Kabanata 50

107 6 6
                                    

Pinagtatabuyan

Kabanata 50

"Astley! Tara na!"

The wind blew my hair. I was spacing out. I still didn't process what happened earlier between me and Ian. I left their house. Now I'm with Erene. 

Ngayon ang Santacruzan kaya agad akong inaya ni Erene sa tabi ng dagat dahil doon daw daan. Balak niya rin kasing sumama na libutin itong La Isla. Medyo malaki itong lugar at lalo na'y dito dadaan sa dalampasigan ay mahaba-haba ang ang lalakarin pero maganda na rin dahil kitang kita ang paglubog ng araw.

"Bakit ang tahimik mo? Nakauwi na sina Julius, ah. Nagkausap na kayo?" She asked. She's smiling at me as if she's teasing me. I didn't say anything. That's why Erene giggled. "Silent means yes! So, ano na? Bumawi na ba? Gagi, wala pa nga pero kinikilig na ako. Ano mag-kwento ka naman---"

"Iba ang iniisip mo, Erene. We talked, but that's not what you're thinking. And can we please now talk about it?" My voice somehow rose, and that made her smile fade.

"S-Sorry..."

"You don't have to. Tara na. Nandyan na---"

"Pero okay ka lang?" I looked away. Tumango ako at hindi na umimik.

Nauna akong naglakad sa may dalampasigan dahil tanaw na ang paglapit ng hinihintay namin. Naramdaman ko ang pagkapit ni Erene sa braso ko at binigyan ako nang magaang ngiti.

"Enjoy nalang natin 'tong araw na 'to! Tsaka bukas sama ka, may misa sa chapel d'yan lang sa malapit. Maaga tayo, ah! Kaya gumising ka ng maaga para hindi tayo maubusan ng upuan."

She's saying that like a mother. She gave me a crumpled face, trying to make me laugh. I heaved a deep sigh. I closed my eyes for a minute. When I opened my eyes, I tried to smile at her.

"Ayan! Mas maganda ka kapag nakangiti."

Erene has reminded me of Eli for many months of living here. They are both sensitive. Na animong nababasa agad kung anong pinagdadaanan ko sa ekspresyon ko palang. Kaya kung may problema man ako ay pansin ko agad kung paano gumawa ng paraan si Erene para pasayahin ako.

She's like a sister to me. The same with Eli. Na-miss ko tuloy si Eli!

"Hoy! Nakikita mo ba kung ano ang nakikita ko!?" Kumunot agad ang noo ko nang sabihin iyon ni Erene.

Tiningnan ko siya na nakatingin ngayon sa papalapit na may hawak ng arko na may nakalagay na Reyna Elena. Naroon si Janna. She looks so elegant in her white glittery gown. The arc  was also filled with different flowers around it. The combination of white, pink, and red flowers obviously suits her make-up. Mukha siyang simple tingnan sa ayos niya sa mukha pero litaw na litaw pa rin ang kagandahan niya.

Then my eyes shifted to the guy next to her. Nakasabit ang kamay ni Janna sa braso nito. Nang tiningnan ko iyon ay halos mahawa ako sa tili ni Erene sa tabi ko.

"Oh my God!"

"Girl, ang haba ng hair mo ngayon!" Sigaw ni Erene sa tabi kaya napalingon si Janna. Nang mapansin niya kami ay kumaway siya.

"Astley! Erene!"

Agad na akong hinila ni Erene at sumabay na sa gilid ng arko. Kasabayan namin iyong mga taga buhat.

"Oh, hi, RJ!" Bati ni Erene.

"Hello. Sasama kayo?" Ngumiti siya sa amin. Tumango ako nang lumingon ito sa akin.

"Oo! Mabuti'y partner kayo," tukso ni Erene kaya natawa si RJ.

"Erene!" Saway naman ni Janna na ngayon ay mas lalong pumula ang pisngi.

Stay, Love (Travesia Series #2) √ COMPLETED Where stories live. Discover now