

"Bakit hindi mo sakin sinabi!? Gagong, Julius! Makakatikim talaga siya sakin ng suntok! Kahit kaibigan ko siya---"

"Hey, Leizl. Ayos lang. Baka nga talaga busy siya sa training, 'di ba?" I tried to calm her down, but she shrugged her shoulders.

"Hindi! Ginagalit talaga ako ng gagong 'yon!" 

"Leizl!" I called her out, but she walked away while manipulating her phone. 

Napabuntong hininga ako. Ilang sandali akong naghintay nang masasakyan. Ang bigat ng dibdib ko habang naglalakad ako patungo sa bahay nina Erene. Ang kulay kahel ng araw ay halos sakupin na ng tubig sa paglubog nito. Kinuha ko ang phone ko at nag-open ng Instagram. I took a video and added some captions.

IMYSM ♡

Even on Instagram, he didn't even read my messages. I smiled bitterly. I heaved a sigh again and bent my knees to get my slippers. I walked in the white sand, barefooted. As I walked along the shore, I saw some white pebbles and shells.

Magandang gawin iyong mga shells na bracelet, siguro nagpapaturo nalang ako kay Erene. Ilang minuto rin akong kumolekta ng mga shells bago tuluyang dumeritsyo nang bahay nila. Nalampasan ko ang bahay nina Ian kaso nakasara. Balita ko rin ay nasa Sorsogon sina Tito at Mama.

"Astley! Ikaw pala, Hija." Lumapit agad ako kay Nanay Ren at nagmano. Tinawag niya si Erene. "Halika pasok ka. Nasa likod ng bahay si Erene dahil siya ang nagpresintang kumuha ng mga sinampay. Umupo ka muna d'yan."

"Maraming salamat po sa pagtanggap, Nanay Ren."

"Ano ka ba, kaibigan ka ng anak ko kaya ayos lang sa akin na naririto ka. Kumusta ka na pala? Ang huli mong dalaw dito ay noong Enero pa."

"Oo nga po ang tagal ko pong hindi nagawi rito. Ayos lang po ako. Dumalaw lang po ako ngayon kay Erene para sa project namin."

Iniabot niya sa akin ang soft drinks at tinapay na nasa platito. Ngumiti ako at nagpasalamat.

"Astley! Akala ko bukas ka pa pupunta rito?" Pumasok si Erene habang dala ang mga damit. Nagpresinta akong tulungan siya pero umiling siya. "Wait lang, pasok ko lang 'to sa kwarto."

"Okay."

Lumabas si Nanay Ren ng bahay. Aniya'y may bibilhin sa palengke dahil uuwi ang anak ng pamangkin niya. Si Pierce naman ay wala rito ngayon sa bahay nila. Medyo nagulat nga ako nang pumasok ako dahil medyo nag-iba na ang itsura ng bahay. Pero kung titingnan sa labas ay ganoon pa rin ang itsura nito katulad ng dati.

"Gawin na ba natin 'yong project? Kung alam kong ngayon ka pupunta, eh, dapat sumabay na pala tayo kanina." Binuksan niya ang electric fan at itinutok iyon sa akin bago tuluyang umupo sa katabing upuan ko.

"Change of plans." I simply said. "Bukas nalang natin gawin. Balak ko sanang dito ulit mag-stay kagaya ng dati---"

"Hoy! Ayos lang! Pero dapat sinabihan mo agad ako. Saglit lang lilinisin ko muna kwarto ko---"

"There's no need, Erene. Hindi naman ako iba, 'no!" Saad ko pero umiling siya na animong pinagbabawalan akong sumunod sa kanya nang tumayo siya.

"Gagi! Nakakahiya! Hindi ko pa natutupi iyong nga bagong sinampay kaya magulo pa sa kwarto---"

"Tulungan na kita. Bored din ako sa bahay kaya napaaga na ang punta ko rito sayo. I hope I'm not a bother to you." Nahihiya akong tumingin sa kanya pero tumawa lang siya.

Tumayo na siya at nagsimulang naglakad paakyat ng hagdan. "Ang kulit mo talaga. Bahala ka na nga. Pero huwag mo akong i-judge."

"I'm not." Tinaas ko pa ang dalawa kong kamay para ipakita sa kanyang seryoso ako.

Stay, Love (Travesia Series #2) √ COMPLETED Where stories live. Discover now