Kabanata 6

142 10 2
                                    

                       Taekwondo

Stay, Love
Written by: shiningblueee

Kabanata 6

"Ian! Wait lang!" I shouted but he walked faster.

Tumakbo ako nang mabilis at hinawakan agad ang braso niya. Hinarap ko siya kahit hinihingal pa dahil sa pagtakbo pero natigilan ako nang makita ang reaksyon niya. Namumula ang mata at umigting ang panga. Marahas din ang paghinga niya na animong galit.

"A-Are... You... Okay?" I whispered but I knew that he heard me because his peircing eyes bored on me not minding the people passing by. I can read that he's mad that made me curious.

"Huwag mo akong tanungin dahil... Tangina lang talaga!" sigaw niya at hinawi ang kamay ko na nakahawak a kanya at naglakad muli.

I was taken aback because of what I heard from him. Nakita ko ang mga tao na napatingin sa aming dalawa. Hindi ako natinag bagkus ay tumakbo para habulin siya.

"I-I'm sorry! I know you're not okay dahil obvious naman pero nandito ako para pakinggan kung---"

"Tangina! Umalis ka na nga!  Hindi kita kailangan! Bumalik ka na roon!" sigaw niya kaya napalunok ako.

"O-Okay... I-I'm sorry..." I uttered while holding my tears.

That was the last time I saw him. I don't know but I'm deadly curious about him. Naging palaisipan sa akin kung bakit galit siya. Kung bakit ganoon ang trato niya sa akin na kung tutuosin ay naging mabait naman siya noong una kaming magkausap, iyon nga lang ay sa masamang pangyayari pa kami nagkakilala.

"Sino ba kasi iyong lalaking iyon,  Anak?" tanong ni Mama na nagpabigla sa akin.

Lumuwas sina Mama rito para raw makasama ako ng ilang linggo bago sila tumungo ng Singapore. Mas maaga nga kaysa sa plano ni Papa dahil para makaabot pa sila sa completion ko. Matagal na iyong plano ni Papa para sa amin at gusto nila na kasama ako kaso tumatanggi ako. Nakakahiya na kasi kung tutuosin. Narito sila ngayon sa Manila para asikasuhin ang papers at hanggang ngayon ay pinipilit pa rin nila akong isama pero wala talaga akong balak at ayaw ko.

"Siya po iyong nagligtas sa akin noon... Pasensya na po kung umalis ako. Gusto ko po kasi siyang makausap para sana mapasalamatan," pagdadahilan ko.

"Aba'y gusto ko rin siyang makausap kung gano'n! Kaklase mo ba siya? Alam mo ba kung saan siya nakatira para maipagluto ko siya?"

"Schoolmate ko po, 'Ma. Malapit lang po rito ang bahay nila."

Nagpumilit si Mama na bumisita kami sa bahay nina Ian kahit na walang kasiguraduhan kung naroon ba ang pamilya niya. Gusto ko sanang i-text iyong numero na alam kong sa kanya pero nagdadalawang isip pa ako. Bahala na!

Sabado ngayon at alam kong naroon siya sa school para sa training nila. Sa ilang linggong paghahatid ko ng mga gawa kong baked product sa kanya ay kahit papaano ay may nalalaman ako patungkol sa kanya. Halos panay kuwento kasi si Dan sa akin kahit hindi ko naman tinatanong.

Alas singko ng hapon kami tuluyang lumabas ng subdivision. Sasama sana si Eli sa amin kaso may aayusin daw siya sa club nila. Sina Tito at Tita naman ay may pupuntahan gano'n din si Papa. Nagluto si Mama ng Adobo at nag-bake naman ako ng cookies.

"Mama... Baka po walang tao," saad ko.

Kanina pa kami rito sa harap ng bahay nila. Panay din ang door bell namin ni Mama pero walang nagbubukas sa amin. Duda akong busy din siguro ang mga magulang kaya wala ritong tao ngayon.

"Bakit po? Wala pa si Julius at Tito---"bumaling ako sa nagsalita at nagulat. Maging siya ay natahimik din. Nawala ang ngiti niya sa labi nang magtama ang mga mata namin.

Stay, Love (Travesia Series #2) √ COMPLETED حيث تعيش القصص. اكتشف الآن