Kabanata 2

323 21 3
                                    

                               Ian      

Stay, Love
Written by: Shiningblueee

Kabanata 2

"Huwag nang magmatigas! Puro dugo na 'yang damit mo." Sambit niya at pinasakay ako sa sasakyan. Maging ang uniform niya ay kitang kita na doon ang mapulang dugo dahil sa paghawak niya sa akin.

"I-I'm fine---" hindi ko natapos ang sasabihin nang magsalita siyang muli.

Walang emosyon ang mukha niya. Maingat niya akong inalalayan. Ramdam ko rin ang pintig ng puso ko at ang nanunuyot na lalamunan. Ramdam ko ang butil ng pawis sa noo ko. Kimikirot din ang tagiliran ko dahil sa pagkakadiin ng hawak ng lalaki kanina sa akin.

"H-Hindi na talaga kailangan---"

"Huwag ka na ring magsalita, please..." sinuot niya ang seatbelt sa akin bago mabilis pero maingat ang pagmamanehong ginawa.

Nang makarating kami sa pinakamalapit na ospital ay inakay niya agad ako. Ramdam ko na rin ang pagbigat ng mata ko pero hindi ko magawang ipikit dahil sa paulit ulit na sinasabi ng lalaking ito sa harap ko.

"Shit! Malapit na tayo! Nurse!" sigaw niya habang buhat-buhat ako.

I'm just really pre-occupied earlier, that's why I haven't noticed my surroundings. Ni-hindi ako nag-ingat. Ni-hindi ko inisip na baka nga matanggal na akong pinapasundan ni Papa at hindi iyon susuko hanggat hindi ako nakukuha sa pamilya Gomez. Alam kong noon pa man talaga ay gusto niya na akong bawiin kina Papa Ramos. Pero para saan pa nga ba? Para muling makulong sa nakaraan na pilit ko nang tinatakbuhan...

Patuloy akong tumatakbo at 'di alintana ang walang saplot na paa. Gusot-gusot na ang suot ko at sabog na rin ang mukha. Kinakabahan man ay napapalingon pa rin sa likod dahil baka nasundan ako. Ilang oras na rin akong halos walang kain at ramdam na ang kumakalam na tiyan.

"Y-You can do it, Astley..." bulong ko sa sarili at nagpatuloy pa rin sa pagtakbo. Patuloy pa rin ang sunod-sunod na pagbagsakan ng mga luha sa pisngi ko pero hindi na nagatubiling punasan ito.

I need to run! I need to move! Move away from him! I should hide from him or else my life will be at mess. I badly want to leave at this hell place as soon as possible!

Nagtago ako sa isang sulok ng gusali nang marinig ang sunod-sunod na yapak. May narinig pa akong putok ng baril hindi kalayuan sa kung nasaan ako. Halos hindi na ako huminga para hindi makalikha ng tunog sa paligid at makuha ang atensyon ng mga humahabol. Madilim sa lugar na pinagtaguan ko ngunit naroon pa rin ang kabang nananaig sa dibdib ko.

"Ano! Nakita niyo na ba!?" sigaw ng isang may kalaliman ng boses.

Pamilyar iyon sa akin at hindi ko lubos inaakala na magagawa niya iyon. Sa sobrang pamilyar ay hindi ko na nagawang pigilan pa ang patuloy na pagragasa ng panibagong maiinit na luha sa aking mga mata.

"Mga hangal! Hanapin niyo at huwag kayong babalik sa akin na hindi niyo siya kasama!"

"Masusunod, Boss!" Narinig ko pa ang papalayong kaluskos na animong nagtatakbuhan.

Am I really a trash? Basura lang ba talaga ako na dumating sa buhay niya? Siguro nga'y tama sila na isa akong malas sa buhay nila.

"At saan ka sa tingin mo pupunta!? Hindi ka basta-basta makakaalis sa kamay ko, Astley! Hindi maaaring pati ikaw ay iiwan din ako kagaya ng ginawa ng magaling mong Nanay!" nanggagalaiting sigaw ni Papa habang marahas na hinawakan ang pulsuhan ko.

"No! Please, Pa... Aalis na po ako rito. Ayo'ko po dito sa---" isang malakas na sampal ang naramdaman ko sa mala-bakal na kamay niya.

I was young and alone all along. And how I wish I have someone back then...

Stay, Love (Travesia Series #2) √ COMPLETED Where stories live. Discover now