Kabanata 41

80 3 0
                                    

Happy birthday

Kabanata 41

"Talaga!? Anong theme!? Kasi bibili na agad ako ng dress para sa party mo!" Nakangiting saad ni Erene habang hindi mapigilang kumapit sa braso ko.

"There's no theme, Erene. Simple lang iyon---"

"Sus! Hindi 'yon simple no! May pa invitation ka pa nga! Sino-sino pala ang mga dadalo?"

I sipped my iced coffee. I scanned the cozy place. We were here at the cafè and we're currently eating our snacks. May three weeks sem break kami kaya inaya ako ni Erene na mag-extra. Nang sabihin niya nga iyon sa akin ay natuwa ako at nagpaalam agad kay Papa. Isa pa, hindi naman kabigatan ang gagawin kaya ayos lang.

Mas mababagot ako kung nasa bahay lang ako. Magandang exercise din ito at para may mailagay akong working experience sa resume ko kapag naghanap na ako ng permanentanteng trabaho pagkatapos mag-aral. Next, school year ay college na ako kaya ginagawa ko na rin ang lahat para sanayin ang sarili ko sa reyalidad.

Kahit naman nand'yan naman ang pamilya Gomez para suportahan ako sa pag-aaral ko, gusto ko pa ring maghanap ng mapagkakitaan para atleast naman ay makatulong ako ng kaunti.

"Kaunti lang dahil hindi naman karamihan ang mga naging kaibigan ko. Pero open naman ang bahay kung may mga gusto ring dumalo." Ani ko at sinubo ang taco.

"Talaga!?" Kuminang ang mata niya sa sinabi ko. "Pwede ko bang isama si Pierce, kung ganoon?" Nahihiyang saad niya kaya nagsalubong ang kilay ko.

"Of course, Erene! Isama mo ang kapatid mo at si Nanay Ren!"

She dramatically hugged me. I chuckled and rolled my eyes. Erene is really cute. She's kind, innocent, and softhearted when it comes to her family.

"Matutuwa iyon si Nanay! Thank you na agad, Astley! Excited na ako! First time kong dumalo sa party, eh!"

"Baliw! Simple lang iyon. Hindi magarbo. Kaya huwag ka na rin gumastos para sa isusuot mo, makakapasok ka pa rin naman ng bahay kahit anong isuot mo, eh."

"Kahit naka-panty at bra lang?" She teased me.

"Erene! Gusto mo bang bawiin ko ang imbitasyon ko---"

"Joke! I'm just kidding!" Tumawa siya at tumayo nang makitang tapos na ang oras ng break namin. Agad kong inubos ang pagkain ko at bumalik na rin sa trabaho.

Ako ang nasa counter habang si Erene naman ay ang nag-aasikaso sa mga orders ng customer. May dalawa pa kaming kasamahan at may kanya-kanya na ring ginagawa.

"Hi, Love..." Aambang pa sana ng yakap si Ian nang umiwas ako. Katatapos palang ng work ko at si Erene naman ay nauna nang umuwi dahil medyo malayo pa ang byahe niya.

"Ang dumi ko---" Hindi ko natapos ang sasabihin nang yakapin pa rin niya ako at binaon ang ulo sa leeg ko. Ramdam ko ang pag-amoy niya sa leeg ko kaya agad ko siyang tinulak.

"Ang bango mo pa rin naman, ah. T'saka kahit na pawisan ka pa d'yan, yayakapin at yayakapin pa rin kita. Gan'yan kita kamahal---"

"Stop fooling me, Ian! Tss! Let's go." Nauna na akong naglakad palapit sa parking lot.

He ran to me. He scooped my waist and kissed my cheeks in an instant that made me stop. My heart pounded as fast as a running car and I felt like my whole face turned red because of what he'd done in public.

"What?" Nakataas ang kilay na tanong niya na animong wala siyang ginawa.

"Nakakainis ka talaga, alam mo ba 'yon?" Saad ko at naglakad nang mabilis.

Stay, Love (Travesia Series #2) √ COMPLETED Where stories live. Discover now