Kabanata 24

80 4 0
                                    

Sick

Kabanata 24

Masama ko siyang tiningnan at tinulak. Nakasunod pa rin siya hindi ako tinatantanan ng panunuyang tingin.

Why did I even say that!?

Ian chuckled every time we made eye contact the whole day. Hindi ko alam kung nakakatawa ba talaga ako sa kanya. Hindi rin siya nagsungit buong maghapon sa training na ipinagtaka naming lahat. He's not so strict and even played around with some jokes.

"May ginawa ka ba doon kay Senior, Astley?"

"Huh?"

Kumunot ang noo ko nang balingan ang kasamahan ko. Napatingin muli ako kay Ian na kausap n ani Coach habang tumatawa. Tss! Para silang mag-ama na nag-reunion. Mabuti nga'y magaan din ang loob ni Coach ngayon at hindi niya kami pinapagalitan kahit na may iilang nagkakamali.

"Pansin ko kasi iyong ngiti niya kaninang pagpasok niyong dalawa. Tapos tingnan mo ngayon... Maamo ang mukha na para bang pinakain na ang mabangis nating lion."

"Tawang tawa nga kapag nagkakatingan kayo. Mukhang nabihag mo na siguro? Ano pinakain mo?"

Lara joined. Maging siya natatawa na rin sa mga pinagsasabi ng mga kasamahan namin.

"Siguro kapag inatake na naman iyan ng kasungitan niya, si Astley ang ialay natin."

"Mga baliw! Balik na nga kayo sa ginagawa." I said and chuckled.

That day went smoothly. Alas tres na ng hapon ako nakalabas ng campus dahil niligpit ko pa ang gamit ko. Si Lara naman ay nauna na dahil ngayon daw ang balik ng Papa niya sa bahay nila. Dan called me also that day. He's asking for some cookies because tomorrow will be his flight. He even invited us to go to his apartment, but I declined because I was quite exhausted. Hindi ko na rin nakuha iyong headphone ko kay Ian.

"Astley, pinapatawag ka raw ni Coach." Jennie said.

When I entered his office, I saw how Ian's face gaze shifted to mine. He looked problematic and left the room. I feel like he's back with his usual look. Did he transform again?

"Bakit po, Coach?" He looked at me and cleared his throat. 

"Gusto sana kitang tutukan dahil alam kong may potensiyal ka. Starting next week ay si Lavares ang mag-aasikaso sayo tuwing wala ako. Kaya kung may problema ay siya muna ang lapitan mo. May seminar lang akong dadaluhan kaya inaasahan ko na sa pagbalik ko ay kahit papaano ay may natutunan ka na."

I don't know why I feel so excited about that. Last week ako ni Coach tinanong sa gano'ng bagay kaya nagpaalam na rin ako kina Mama basta't raw hindi ko pababayaan ang sarili ko na masaktan sa pag-e-ensayo.

Kinabukasan ay nag-bake ako pagkauwi ko sa bahay. Bukas ng madaling araw ang alis ni Dan sa bansa. Si Lara ay dumeritsyo sa bahay ng gabing iyon. Nagpaalam ako kina Tita na aalis para sana sumama sa airport. Nagpresinta pa si Tito na ihatid kami pero ang sabi ni Lara ay may maghahatid na sa amin.

I stopped myself and astounded as the black Ferrari parked in front of the gate. I glanced Lara who was now giggling. The familiar guy appeared in front of us. He looked at us lazily and raised his brows.

"Tagal niyo naman!" Iritadong saad niya.

"Eh, kasi nag-bake pa si Astley!"

Lara dragged me near the expensive car. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan. I feel like my soul left at the house. Tinulak ako ni Lara sa shot gun seat. Aapila pa sana ako nang bigla niyang sarhan ang pinto sa likod. Nilingon ko si Ian na ngayon ay nakatingin sa akin.

Stay, Love (Travesia Series #2) √ COMPLETED Where stories live. Discover now