Kabanata 4

197 13 0
                                    

                                Sure

Stay, Love
Written by: shiningblueee

Kabanata 4

Hindi siya nagsalita bagkus ay hinawakan ang pulsuhan ko. Napatianod ako. Hindi ko na mahagilap si Manang kanina. Hindi ako nagsalita pero patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha ko. Ilang minuto pa'y huminto kami sa harap ng isang puting gate. Pumasok siya roon at hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.

Walang kahirap hirap niyang pinihit ang pinto at kitang kita ko ang maugat niyang kamay. Binitawan niya ang kamay ko at inilagay ang susi sa table na naroon sa gilid ng malaking TV. Ilang mga awards at medals ang bumungad sa akin. May mga picture rin siya roon kasama ng Papa niya siguro.

Nahagip ng mata ko ang isang picture frame na may larawan ng buong pamilya, maliit pa siya rito habang nakangiting nakaupo sa kandungan ng Ama. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang pamilyar na mukhang nasa tabi niya at nang lalapitan na sana pero bigla niya iyong hinawakan.

"Maupo ka na muna. Kukuha lang ako ng panggamot d'yan sa galos mo." Malamig na saad niya.

Natinag ako at agad na napaatras. Umakyat siya ng hagdan hanggang sa mawala na sa paningin ko ang imahe niya. Napabuntong hininga ako at napaupo sa sofa. Inilibot ko ang paningin ko at doon pa lang ako natauhan. Ano nga pala ang ginagawa ko rito!? Nasa bahay niya ako!? Hindi pa man ako nakatayo para sana makauwi na ay bumaba na siyang muli ng hagdan at may bitbit ng isang kahon.

Nakapalit na rin siya ng damit. He's now wearing his plain gray shirt and simple black short, barefooted. His hair was a bit messy, nakaligo na. Nang makalapit siya ay umupo agad siya sa tabi ko at iwinestra ang dalang medicine kit. Amoy na amoy ko rin ang shower gel niya. Umiwas ako ng tingin at inabala ang sarili sa pagmamasid masid sa buong kabahayan nila.

Isang simpleng bahay lang naman ang sa kanila. Puting pintura ang sumakop sa buong kabahayan at pinaganda lamang ng mga mamahaling flower vase at mga kilalang obra ng mga sikat na artist na nakasabit sa dingding. Naroon pa iyong Starry Night ni Vincent Van Gogh. May dalawang malaking sofa na sakto para sa mga bisita. Habang ang kanilang kurtina naman ay isang simpleng kulay kape na pinaganda ng lasong desinyo rito.

Ang ganda! Simple lang pero may dating!

Hindi ko pa nga siguro nakakalahati na matingnan ang buong bahay nila, papaano pa kaya iyong ibang parte ng bahay?

"Gusto mo ba ulit maospital?" mahinahon pero ramdam ko ang sarkastiko nang sabihin niya iyon.

May inilagay siya na kung ano sa cotton ball at inilapit sa pisngi ko. Hindi ko namalayan na may galos ako roon dahil sa natamong sampal sa lalaki. Napadaing ako ng maramdaman ang kirot. Lumapit siya at marahang hinipan iyon para mawala ang hapdi pero ganoon na lamang ang kalabog ng dibdib ko nang maramdaman ang hininga niya sa mukha ko. Binawi ko agad ang hawak niyang cotton ball at umusog papalayo sa kanya.

"Ako na. Kaya ko ang sarili ko." I said and didn't try to look at him.

"Kaya mo ang sarili mo? Tss! Pero bakit parating hinahabol ka ng malas at sa tuwing nakikita kita ay parating nasasangkot sa gulo! Kung hindi lang ako naroon, sa tingin mo buhay ka pa ngayon!? Hindi mo na kailangang makipagsagutan pa sa mga hayop na 'yon!"

Malakas na hininga ang pinakawalan niya pero nanahimik lang ako at nilalabanan ang namumuong luha sa mga mata ko.

"At hindi ka makakaahon kung gano'n ang pananaw mo base sa mga sinabi mo sa mga hayop ng iyon. Sa panahon ngayon, nagagawa ng tao ang lahat para sa pansariling kagustuhan nila! Kaya kung ako sayo, huwag ka nang magsalita para hindi ka masaktan at mapuruhan!"

Stay, Love (Travesia Series #2) √ COMPLETED Where stories live. Discover now