Kabanata 1

658 20 0
                                    

                                 Guy
 
Stay, Love
Written by: Shiningblueee

Kabanata 1

"Sure ka na ba, Anak?" napabuntong hininga ako nang muling marinig ang sinabi ni Mama.

"Opo, Ma. Nakailang tanong ka---"

"Aba'y nag-aalala lamang ako sayo. Paano kung may mangyari---"

"Kaya ko na po ang sarili ko, Mama. Huwag na po kayong mag-alala. 'Tsaka po'y uuwi naman ako rito. Hindi nga lang po madalas pero susubukan kong dumalaw po sa inyo."

Naramdaman kong hinaplos niya ang buhok ko bago niyakap nang mahigpit. Napangiti ako at hindi mapigilan ang luha sa mata. May konting kirot sa akin pero ngumiti na lang ako para hindi nila iyon mapansin.

"Kung may problema ka roon ay tumawag ka agad sa amin. Malaki ang Manila, Anak. Mag-iingat ka roon. Nai-contact ko na kay Melissa ang pagluwas mo," ani Papa bago ako niyakap.

"Opo, Pa. Thank you po talaga."

After an hour, we arrived at the airport. I tried to smile in front of them and wave my right hand before I turned my back. I heaved a deep sigh and bit my lower lip. I saw Mama wiped her tears and Papa just gave me a nod, saying that they'll be alright. Napapikit ako at pinunasan ang luha sa pisngi.

Sa loob ng anim taon, pinaramdam nila sa akin kung ano ang tunay na kahulugan ng pamilya. Sila ang nagparamdam sa akin kung paano sumaya, na hindi ko ni-minsan naramdam sa tunay kong pamilya. Tinanggap nila ako na parang totoo nilang anak. Hindi man ako nagmula sa kanila pero sobra-sobra naman ang natatanggap kong pagmamahal na iginagawad nila.

Ni-minsan ay hindi nila sa akin ipinaramdam na iba ako sa kanilang pamilya. Hindi nila ipiniramdam na hindi ako parte ng pamilya. I may not be their real child, but I am very much thankful that I'd met them. I am thankful because they accept me. They weren't my real parents, but for me... sila ang tunay kong pamilya.

Ramos Emannuel Gomez ang tumayong ama ko sa loob ng anim na taon. Nang dahil sa trahedyang iyon ay napunta ako sa pamilya Gomez at doon naramdaman ang pagmamahal na matagal ko nang hinahanap sa tunay kong mga magulang. Sila ni Mama Leslie ang umasikaso sa papeles ko para maging parte ng pamilya Gomez, maging isang Gomez.

"Kumusta ang naging biyahe mo, Shay?" bungad na tanong ni Tita Melissa. Nagmano ako sa kanya at bahagya siyang niyakap.

"Maayos naman po, Tita. Salamat po sa pagsundo sa akin."

Kalahating oras din ay narating na namin ang bahay ni Tita Melissa. Kapatid siya ni Papa Ramos. At maging siya ay tanggap na rin ako bilang isang Gomez. Mabait sila sa akin at iyon ang pinakamalaking bagay na pinapasalamat ko sa kanila.

"Shay! You came! Akala ko pa naman pipigilan ka nina Tito, eh!" nagulat ako nang salubungin ako ng yakap ni Elissa.

"Hi..." nag-aalangan na bati ko.

Inabot niya ang gamit na dala ko at hinigit ako papasok sa kwarto niya. Halos wala namang pinagbago ang bahay nila. Noong unang taon ko palang sa pamilya Gomez ay dinala ako rito nina Papa, sampung taon ako noon.

"Dito ka na muna sa k'warto ko. Baka bukas tapos na 'yong k'warto mo. Pinapapinturahan pa kasi---"

"Hindi naman kailangan. Okay na ako rito. Nakakahiya na kasi sa inyo," mahinanong saad ko.

"We're family, Shay. You belong in this family so please... don't think like that, okay? By the way, bukas pala ay sasamahan kita sa school."

"Thank you, Eli."

She smiled and hugged me. She's like a sister to me, honestly. But sometimes, I feel awkward or maybe just... overwhelmed because of their kindness they were giving to me.

Stay, Love (Travesia Series #2) √ COMPLETED Donde viven las historias. Descúbrelo ahora