Kabanata 23

89 3 0
                                    

Yes

Kabanata 23

"Hindi ka ba talaga makakasama, anak? Sayang naman..." Malungkot si Mama nang sabihin iyon kaya lumapit ako.

"Sayang naman po kasi Mama iyong scholarship kung sakali man po na makasama ako sa National Team. Bawi nalang po ako sa inyo sa susunod. Sorry po..."

I felt bad after that call. Tumawag si Mama at kinukumbinsi akong sumama sa pagluwas nila sa bansa para na rin daw makapagbakasyon ako. Pero ayo'ko rin namang iwan nalang iyong nasimulan kong training sa Taekwondo. At isa pa, buong bakasyon ay nasa pagti-training kami ni Coach.

Noong isang taon ay naisama na rin nila ako dahil sa pangungumbinsi ni Mama. Pero iyon nga, may parte sa akin na nahihiya ako dahil iniisip ko ang magiging gastos nila kung kasama pa ako. Isa pa ay okay naman sa akin kung narito lang ako sa bahay.

"Bakit kaya wala ngayon si Julius? Narinig ko silang nagtatalo kahapon ni Coach," Lara said.

My brows wrinkled and didn't look at her, instead I immediately went out of the gym and dialed Ian's number. It takes 3 calls before he finally answered it.

"Ano?" malamig na usual niya.

Here he goes again with his cold warmth approach.

"A-Are you going to train... us today?" Naikuyom ko ang palad ko nang sabihin iyon dahil sa kaba. Narinig ko ang ingay sa kabilang linya kaya kumunot ang noo ko.

Is he out for something?

[Hindi, eh. Pasabi nalang kay Coach. Baka mga two to three weeks sigur---]

"What!? For that long!?"

I closed my eyes and bit my lower lip because of irritation. So, I wouldn't see him for that long? Coach will definitely be scarier than the usual because he wasn't around. Baka samin ibuntong ang galit niya. Madalas pa naman ang galit no'n dahil kay Dan.

[Bakit? May problema ba?] I could sense his concern.

"Ah... w-wala naman. Baka kasi lalong magalit si Coach---"

[Tss. Hayaan mo siya. Sige na ibaba ko na 'to---]

"Wait... Can I ask you then... Kung saan ka pupunta?"

Gusto kong batukan ang sarili ko nang marinig mismo ang sarili. God! I sounded like I'm missing him already! Well, I wanted him here around... I also want to see him here with us...

[Hoy, Julius! Bilis na at naghihinay na si Kylie! Sino ba 'yang kausap mo at---"

That call ended. I was left hanging. He's really busy, huh? Two to three weeks with Kylie?

Iritado akong pumasok ng gym at itinuon nalang ang sarili sa pag-eensayo. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ayaw niya pang aminin sa sarili niya na gusto niya ang kaibigan niya. He doesn't need to deny it! He even lied to me, huh! Kahit na maging sina Dan at Lara ay alam na kaibigan niya lang si Kylie.

But for me, I saw how he looked at her differently. It's obvious! He has feelings for her!

I don't why that made me mad. Am I mad because he's denying his own feelings or maybe I was mad because of the fact that he has feelings for someone?

Or is this a sign that I am jealous?

Hell no!

"Wanna come over? We're having dinner on Friday at the house. I already asked Elissa."

Kyle opened the car for me. Ngayon nalang ulit kami nagkasama. Nagpresinta  siyang sunduin ako ngayon. Hindi sila nagko-cover sa banda dahil nasa probinsiya raw si Reign.

Stay, Love (Travesia Series #2) √ COMPLETED Where stories live. Discover now