Kabanata 35

92 3 0
                                    

Eccendiatesiast

Kabanata 35

I followed him as he walked out of the hospital.

Deritsyo ang tingin ko sa hallway kahit na pansin ko kung miminsan ang paglingon niya. Nang makalabas kami ng ospital ay sinunduan ko siyang naglakad sa parking lot. Hindi pamilyar ang itim na kotse sa akin. Nang buksan niya ito ay kumunot ang noo ko.

"Usap tayo... nang tayo lang." He said, almost whispering.

I heaved a sigh. Instead of accepting his hand, I immediately sat at the gunshot without saying anything. I don't have any strength to complain. Besides, we just need to talk. The car smells like him. When he started to maneuver the wheel, I just focused my attention on the road.

Binuksan ko ang bintana ng sasakyan niya bago ipinikit ang mata at pinakiramdaman ang salubong ng sariwang hangin dito sa probinsiya. Kitang kita sa daan ang nagtatagong araw sa malinaw na hugis ng Bulkang Mayon dahil walang ulap na nakaharang dito. Hindi pa naman masyadong mainit sa balat ang sikat ng araw. Ang kulay asul naman ay kasing linaw ng tubig sa dagat na animong walang nagbabadyang ulan.

Travesia is where I grew up after what happened before. Malaki ang probinsiyang ito. Dito ako dinala ng mga paa ko at natagpuan ang mga taong may bukal sa puso at tinanggap ang buong pagkatao ko. Sa isang pribadong eskwelahan ako ipanasok nina Papa Ramos nang mag-isang taon ako sa pudir nila. Girls school iyon at iilan lang kaming naroon.

When I moved in grade 8, I convinced them to enroll me in a public school because I was too worried about how much they spent just to send me to that prestigious school. They were too kind to me. They were too kind for me to accept the fact that they weren't my real parents, but how I wish they were.

"Where are we? Mag-uusap lang naman tayo, 'di ba?" Medyo iritadong saad ko.

"Maganda ang view ng Mayon sa taas. Balak sana kitang dalhin dito noon pa---"

"Can you just please be straight to the point!? Kita mo namang kailangan ako sa ospital ni---"

"Nandoon naman si..." Hindi niya natapos ang sasabihin niya kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ko.

I heaved a sigh impatiently. When I looked at him, he just smiled genuinely and offered his hand.

"Babalik tayo agad. Pangako 'yan. Tara na?"

Naiinis akong umirap at tinalikuran siya. Halos mapapikit akong muli dahil sa kahihiyan nang balingan siya.

"Lead the way!" Reklamo ko pero natatawa lang siya.

"Tss. Hawakan na nga sabi kita dahil baka madapa ka d'yan walang sasalo sayo."

Parang may kumiliti sa tiyan ko nang hawakan niya ang kamay ko at pinagsaklop ang mga daliri namin. Hindi na ako nakapagapila pa ang magsimula na siyang maglakad. Sa mahaba niyang binti ay halos panay ang reklamo ko dahil sa bilis niyang maglakad.

"You know what, just leave me!" Iritado ko siyang tiningnan. Nang sumilay ang malalim niyang dimple ay napaiwas ako.

Damn this guy! He knows my weakness!

"Bakit?" Pilyo niyang tanong at mas hinigpitan ang hawak sa akin kaya hindi ako nagtagumpay na makawala.

"Huwag mo namang ipagmayabang ang mahahaba mong binti. Hindi mo ba nakikitang pagod na ako sa kalalakad kanina pa! Mag-uusap lang naman tayo, ah? Ano ang ginagawa natin dito? Ito na ba ang dapat puntahan para lang mag-usap ang dalawang tao? Ang yayain ako sa kakahuyan? Seriously, Ian?"

"Malapit na tayo, Miss. Konting tiis na lang ho." Saad ng lalaki sa unahan namin. Iyon ang nagtuturo ng daan.

"Pasensya na ho Manong. Pagod na kasi girlfriend ko kaya panay ang reklamo. Lapit na tayo, Love." Bulong niya.

Stay, Love (Travesia Series #2) √ COMPLETED Where stories live. Discover now